10~♥ Ms.Campus

250 6 0
                                    

Chapter 10

Monday

"Urrg nasan na ba yun?!" Kasalukuyan kong hinahanap yung suklay kasi nagmamadali ako at baka magu-umpisa na yung pageant.

Nung nahanap ko na yung suklay, nagsuklay agad ako tapos kinuha ko na yung bag ko pati yung paper bag na laman ay yung damit ko pati mga make up. Si Kyline kasi magme-make up sakin sa school saka dun na din ako mag bibihis.

Bumaba na ako pero dumiretso muna ako sa kitchen, nauuhaw na kasi ako eh. Narinig kong may kumakain sa likod ng bahay. Nakita ko si Butler na kumakain. "Oh Cassy, tara na po ba?"

"Opo eh," Uminom muna si butler tapos nilagay yung pinagkainan sa sink then nag hugas ng kamay. Pumunta na si Butler sa garahe para ilabas yung kotse. Nilapag ko muna yung baso sa sink tapos inabangan na si butler sa labas.

Bago pa lumabas si Butler, may bumusina na sa harap ng gate at nagulat ako kung bakit siya nandito eh dapat nasa school na siya.

"Sabay ka na sakin!" Nilabas niya yung ulo niya sa bintana.

"Huh? Wag na. Kay butler na ako sasakay." Kaso naiisip ko si Butler na naputol ko yung pagkain niya kanina kaya panigurado gutom pa yun. Kawawa naman si Kuya.

May nakita akong isang maid na nagdidilig ng mga flowers kaya tinawag ko yun. "Yaya! Hali ka po." Lumapit naman siya sakin at tinanong kung bakit sabi ko naman, "Sabihin mo po kay butler may kasabay na akong pumasok at ituloy na niya yung pagkain niya. Okay po?" Tumango lang siya tapos pumasok na sa loob.

Tumingin ako kay Ethan tapos pinagbuksan ako ng gate ng guard namin. Oha may guard kami." Tara?" Ngumiti lang siya tapos binuksan niya yung pinto ng kote niya at pumasok naman ako tapos sinara ko na tapos nag-drive na siya.

"Diba nasa school ka na dapat?" Tanong ko sa kanya.

"Oo kaso pag punta ko dun wala ka pa kaya sinundo na kita." Bakit naman niya ako susunduin? Baka magalit girlfriend niya.

Tumingin ako sa kanya."Simula na ba?"

"Hindi pa. Medyo maaga pa ata." Haaay! Buti naman. Akala ko late na ako eh.

Buti hindi masyadong traffic kaya mabilis kaming nakapunta sa school. Pagka-park namin ng kotse hindi ko na hinintay si Ethan na buksan yung pinto kasi binuksan ko na then naglakad na papasok ng School kasunod si Ethan.

Dumiretso muna ako sa room para puntahan sila Kai and Twittle. Pag pasok ko, tumayo agad silang dalawa at nagtaka ako kasi wala ng tao bukod sa kanila.

"Sorry I'm late. Nasan yung iba?"

"Okay lang. Nandun na sila, nag-aayos." Tinulungan na nila akong magbuhat ng gamit. Sus. Ang sweet, onti lang naman dala ko. "Tara na sa C.R."

Pagpasok namin sa CR, dumeretso na agad ako sa isang empty cubicle at nag bihis na. Lumabas na ako. Sana maganda maging resulta.

"Dyosa mo, Cass!" Hays panigurado maganda kinalabasan,nagandahan si Kai eh. Tumingin muna ako sa salamin then inayos na yung damit ko kanina tapos lumabas na kami.

Backstage, Mini-make up-an ako ni Kyline ngayon and si Twittle naman sa buhok ko. "Nasan nga pala si Ethan?" Tanong ko habang nakapikit.

"Ewan ko? May pupuntahan lang daw saglit eh." Baka sa girlfriend niya. Take his time.

"Done!" Minulat ko na yung mata ko at syempre sobrang ganda ko. Galing talaga nito mag make-up ni Kai.

"Thank you, girls. You two are the best!"

Habang nililigpit yung ibang make-up may napansin akong babaeng ang sama ng tingin sakin. "Kai, sino yun?" Sabay turo ko du'n sa babae.

"Ahh yung naka white? Si-" Pinutol ko yung sasabihin ni Kai kasi hindi yun.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now