Chapter 5

33 6 0
                                    


Min POV

"okay class,dismiss"

Iniligpit ko agad ang mga gamit ko at lumabas na.

nagtext kasi si kuya na dumiretso nalang ako sa parking lot at dun na maghintay.Di rin naman ako nahirapang bumaba dahil may elevator naman dito.Kaya laking tulong na rin sa akin ito.

nang nakarating na ako sa parking lot,nakita kong naghihintay si kuya Mic doon.

"Kuya Mic!"Sigaw ko.Buti naman ay narinig niya ako.

Nakitang kong kumaway siya at lumapit sa akin.

"Asan si kuya Mar?" Tanong ko sa kanya.Napansin kong iba ang aura niya ngayon.I mean di yung Jolly na palaging nakatawa.Iba ngayon e,parang ang lungkot niya.

Di niya pinansin ang tanong ko at tinulak nalang ako.kaya nagtanong ulit ako

"Kuya Mic! Sabi ko Asan sa kuya Mar?" Nilakasan ko onti ang boses ko kaya medyo natauhan siya.

"Ah- nauna na sa ospital." Ospital? hala! bakit na-ospital si kuya?

"Huh!? Na ospital si Kuya Mar,Kuya?" Teka! Bakit?

Halos nagpanic na ako pero si kuya mic tuloy parin sa pagtulak sa akin.

"Baliw! hindi .Si Papa na ospital."

"Bakit?" kaya pala malungkot siya Ngayon.

"Sabi nang mga Katrabaho niya Hinimatay daw dahil sa sobrang init.Pero nagtext na si Mar,Nagising na Daw si papa!"

Isinakay na niya ako sa kotse at Umalis na kami

*********

"Tito,Magpahinga ka na muna! masyado mo kasing inistress yung sarili mo." Nandito na kami sa ospital. Kanina pa nga sinesermonan ni Kuya Mar itong si Tito eh.

Habang pinagalitan ni Kuya Mic at Kuya Mar si Tito nagprisinta na akong bumili ng mga gamot

lumabas na ako at tinungo ang elevator pero nang papasok na ako biglang may tumawag sa akin.

"Psst MIn." Paglingon ko si Kuya Arc

"Kuya Arc?" tanong ko sa kanya

"Hahaha! Oo si Arc! By the way diba min ang pangalan mo?" Tanong niya

"Palayaw lang po! Ahm Margaux Asuncion po!"Sabi ko sabay ngiti sa kanya

"Ah! Great name! Nice meeting you Margaux!" Sabi niya sabay tinulak ang wheelchair ko.Di ko alam kung bakit sobrang gaan ng loob ko dito sa gwapong nilalang na ito.

"Saan ka pupunta? Hatid na kita"

"Hala! naku,Wag na po nakakahiya naman po.Dyan lang naman po ako sa bilihan ng gamutan" Nakakahiya dahil kailangan pang ihatid ako eh di ko naman siya ka-ano ano

"No! its okay.Wala narin naman akong ginagawa eh! saka kita mong naka wheelchair ka."

So sa Huli di rin ako ang nanalo.para siyang nakakatanda kong kapatid.Mas Strikto pa kila kuya Mic at Kuya Mar.Sila nga pinapabayaan na ako tas ito naman si Kuya Arc Akala mo talaga di ko na

kaya ang sarili ko para tulungan ako.Grabe.

Nang matapos kong bilihin ang mga gamot na nireseta kat tito,bumalik na kami kaagad sa Ospital.Kailangan pa kasing tumawid para bumili ng Gamot.

"SO! Min ano nga palang ginagawa mo dito?" Pambabasag niya ng katahimikan

"Na Ospital kasi si tito eh! Pero ok na siya!" Binilisan niya ang pagtulak sa wheelchair saka pumasok kami sa Elevator nang may nakasabay kaming nurse.

Missing HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon