Dahan dahan akong pumasok sa gate ng University. Nag iingat ako at baka may nilagay na patibong si Clark dahil sa galit niya saakin kahapon. Mali bang gumanti lang ako? Sana alam na niya ang nararamdaman ko sa tuwing sinisira niya ang araw ko.
"Ano ba, Jaimee? Parang naman may balak pumatay sayo." Sabi ni Dominic. Napansin niya sigurong palinga linga ako sa paligid. Mahirap na 'no, baka maya maya may tumama nanamang bola ng tennis sa ulo ko, may bumuhos nanaman ng juice saakin, o ano pang patibong.
"Meron." Kusang lumabas sa bibig ko 'yan kaya't kumunot ang noo ng pinsan ko. Napatigil pa kami sa paglalakad. Gusto kong sampalin ang bibig ko, padalos dalos kase e.
"Sino naman?" Nagtatakang tanong niya.
Nanlaki ang dalawang mata ko ng makita kong papalapit saamin ni Dominic si Clark kasama si Lucas. Agad akong tumakbo paalis sa may hallway. Tinawag pa ng pinsan ko ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon. Lagot ako kapag naabutan ako ni Clark doon.
Tumigil na ako sa pagtakbo ng nakalayo na ako sa pwesto kung nasaaan kami ni Dominic kanina, mabuti na lamang mabilis ako tumakbo. Track and field player kaya ako, kaya may silbi din ang pagiging patpatin ko.
"Akala mo ba matatakasan mo ako?" May narinig akong nagsalita sa likuran ko. Kilalang kilala ko 'yung may-ari ng boses na 'yun, hindi ako pwdeng magkamali.
Tatakbo na sana ako muli ng hilain niya ang braso ko at hinatak ako sa kung saan.
"Clark! Bitawan mo nga ako!" Pilit akong kumakawala sakaniya pero ang higpit ng hawak niya sa braso ko, "Saan mo ba ako dadalhin?! Male-late ako sa first subject ko!" Bulyaw ko sakaniya.
Hindi niya ako sinasagot bagkus ay patuloy niya pa din akong hinihila.
Tumitingin na nga ang mga kapwa naming estudyante na nadadaanan namin. Naka tanggap ako ng nakakamatay na tingin mula sa ibang kababaihan, lalo na yung mga kaklase niya. Siguro may gusto sila dito sa humihila saakin.
Binitiwan na niya ang pagkahawak sa braso ko ng marating namin ang tennis court. Ano gagawin namin dito? Maglalaro ba kami ng tennis? Hindi naman ako marunong n'on e. Bigat kaya ng raketa.
"Anong gina--" Naputol ang sasabihin ko ng sumigaw siya.
"Alam mo bang naghintay ako ng dalawang oras sa parking lot kahapon! Ang sabi ko 'wag mo ako tatakasan!" Natakot ako sa boses niya ngayon. Ang sama pa ng tingin niya saakin. Ramdam ko ang galit niya. Parang umaapoy sa galit yung mga kyut niyang mata. Ay, yung mga mata niya pala.
Ibang ibang siya sa Clark na kilala ko, yung taong hilig akong asarin. Yung hindi makukuntento hangga't hindi niya nasisira ang araw ko.
Napayuko na lamang ako, "Sorry.."
Hindi niya ako sinagot. Tanging pag hinga niya lamang ng malalim ang bumabasag sa katahimikan naming dalawa. Pinapakalma niya marahil ang sarili niya.
Na-guilty tuloy ako sa ginawa kong pagtakas sakaniya kahapon. Ganito pala siya magalit, parang lalamunin ako ng buhay. Sa dragon siguro siya pinaglihi. Hindi ko naman akalain na mag-aaksaya siya ng oras na hintayin ako sa parking lot.
Akala ko masaya na ako dahil sa wakas makakaganti na ako sa isang Clarkton Mendoza, pero hindi. Na-guilty pa ako. Siguro hindi talaga maganda ang gumanti.
"Diba ang sabi ko lagot ka saakin kapag tumakas ka?" Dahan dahan akong tumango sa tanong niya.
Naku, ano kaya ang gagawin nito saakin? Baka hindi lang bola ng tennis ang ibato niya saakin, baka 'yung raketa na. Bumalot 'yung takot sa dibdib ko. Walang nagagawang matino ang mga taong galit, karamihan nakakasakit sila dala ng galit.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Lovestory
TienerfictieIsa si Clarkton Mendoza sa ayaw na ayaw nakikita ni Jaimee Cortez. Makasalubong nga lang niya ito ay naiinis na siya. Hilig kase siyang pikunin ng gwapong binata. Pero kahit anong iwas ang gawin ng dalaga, gagawa at gagawa ng paraan ang binata para...