3

71 5 8
                                    

Sunday na ngayon. Ang boring nga dito sa bahay eh. Nasa business kasi sila Mama at Papa kaya laging wala dito sa bahay pero naiintindigan ko naman na ginagawa lang nila yun para sa aming dalawa ng kapatid ko. Nagbukas nalang ako ng social accounts ko. IG, Twitter at Facebook. Lahat na meron ako. Haha.

Iistalk ko kaya si Grey? Hehe. Enebe. E syempre crush ko eh. Hihi.

Pumunta ako ng Facebook at sinearch na ung account nya. Nakita ko na may 1 new post sya.

Grey Dela Fuego

Masyado kang friendly eh. Kaselos tuloy. -__-

Huh? Sino kaya to? Nung isang araw nya pa to pinost ah? Sino ba toooo? Gusto kong malaman huhu. May crush ba sya? Or nagugustuhan? Sino kaya?

Nakakaasar naman. Ewan ko kung bakit. Nagseselos ako. Ewan ko kung bakit nagseselos ako. E crush ko lang naman yun. Hay nako Angelica! Crush lang yan. Pigilan mo yan. Mahirap umasa. Huhu.

Yaan na nga yan. Sa Twitter ichecheck ko.

@grey_delafuego8

haist. di ko sya finafollow eh. E nahihiya ako eh. Bat nga ba ako nahihiya? Sige na nga ifofollow na. Di na ako aasang ifofollowback nya ako. Gaya nga ng sabi ko, mahirap umasa.

Okay lipat na tayo sa IG. Hahaha. Oh diba galing kong stalker. Andami ko ng nalaman tungkol sakanya dahil sa pagsstalk ko eh haha. Lakas ko eh no?

Twitter

Grey followed you back.

Ah yan lang pala. AY $#%$&. FINALLOW AKO? PUTEKKKK!!!!! Inhale exhale. Breathe in, breathe out. Putspaaa! Kinikilig akooo!

Wait lang. Magtweet kaya ako sakanya.

'@grey_delafuego8 ay nakapag on na sya sa twitter nya! tagal di nagupdate ah!'

Tweet!

Nagscroll ako sa feed ko then may notif bigla.

'@_angelicafaye UYY HINIHINTAYY! CRUSH MO AKO?😂😂'

AY PUTSPA. Napaka naman. Napaka talaga. Sarap sabihing 'Oo na crush na!' kaso baliw na siguro ako pag ginawa ko yun.

'@grey_delafuego8 AY GRABE? medyo feeler?'

Wala akong masabi. Alangan na sabihin kong totoo un. Ano ako tanga?

'@_angelicafaye awts ha.😭😭'

Ay weh? Umaasa? Grabe ang feeler ko naman.

'@grey_delafuego8 hahahaha okay lang yan😂'

'@_angelicafaye di okay yun😭'

'@grey_delafuego8 bat namannnn?'

Antagal naman ng reply nyaaa. Bat kase di okay. As if naman dibaa? Ano banag gusto niya? Ang gulo nya kaasar.

Di ko na hinintay reply nya. Ayaw nya ata sabihin eh. Syempre sino ba ako diba? Di naman kami close. Eto na naman ako. Umaasa na naman.

Napagpasyahan ko nalang na magskateboard. Hobby ko talaga yun eh. Pag bored ako.

Kinuha ko ung skateboard sa kuwarto. Bumaba na ako. Nagpaalam na rin ako sa maid namin.

Pinagbuksan ako ng gate ng guaed namin. Sa wakas! Nasa labas narin ako!

Nilagay ko sa skateboard ung isang paa ko at ung isa naman pinangtutulak ko. Hinayaan ko lang ung buhok ko na nakalugay at magpadala sa hangin. Ang sarap ng feeling ng ganto. Ang sarap ng feeling ng sinasalubong ung hangin. Parang free na free ako.

Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon