"Sa susunod 'wag ka ng papahatid kay Luke." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya hinarap ko siya, seryoso lang mukha niya hanggang ngayon.
"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.
"Nakita ko kayo. Tanaw tanaw ko kayo mula sa bintana ng kwarto ko kanina nung kinuha ko 'yung bag ko." Sagot niya at inikot ikot sa wooden table 'yung cellphone niya.
"Nakita niya ako sa waiting shed kanina habang naghihintay ako ng taxi. Nagpresenta siyang ihatid ako." Paliwanag ko. Parang girlfriend akong nagpapaliwanag sa boyfriend niyang nahuli siyang may kasamang iba. Whutdahell?! Tsaka bakit ba ako nagpapaliwanag dito sa lalaking 'to? Pakialam niya ba kung hinatid ako ni Luke.
"Edi sana tumanggi ka." Inis niyang sinabi at inisnob ako. Kalalaking tao nito, marunong mang-isnob. Bakla ba siya? Taray ng pag isnob saakin e.
"Tumanggi ako nung una. Pero hinila niya ako papasok sa kotse."
"Nagpahila ka naman. Lampa ka talaga." Inis nanaman niyang pang bara saakin. Tinaasan ko siya ng isang kilay,
"Bakit ba parang inis na inis kang hinatid ako dito ni Luke?! Pakialam mo ba?!" Inis ko din tanong sakaniya. Matagal siya bago nakasagot.
"Sinasayang mo gasolina nila Luke. Sana naghintay ka na lang ng taxi." Kalmado na niyang sagot. Mabuti naman at hindi na siya masungit. Napaka moody talaga nito.
"Pasalamat ka nga mas maaga ako nakarating dito dahil sa paghatid niya saakin." Tanging nasagot ko.
"Late ka pa din." Pang bara nanaman niya.
"Tss. Ano? May assignment ka ba o ano man?" Tanong ko. Hindi niya kase sinagot yung tanong ko kanina.
"Long quiz sa science. Gawan mo ako ng reviewer. Bilisan mo." Sagot niya at sumandal sa upuan. Kinuha niya muli ang kaniyang cellphone at doon niya nilagay ang atensyon niya.
Agad akong kumilos at binuksan 'yung itim niyang bag, kinuha ko 'yung science book niya at yellow pad. Dinukot ko naman sa bulsa ng palda ko 'yung ballpen ko. Sanay akong dito nilalagay 'to. Madalas ko kase makalimutan kung saan ko nalalagay kaya't naisipan kong sa bulsa na lang.
"Anong lesson?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. Dalawang upuan lang naman kase ang nandito.
"Malamang lesson 1 at 2. Dalawang linggo pa lang nagsimula 'yung klase. Mag isip ka nga, nerd." Sarap tapunan ng kumukulong tubig 'to. Ang ayos kong nagtatanong, ganiyan naman sumagot. Malay ko ba kung anong lesson 'yung pinag-aaralan nila. Hindi naman kami magkaklase.
Hindi ko na lang siya pinansin bagkus ay binuksan ko na 'yung libro niya at sinimulan ko ng gawin 'yung reviewer niya.
Nagtataka pa din ako hanggang ngayon kung bakit kumuha ng tutor 'tong si Clark. Bumabagsak ba siya? Pero hindi naman siya repeater.
"Clark. Bakit mo naisapan kumuha ng tutor?" Tanong ko. Para naman hindi sa sarili ko tinatanong 'yung gusto ko itanong sakaniya.
"Pakialam mo ba? Gawin mo na lang 'yan." Sagot niya. Pabalang talaga 'to kung sumagot.
"Seryoso nga, bakit?" Kinakausap ko siya habang nagsusulat ako. Napansin kong hindi niya ako sinagot kaya lumingon ako sakaniya. Narinig niya ba ako? Pokus na pokus siya sa nilalaro niya. Naglalaro pala ang mokong, "Clark. Bakit nga?" Tanong ko ulet.
"Obvious na nga, tinatanong mo pa. Matalino ka ba talaga? Tss." Pinukaw ko siya ng masamang tingin kahit hindi siya saakin nakatingin.
"Umayos ka nga ng sagot mo." Inis kong sabi. Itatanong ko ba kung obvious na? Abnormal ata 'to e.
"Ayoko na ulet bumagsak." Simpleng sagot niya. Kumunot naman ang noo ko.
Ulet? Edi bumagsak na siya dati?
BINABASA MO ANG
My Nerdy Lovestory
Roman pour AdolescentsIsa si Clarkton Mendoza sa ayaw na ayaw nakikita ni Jaimee Cortez. Makasalubong nga lang niya ito ay naiinis na siya. Hilig kase siyang pikunin ng gwapong binata. Pero kahit anong iwas ang gawin ng dalaga, gagawa at gagawa ng paraan ang binata para...