31~♥ Phone Number

189 7 0
                                    

Chapter 31

Cassy's POV

"Kai, sa tingin mo bagay ba 'to kay Kuya Kentdler?" Pinatingin ko kay Kai 'yung sapatos na size 9. Sapatos 'yung naisip ko tapos si Kai naman watch tapos si Twittle naman ay Jacket tapos si Ethan ay perfume. Oha! Ang sosyal ni Ethan at perfume pa ang naiisip iregalo. Mas mahal pa 'yung kanya.

"Oo naman," sabi niya at tumingin ulit sa mga damit. Nabili na nila 'yung ireregalo nila tapos ako namimili pa lang.

"Sabagay, kahit ano naman bagay kay Kuya Kentdler, e," sabi ko at dinouble check 'yung sapatos. Ang dami kasing magaganda kaya ang hirap pumili! Jordan 'yung napili ko.

(A/N: Wala akong maisip, e. Any suggest? LOL)

Tinawag ko 'yung sales lady at saka pinahanap 'yung isang partner. Nang makabalik na siya, pumunta na kaming counter.

"Here's your changes, ma'am." Kinuha ko kay Ate 'yung sukli ko at 'yung sapatos na binili ko. Pinabalot ko na rin katulad kila Kai. Umalis na din kami sa pila kasi may kasunod pa.

"Kai, pahawak nga nito. Ilalagay ko lang 'yung pera ko sa wallet," inabot ko sa kanya 'yung paper bag pero hindi niya kinuha.

"Ayoko nga. May dala ako, oh!"

"Wow. Ang bigat ng relo, a!" Ang arte nitong si Kai. Parang ang bigat naman ng relo. Si Twittle naman lumayo papunta sa tabi ni Kai. Akala niya siguro ipapahawak ko sa kanya. Tamad nila!

"Ako na lang, Cassy. Akin na," inabot ko kay Ethan. Buti pa 'to si Ethan ang bait!

Nilagay ko na sa wallet ko 'yung perang sukli kanina at kukunin ko sana kay Ethan 'yung paper bag kaso sabi niya siya na daw ang magdala. Gentleman talaga!

Naglalakad kami malapit sa Exit nang makita ko 'yung Greenwich. Umayghad! Pizza! Natakam ako kanina kay D, e. 'Di namigay.

"Guys, pizza tayo?"

"Libre mo?!" Tuwang-tuwa sagot nila. Kaya minsan ayaw kong magyaya, e. Kung sino magyaya, siyang manglilibre. Pet-malu!

"Ba't ako?"

"Ay, uwi na tayo," sabi ni Kai.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Ethan.

"Tara na, guys!" At ito pang si Twittle.

Ayos talaga 'tong mga ito, e. Bahala sila diyan. Ako na lang mag-isa. At least solo ko 'yung buong pizza. Yum! Yum!

"Okay, fine!"

"Lilibre mo na kami?!" Ngiting tagumpay na tanong ni Twittle.

"Hindi. Ako lang mag-isa. Sige uwi na kayo." Akala nila, a. Iiwan ba naman ako pag hindi ko nilibre. "Ethan, akin na 'yang paper bag ko."

Hindi binigay ni Ethan kaya ako na kumuha. Madamot muna ako ngayon. Nac-crave talaga ako sa pizza, e. Naglakad na ako papasok sa Greenwich.

"Si Cassy nagtampo~" Hinabol pa nila ako.

"Hindi ako nagtatampo, 'no!" Masaya nga ako kasi masosolo namin ni Darren Jr. ang pizza, e. Mabubusog na naman siya.

"Sige uwi na kayo, guys. Bukas na lang," sabi ko at pumila na sa counter.

"Uy, Cassy joke lang 'yun," inakbayan pa ako ni Ethan. Tiningnan ko 'yung kamay niya at unti-unti niyang binaba at ngumisi pa. Humuhokage ka, a!

"Oo nga, Cassy. Kami na manglilibre sayo," sabay kindat pa ni Kai.

"Wee? Libre niyo?" Paninigurado ko. Mamaya ako din magbayad, e.

"Oo nga. Kaya maupo na tayo du'n, girls at si Ethan na ang bibili." Tinulak ako nang dahan-dahan nila Kai papunta sa table at si Ethan ay walang nagawa kaya siya na ang bumili ng Pizza.

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now