18~♥ Admin&Idol

269 19 1
                                    

A/N: Dahil birthday ni Darren nag update talaga ako kahit sira 'yon charger at tablet na ginagamit ko. Yay! Happy birthday sa Asawa ni Cassy! 😂

Enjoooy!

Chapter 18


Twittle's POV

"Twittle, bilisan mo kakain na tayo sa baba."

"Oo sige. Susunod ako." Pinasok ko muna yong mga notebooks ko sa bag habang 'yong tenga ko nakapatong sa balikat ko kasi may kausap ako sa phone.

"Sino ba 'yang kausap mo?" Kai asked.

"Wala. Sige mauna ka na," pinakita muna niya sakin 'yong ngiti niyang mapang-asar tapos bumaba na.

"Idol, mamaya ka na lang tumawag. Papasok na kami."

"Osige. Ingat." in-end call ko na tapos nilagay ko sa bulsa ko 'yong phone.

Naging friend kami ni Mavy simula no'ng nalaman ko 'yong name niya no'ng nasa ASAP kaming tatlo nila Cassy at Kai.

In-add at follow ko siya a lahat ng accounts niya. I find him cute. Feed goals nga 'yong Instagram niya eh. Tapos one time may nakakahiya akong nagawa but in the end nakakakilig!


*Flashback*


"Twittle, sama ka? Bibili ako sa DQ," sabi ni Kai habang nakatayo sa pinto.

"Tinatamad ako eh."

"Lilibre kita?" Bawal daw tumanggi sa libre este grasya sabi ni Tita. Grab it, Tweetzy.

"Sige na nga." Nagpalit muna ako ng damit tapos siya umupo sa edge ng kama.

Nag suklay at powder muna ako bago lumabas ng room.Sumakay na agad ako sa kotse ni Kai tapos nag drive na siya.

"Anong sa'yo?" Tanong sakin ni Kai no'ng nakahanap na kami ng mauupuan.

"Ganon pa din."

"Nga naman. Tinanong ko pa." Ang sarap kaya ng oreo. Hindi nakakasawa.

"'Yong malaki ha!" Tumango lang siya tapos nag order na.

Nilabas ko muna 'yong phone ko at nag-Instagram. Nag post pala kanina si Kai ng OOTD bago pumunta sa room. Lagi naman eh. Kahit kung anong kinakain, ipo-post.

Nag-comment ako ng 'Dyosa' tapos binack ko na kasi dumating na si Kai kasama 'yong order. Baka kasi dalawahin niya 'yong order ko kaya pinuri ko siya sa IG.

Pinicture-an muna ni Kai tapos ipopost na niya kaya panigurado kaya makikita niya 'yong comment ko at oorder pa yan para sakin.

Ilang minuto nang nakalipas pero wala pa. Dati, lagi naman ah! Kaya ubos pera ni Kai pag kasama niya ako eh. Hehehe.

Tiningnan ko 'yong IG ko at may notification.



@mavyvillarroel mention you in a comment: @twittledizon Wth?.


Tinap ko ka-agad 'yon. Bakit napa- 'Wth?' Siya? Hindi ko naman niya ako kilala eh. Ini-stalk ko lang naman IG niya pero hindi ako nagco-comment. Like lang.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now