DIANA POV
"Ang galing mo talaga Dia, natanggap na ang dalawang nobelang pinasa mo kahapon. Siguro ay inspired ka no?" usisa sakin ni Lelith.
Siya ang tumatanggap ng mga manuscripts ng mga writers na kagaya ko. At hindi na ako magpapaka humble. They consider me as the most known writer in this publishing company. Best selling ang mga librong ginagawa ko.
"Hindi pwedeng malikot lang ang imahinasyon ko?" nakangiting utal ko sa kanya.
Napangiti naman siya at umiiling iling pa. Sigi ikaw na may lovelife.
"Oo na. Matagal na kitang kilala pero ni minsan hindi ko pa narinig na may boyfriend ka. Bakit nga ba? Sobrang ganda mo kaya" tumawa nalang ako sa sinabi niya.
E sa hindi ko pa feel magka boyfriend. Kahit 24 na ako e wala parin sa plano ko ang magka boyfriend at makasal. Makasal muling nag echo sa utak ko ang salitang yun.
Dahil ang mga lalaking loyal at pang prince charming ang katangian ay sa kwentong sinusulat ko lang matatagpuan.
Oo nabubuhay ako sa pantasya ko. I'm not a man hater. Sadyang mas mahal ko lang ang mga lalaking characters sa stories ko.
"Sigi na alis na ako. Salamat uli Lelith huh?" sabi ko sabay kuha ng sling bag ko sa upuan. "Walang anuman! Ikaw pa. Senior ka na kaya dito"
"Palagi mo nang sinasabi niyan. Baka pagbalik ko dito e dugtungan mo na ng citizen ang senior huh" biro ko sa kanya at dumeretso na ako sa labas.
********************
"Dalawa agad pinasa mo?" tanong ni Nicole sakin.
Pinsan ko siya at siya lang ang pinaka close ko sa lahat ng pinsan naming babae. Siya lang kasi ang hindi naiinggit sakin.
"Yeah. Actually matagal ko ng natapos ang isa. Nang matapos ko naman ang isa pa sinabay ko na lang para tipid sa pamasahe." kalmadong sagot ko sa kanya.
"Grabe Dia ah, nahiya naman ako kina tito"
"I'm not dependent on their money!"
"E pwede naman diba, pwede naman kasing muhingi ka sa dad mo nang kotse. Para saan pa't may tindahan kayo ng sasakyan? At tsaka libre ka na sana sa gas, sayo kaya ipinaman ang Dia's Gasoline Station! At hello Kuya mo lang naman ang nag mamanage sa malls niyo"
"I had enough money to buy the things I needed Nicole!"
"You had so much Dia to unbelievably work as a writer in that cheap company. At magkano ba ang binabayad nila sa mga gawa mo? Ang kinikita mo sa isang taon e nakikita mo lang ng ilang araw sa kompanya niyo!"
"You don't understand me. I love to write. I love to make people love literature and believe in love" depensa ko sa sinabi niya.
"But you yourself don't believe in love, aren't you?" nang aasar ba to?
"I believe in love!" siguradong sagot ko sa kanya.
"What, when, why, where and how? You believe in love yeah right. A runaway. Because in your books the character are in love. But do you really know what love means?"
"What's with the sudden confrontation Nicole? I seriously don't like your tone on asking me"
"Honestly Tita asked me to convince you-"
"I'm not coming home" putol ko sa sinabi niya.
Bakit ba kasi hindi maintindihan ni mama na gusto kong magsulat? Na mahal ko ang pagsusulat. Pssh.
"Diana... kahit pa tumakas ka ngayon at umiwas sa responsibilidad mo sa kompanya niyo. Darating din ang araw na pamamahalaan mo yun at yung isa pang responsibilidad"
