6

54 4 3
                                    

yo guys! suri natagalan update. medyo busy. tska wala akong maisip na ideas eh hehe. so here it is!

------------

Ang boring. Ughhhhh! Wat to do!!? Kain. Tulog. Kain. Tulog. Paulet ulet nalang huhu. Ano bang pwedeng gawin. Wala rin akong kachat.

Friday na ngayon. Shortened period kami kasi nga bukas na ung hiking namin.

Bumaba ako sa sala. Manonood ako. Wala talaga akong magawa. Ultimong paggawa ng chores dito sa bahay ako na gumagawa para di lang boring.

"Ma, pwedeng magmall?" naisipan ko bigla. E nakakabagot dito sa bahay. Nakakasawa na pagmumukha ng maids namin. Jowk.

"Sige. Lagi kang nasa taas eh. Para naman makalabas ka anak.Napaka taong bahay mo eh." sabi niya. Ano ba to si Mama? Pwede namang payagan nalang ako eh. Sinamahan niya pa ng lait eh huhu.

"Okay. Mamili narin ako ng baon ko sa camp ah." sabi ko. Okay magpapahatid nalang ako sa driver.

"Sige." payag niya

Umakyat na ako sa taas. Naligo at nagbihis. Suot ko lang plain white v-neck shirt at shorts. Naniniwala kase ako sa kasabihang, Simplicity is beauty. jowk.

Bumaba na ako at pumunta na sa garahe namin.

"Kuya pahatid." sabi ko.

"Okay po ma'am." sabi niya.

--------------

Andito na ako sa mall. Hayy! Sarap gumala.

Dumeretso ako ng McDo. Yiiee excited na ako sa fries. Haha.

Umorder na ako tas pinatake out ko nalang. Kakainin ko nalang to habang naglilibot ako.

Kinuha ko ung phone ko sa bulsa ko. Mayaya nga sila Pau.

Binuksan ko gc naming magbabarkada.

Me: guys punta kayo sa mall dali!

Ryle: Saang mall?

Me: lapit dito sa subdivision namin.

Ryle: Andyan si Grey ngayon. Namimili para sa camp😂

"*UTAH." Grabe makamura? Nabangga lang eh. Di naman tumapon ung kinakain ko eh.

"Sorry po." sabi ko sabay angat ng tingin.

HUH? BAT SYA ANDITO? ENGOT MO TALAGA ANGELICA. SABI NI RYLE ANDITO NGA SYA PARA MAMILI PARA SA CAMP DIBA

"Bat ka andito?" gulat kong tanong sakanya. Sana di na sya galet. Kung ano man yang kinakagalit niya.

"Mamimili para sa camp. Ikaw?" sagot niya.

"Ganun din. Sabay na tayo?" yaya ko sakanya. Grave mga galawan ko hahaha. jowk

"Ge. Libre mo muna akong MilkCow."
sabay kaladkad niya sakin.

Tss. Di na ako kumontra. Kinaladkad niya na ako eh. Ililibre ko narin sya peace offering hehe. Kahit di ko alam ung ginawa ko.

"Milky Cube sakin. Tsaka lagyan mo macaroons. Order na." sabay tulak niya sakin papuntang counter. Demanding?

Pagkatapos kong ibigay order ko sa counter, nagbayad na ako tas kinuha ung inorder.

"O yan na po sir." sabi ko sabay irap ng mata. Magtataray lang muna ako ngayon hehe.

"Tenk u." sabi niya sakin sabay ngiti na parang bata. Problema nito?

Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon