JAIMEE CORTEZ
Inis akong naglakad palabas ng classroom namin. Nawawala ang notebook ko sa English, hindi ko namalayan na dala ko pala 'yun kanina. Naka-ugalian ko kasing nagrereview kapag break time.
Pumasok ako sa cafeteria, bilang na lang sa daliri ang mga estudyante na nandito marahil tumakas lang 'to sa klase. Kunyareng banyo ang paalam sa cafeteria naman didiretso.
Binalikan ko ang table kung saan ako naka-upo kanina. Nanlumo ako nung wala 'yun doon. Naku, na saan na 'yun? May kumuha kaya? Sana naman ibalik niya 'yun, may pangalan naman ako sa harapan ng notebook ko.
Napagdesisyonan kong lapitan 'yung nagtitinda dito sa cafeteria.
"Ate. May nakita po ba kayong kulay yellow na notebook doon?" Itinuro ko sakaniya 'yung table kung saan ako naka upo kanina.
"Ay, wala, ineng. Pasensiya na." Nginitian ko na lang siya.
"Ayos lang po. Salamat na lang po." Magalang sabi ko at lumabas ng cafeteria.
Inaalala ko kung saan pa ba ako pumunta kanina bukod sa cafeteria.
"Aray naman!" Daing ko. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko napansin napatid na pala ako. Nilingon ko naman 'yung pumatid saakin. Kumulo na agad yung dugo ko ng makita 'yung may-ari ng paa na pumatid saakin.
"Hoy! Bakit mo ako pinatid?!" Pinukaw niya ako ng tingin na tila ay naiinip siyang maka-usap ako.
"Kasalanan kong tanga ka? Sinisi mo pa ako. Tss." Masungit na sagot nito. Nanliit ang dalawang mata ko.
Tumalikod na lang ako. Wala naman ako mapapala kung makikipag talo pa ako sa lalaking 'yun, masisira lang lalo ang araw ko. Mas importante pa din mahanap ko yung notebook ko.
"Hoy nerd!" Bulyaw niya saakin. Humarap ako muli sakaniya ng may masamang tingin, "Wag mo nga ako tinatalikuran." Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Pakialam mo ba kung tinalikuran kita?" Ngumisi siya saakin na tila inaasar ako. Ano nanaman ang pang aasar na gagawin nito saakin? "Wala akong panahon sayo, Clark. May hinahanap--"
"Looking for this?" Nanlaki ang dalawang mata ko ng makita kong hawak niya ang notebook ko. Paano napunta sakaniya 'to?
Patakbo akong pumunta sakaniya para kuhanin ang kanina ko pa hinahanap ngunit tinaas niya 'yun, dahil sa mas matagkad siya saakin ay hindi ko maabot ang notebook ko. Nagtatalon talon ako para abutin 'yun pero mas lalo niya ito itinataas.
"Clark! Ano ba?! Ibalik muna saakin 'yan!" Naiinis na sigaw ko. Hindi ako tumitigil na abutin 'yung notebook ko.
"Ayoko nga." Naka ngising sagot niya. Inilapit niya pa ang mukha niya saakin kaya't napatigil ako sa pagtalon talon ko.
Tila tumigil ang buong paligid ng magtama ang mata naming dalawa. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Parang magnet ang mga mata ni Clark, ni hindi ko magawang umiwas sa titigan namin. Bilog na bilog ang kaniyang mata at may mahahabang siyang mga pilik mata, nahiya naman ang akin na maikli lamang.
"Ang gwapo ko, 'no?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Clark at nilayo ang mukha niya saakin.
Namula ang pisngi ko sa kahihiyan. Yung taong kinaiinisan ko ay naka titigan ko ng matagal. Ang laki ng tuloy ng ngisi ni Clark, sigurado akong inaasar nanaman niya ako.
"Ang pangit mo! Ibalik muna notebook ko!" Naiinis na sabi ko.
"Sa isang kondisyon.." Hindi pa din nawawala ang ngisi niya sa kaniyang labi. Mapunit sana 'yung labi niya para tumigil siya sa kaka ngisi. Mas lalo ako naiinis. Gustong gusto ko na mabawi 'yung notebook ko para hindi ko na maka-usap 'tong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Lovestory
JugendliteraturIsa si Clarkton Mendoza sa ayaw na ayaw nakikita ni Jaimee Cortez. Makasalubong nga lang niya ito ay naiinis na siya. Hilig kase siyang pikunin ng gwapong binata. Pero kahit anong iwas ang gawin ng dalaga, gagawa at gagawa ng paraan ang binata para...