Chapter 5: Debate

341 11 2
                                    

"Alam ko na! MC!" Masayang hiyaw ni Luke. Umalingawngaw 'yung boses niya sa apat na sulok ng bakanteng silid na 'to kung saan kami nagpupulong ng mga ka-parytlist ko.

Oo. Pumayag akong tumakbo bilang chairman. Na-plano pala lahat ni Luke, ako na lang pala ang kulang sa binuo niyang partylist. Sakto pang wala pa akong ka-partylist kaya't napunta ako sakanila na nasa plano naman daw talagang kukunin nila ako para tumakbo sa pinamataas na posisyon. Hindi na din ako tumanggi, kase sayang naman ang pagkakataon kung aayaw pa ako. Kung sakali man manalo ako, malaking puntos din ito para sa grades ko.

"Ano namang ibig sabihin ng MC?" Tanong ni Jacob, tumatakbo bilang treasurer ng aming partylist. Kaklase ko siya actually, grade conscious din siya kagaya ko. Isa nga siya sa mga kalaban ko pagdating sa Academics tract. Gwapo din ang isang 'to, kung tatanongin ako kung tipo ko ang tulad niya, slight. Bihira na lang kase ang mga lalaking tulad niya dito sa University.

"Magnetic Councils!" Masayang bahagi saamin ni Luke. Tumayo pa siya at itinaas pa ang dalawang kamay niya na tila pinagmamalaki 'yung naisip niyang pangalan ng aming parytlist.

Nanahimik ang lahat kaya't umupo siya. Parang nadismaya siya nung tumahik kami, "Ayaw niyo ba?" Malungkot na tanong niya saamin.

"Bakit ba Magnetic?" Tanong ko.

"Magnetic. In tagalog, kaakit-akit. Pangalan pa lang ng partylist natin attractive na sa pandinig ng mga estudyante. Madali nila tayo matatandaan kung maganda ang pangalan ng partylist natin." Paliwanag niya. Napa tango tango ang mga kasama ko sa loob ng silid tila nagustuhan nila.

"Ayos sa pandinig ko. Okay na 'yun." Pang sang-ayon ni Jacob. Nag-apir naman sila ni Luke.

Umo-o na din ang iba. Ako na lang ang hindi kaya napatingin sila lahat saakin, "Ayaw mo ba, Jaimee?" Nag-aalalang tanong ni Luke.

Ngumiti ako sakanila, "Siyempre, gusto ko."

Napangiti naman ang lahat sa sinagot ko kaya't tumayo si Luke at sinulat sa board 'yung pangalan ng partylist namin. 'Yun na lang ang kulang namin kanina. Natapos na namin gawin ang platforms namin.

--

May tumapik sa kanan balikat ko, paglingon ko si Jacob. "Kaya natin 'to, Jaimee. 'Wag kang kabahan." Binigyan niya ako ng ngiti, 'yung ngiting maiihi ako sa kilig. Ang gwapo pala nito sa malapitan. Ay teka nga, tama na ang landi. Mas dapat ko pagtuunan ng pansin 'yung debate namin ngayon. Mas mahalaga 'yun.

Isang linggo lang ang binigay saamin at sa partylist nina Lindsay para paghandaan 'tong magaganap na debate. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko ngayon, idagdag mo pa 'yung dami ng mga estudyante sa may gymnasium ng school. Kaya ko bang harapin 'tong dami ng tao?

"Hindi ko maiwasan kabahan. Daming estudyante." Sagot ko. Natawa siya ng bahagya sa sinagot ko. Ang kyut naman ng tawa ng nilalang na 'to. Ugh. Nagkakagusto na ba ako sa lalaking 'to? Naku, hindi pwede. Pag-aaral muna bago landi.

"Wag mong ipahalata na kinakabahan ka. Lahat naman tayo ay kinakabahan maski ako pero kailangan itago para hindi mahalata ng mga tao. Paano ka nila iboboto kung takot ka palang humarap sakanila, diba? Alisin mo 'yang kaba mo." Payo niya saakin.

"Paano ko naman maaalis 'tong kaba ko? Feeling ko hindi na." Malungkot na sagot ko. Damang dama ko ang malakas na tibok ng puso ko.

"Sundan mo ang gagawin ko, okay?" Tumango na lang ako. "Inhale. Exhale." Ilang beses namin ginawa 'yun. Medyo effective naman, unti unting lumakas ang loob ko. "Ayos na?"

Umingay ang buong gymnasium kaya't nag thumbs up na lang ako kay Jacob.

Nagsalita na 'yung emcee sa harap. Ilang saglit lang ay tinawag na niya ang kabilang partylist, "Let's all welcome, the Popular Partylist!" Malakas na hiyawan ang narinig namin lalo nung isa-isang umakyat sa stage sina Lindsay kasama ang mga ka-partylist niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Nerdy LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon