8

119 8 11
                                    

Day 1 of Camp

"Okay students, pumila na kayo with your partners. Magddistribute na kami ng tents and sleeping bags. Hindi kayo sa rooms matutulog. Sa isang tent, 3 persons ang kayang magoccupy." Announce ng camp coordinator namin.

"Tara pila na tayo?" yaya sakin ni Grey na katabi ko.

"Lika." sabi ko.

"Grey!!!" narinig kong may tumawag kay Grey.

"O bakit Ryle?" sagot ni Grey.

"Sabay na tayo?" sabi ni Ryle.

"Okay."

"Hi Gelica!" bati nya sakin.

Pumunta na kmi dun sa line na dapat pagpilahan para kumuha ng tent at sleeping bag.

Ang kyut talaga nito ni Ryle. Tsaka ang guwapo. Lalo kasing nagpapaguwapo sakanya ung makapal niyang kilay. Pero syempre, mas guwapo parin si Grey. Hehe.

"Hello! Ah! Paki sabi kila Chelsea, mamaya tabi tabi kami matutulog." sabi ko.

Nang nakuha na namin ung tent and sleeping bag, nag hanap na kami ng pwedeng pag tayuan.

"Angelica! Grey!" may narinig akong tumawag samin.

Ah! Sila Aiko. Nakapagtayo agad sila ng tent? Ang bilis naman nila.

"Dito tayong lahat sa pwesto na to magtatayo ng tent! Para sama sama tayo!" hyper na sabi ni Claire. Hula ko kinikilig na naman to.

"Okay! Aiko, Pau! Tabi tayong tatlo sa tent ah? Tas sila Sophia,Nishy,Claire,Chelsea magkakatabi. Kasya naman sila hehe." sabi ko.

"Pano kami?" tanong ni Yohan ng parang nasasad. Gusto niya siguro katabi si Pau. Jowk.

"Bahala na kayo. Kayo na magassign." sabi ko ng natatawa.

"Alright. Si Ryle at Ivan at ako ay magsasama sa isang tent. Tas ung natitira magsama nalang sa isang tent. Payat naman yan si Chase kaya kasya kayo." pagbibiro ni Grey.

"OYY!! Anong payat? May abs kaya ako!" sabi niya habang itataas kunwari ung shirt niya.

"Wag na. Oo na. May abs ka na. Wag mo ng itaas." sabi ni Nishy.

"Asus. Ikaw talaga babes! Gusto mo kase ikaw lang makakakita nito eh." panloloko niya kay Nishy.

Umakto naman si Nishy na parang nandidiri. "Eww, wala akong balak no! Tsaka anong babes pinagsasabi mo dyan? Sapakin kita eh."

Natawa nalang kaming dalawa. Ang kyut kase nila eh.Ang alam ko kase may gusto ito si Chase kay Nishy kaso ayaw ni Nishy sakanya.

"Mamaya na kayo magbangayan dyan! Itatayo pa yung tent." sabi ni Sophia.

May tatlo pang tinatayong tent. Lahat lahat, limang tent ang gagamitin namin. Dalawa sa boys, dalawa sa girls at isa para sa mga gamit namin. Ewan ko ba kung bakit kailangang tayuan pa ng tent para sa gamit namin. Para daw kase di na masikip sa tent na turulugan. Medyo vain lang.

"Guys bibigyan daw tayo ng one hour para makapagtayo ng tent at magpahinga. Then pagkatapos daw, proceed daw tayo sa hall para sa lunch at opening remarks." pag aannounce ni Ryle.

"Sana may free time. Para makapagswimming tayo." sabi ko na naeexcite.

May dagat kase malapit sa camp site. Tas white sand pa.

"Wala naman daw masydong gagawin ngayon. Bukas pa daw talaga gagawin ung actual activities." sabi ni Pau.

Nag ayos na kami na tent. Naglagay na rin kami ng sleeping bags.

Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon