2

73 5 2
                                    

"Hay ano bayan kinikilig akoooo!!!!!!" tili ko habang niyugyug ko si Pau. Isa sa barkada. e kase namann! ung kanina. Ung sabay kaming naglakad tapos nginitian nya ako.

"Oo na kinikilig ka na. Swerte mo uy." sabi nya sakin.

"Guys tara selfie tayo!" yaya samin ni Claire na naka swim suit na. May katabi syang lalake na may hawak ng phone nya. taga picture siguro.

Pumunta kami sa pwesto niya. Bale ang puwesto namin magkakatabi kami ng puwesto ng mga girls, tas sa tabi ko mga boys na. So katabi ko si Dancarlo.

"Wait guys! Wala pa si Grey!" sabi nya.

"Uy color Gray! Mamaya ka na lumamon! Pumunta ka dito!" sabi ni Francis sakanya. Natawa naman kami. Ang kulet kase ng mukha ni Grey nung tinawag syang 'Color Gray'.

"Oo eto na! Tska pwede ba! Wag ko akong tawaging Color Gray, Francisco!" Ganti naman ni Grey.

"Aba tong dalawang to! Nag away pa! Halika nga dito Grey." tawag ni Ryle.

Pumunta na si Grey sa gitna namin ni Ryle. May hawak pa syang cup. Omg. Katabi ko pala siyaaaa! Syetttt! Kilig!!!

"Okay guys. Smile!" nagsmile naman kami.

Click!

"Guys isa pa. Wacky!" Yaya ni ivan.

Dumila ako at nag peace sign. AGSJJSBSHAJAHSGAJSVAH. Nabigla ako ng umakbay sakin si Grey. Putspa naman! Umakbay sya at nagpeace sign at ngumuso. Fudgeee! KINIKILIG AKO PUTSPA.

Click!

"Tapos na po." sabi nung nag picture.

"Thank you Kuya!" sabi ni Claire. Ang friendly talaga nito.

Umalis ako at pumunta dun sa upuan. Ayoko muna magswimming tinatamad pa ako.

Kinuha ko phone ko at nagFacebook nalang. May notif.

'Claire Louis Maniebo tagged you on a photo'

Nakapost agad? Bilis talaga nito ni Claire.

'Jannah Alliyah commented on a photo you're tagged in.'

huh? Ano namang icocomment nito?

Jannah Alliyah: that akbay tho😍. btw di manlang nagyaya. Huhu.

tss. Naman eh! Nakita tuloy ung nakaakbay sya sakin. Pero kinikilig parin ako hehehe.

Jasper Sollestre: hokage dude.😂
Matthew James: umaaksyon tsk tsk
Jamilla Oroceo: harts everywhere ;)

Ano ba yan? Yung pagakbay lamg nya ung pinapansin nila. Kaasar huhu.

"Oy Gelica!" Tawag sakin ni Aiko.

"Oh?"

"Magbihis ka na nga! Mag suswimming pa tayo!" Yaya nya sakin. Eh tinatamad pa ako huhu. Sige na nga.

Nagpunta na akong cr. Nagpalit na ako at naglagay ng sunblock. Brinaid ko na din buhok ko para walang sagabal pag nagsuswimming. hehe. Pagkatapos kong gawin yun, nagpunta na ako dun sa mga upuan at nilagay ung bag ko.

Pumunta na akong pool. Lumagoy langoy lang ako. Haist ang boring.

"Guys! Pool fight tayoo!!" Yaya samin ni Yohan.

Nag agree naman sila.

"Okay una si Pau at Yohan tsaka si Claire at Francis." Sabi ni Grey ng nakangisi kay Francis. Lakas mangasar eh.

Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon