9~♥ Selos

296 5 0
                                    

Chapter 9

Kyline's POV

Friday

"That's all. Good bye, class..." Whoo~ Buti walang assignment at wala pang project. Pagka-labas ng teacher namin, tumayo na kami tapos kinuha ko na yung bag ko pati sila Cassy then lumabas na kami papuntang canteen.

Habang naglalakad kami, nagsalita si Ethan, "Ay nakalimutan ko." pero mahina lang kaso katabi niya ako (Twits-Cas-Me-Ethan) kaya narinig ko.

"Yung ano?" Tanong ko sa kanya.

"Uh,wala. Wait lang ah. May pupuntahan lang ako." Bago pa kami mag salita tumakbo na siya. Pansin ko lagi siyang may pinupuntahan? Malaman nga.

"Gals, mauna na kayo. Magsi-Cr lang ako," sabi ko.

"Oh sige." Twittle.

"Order ka na ba namin?" Tumango lang ako kay Cassy. Alam na kasi nila kung ano inoorder ko. Paulit-ulit lang naman mga pagkain diyan sa canteen. Hmp! Joke.

Tumakbo na ako kung saan dumaan si Ethan kanina. Syempre dahan-dahan lang at baka makita ako. Pero nag taka ako kasi bumalik lang pala siya sa room. Babalik na sana ako kila Cassy kaso nakita kong lumabas na si Ethan kaya nag tago ako. Baka tanongin ako kung bakit ako nandito eh.

Nagtaka ako kasi hindi siya dumaan papuntang canteen kundi sa iba. Kaya sinundan ko ulit hanggang sa makapunta kami sa... LOCKER?

Tapos tumingin tumingin muna siya sa paligid bago may nilagay na kung ano sa locker ni-ewan? Pero parang kay Cassy 'yun?

Umalis na si Ethan na parang walang nangyari kaya pumunta ako kung kaninong locker yung pinuntahan niya.

Pag-tingin ko. . ."Kay Cassy?" Tumawa ako ng mahina. Nako Ethan, mga galawan ha.

"Kaya pala laging may white rose si Cassy sa locker niya." Hohoho! (Hindi po ako si Santa)

Bumalik na ako sa canteen tapos nakita ko si Ethan na tumatawa pati sila Cassy. Kunwari walang nangyari Ethan ha? Haha!

"Oh Kai, nandiyan ka na pala," sabi sakin ni Ethan.

"Yeah galing akong locker." Nagulat naman si Ethan sa sinabi ko. Bakit, bebe Ethan ha? Yay 'Bebe'.

"S-sa Locker? Anong ginawa mo dun?" Nagtataka na sila Cassy kay Ethan. Ethan, halata ka masyado. Tsssk.

"Joke lang. Bakit masama ba?" Umupo na ako tapos kumain na. Nagutom ako dun ah! Eto kasi si Ethan halata ko masyado yan tuloy sinundan ko.

"H-Hindi naman. Balita ko kasi may naga-away dun eh." Clap clap for Ethan! Palusot pa Ethan hihi. Wag kang mag-alala, hindi kita ilalaglag. Hoho~

"Ahh. Nag-Cr lang ako. Diba, Cassy?"

"Huh? Oo," Ngumiti lang ako tapos pinagpa-tuloy na namin yung pagkain namin.

"Nga pala Cassy, umuwi daw kami agad kasi may pupuntahan kami nila Mommy." Nag-text kasi si mommy sakin kanina sama ko daw si Twittle. Nako, siguro papasama lang si Mommy mag-shopping.

"Kasama ako?" Tanong ni Twittle tapos tumango lang ako habang umiinom ng juice.

"Sige, okay lang. Magpa-practice pa ako eh," sabi ni Cassy.


Cassy's POV

Nandito ako sa Gym kung saan kami nagpa-practice. Lakad sa harap sabay pose tapos lakad ulit sa gilid tapos pose tapos balik sa gitna then balik sa likod. Hays! Paulit-ulit lang.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now