Chapter 3: Masungit

228 9 2
                                    

A/N: Dedicated to: Vainytine. :)

--p

"Uy," Nilingon ko 'yung tumawag saakin. Kilala ko 'to, si Lucas. Yung isa pang kaibigan nina Dominic at Clark. Nahihiyang ngumiti lang ako sakaniya.

Nagulat ako nung bumaba siya mula sa puti nilang kotse. Lumapit siya saakin, nasa may waiting shed ako ngayon. Naghihintay ako ng taxing masasakyan ko papunta kina Clark, ngayon na kase ako mag-uumpisa sa pagiging tutor niya.

"Kina Clark ka ba pupunta?" Tanong niya. Nag-angat ako ng tingin. Nakatayo kase siya habang ako naman nakaupo,

"Oo." Simpleng sagot ko.

"Tara, hatid na kita sakanila." Nakangiting sabi niya. Lumabas ang mga ngipin niya sa itaas, sing puti ito ng gatas. Halatang inaalagan niya.

"Naku, 'wag na. May dadaan namang taxi dito." Tanggi ko. Kahit na alam kong makakatipid ako kapag hinatid niya ako, ayaw ko pa din. Hindi naman kami close nito kaya nakakahiya.

"Maiinip ka lang kakahintay ng taxi. Baka sungitan ka nanaman ni Clark kapag pinaghintay mo 'yun." Sagot niya. Umiling iling ako,

"Magpapaliwag na lang ako sakaniya." Sagot ko pero bigla niya akong hinila patayo at sinakay sa kotse nila.

Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako naka-palag pa sakaniya kanina. Huli na ang lahat bago pa ako ulet tumanggi dahil gumana na ang makina ng kotse.

"Kuya Ed, kina Clark po muna tayo. Ihahatid ko lang 'tong kasama ko." Sambit niya doon sa driver niya na nasa harap. Alangan namang likod, hindi ba?

"Sige po, sir." Sagot naman nung driver nila. Hindi na sumagot si Lucas at sumandal na lang sa backseat.

Hindi ako kinikibo ni Lucas kahit katabi niya lang ako kaya't tumingin na lang ako sa bintana. Ramdam ko ang awkwardness sa loob ng kotse. Hindi naman kami close nitong lalaking 'to, nahihiya akong kausapin siya ganon din siguro siya saakin.

Bakit pa kase niya ako hinatid kina Clark? Baka naistorbo ko pa siya. Pero 'wag na ako maging pabebe, matatabi ko 'yung pamasahe ko sana sa taxi. Magpapasalamat na lang ako sakaniya mamaya.

"Naka punta ka na ba sa bahay nila Clark?" Nabigla ako nung bigla niya akong kinausap. Humarap ako sakaniya,

"Hindi pa, ngayon lang." Sagot ko. Tumatango tango lang siya. Tumingin na lang ako ulet sa bintana.

"Ang awkward naman." Bigla niyang sabi kaya't napaharap nanaman ako sakaniya. Ramdam din pala niya, 'no? "Alam mo, sabi ng pinsan mo, madaldal ka daw. Pero bakit ang tahimik mo ngayon? Ayaw mo ba akong kausap?" Nagulat naman ako sa tanong niya.

Kinukwento pala ako ng pinsan ko sa mga kaibigan niya. Tsaka hindi naman sa ayaw kong magsalita o kausap 'tong si Lucas. May hiya pa naman akong dumaldal kapag hindi ko close 'yung tao. Nakakahiya kaya.

"Hindi naman sa ganon. Nahihiya lang kase ako sayo." Pag aamin ko. Ngumiti siya saakin. Ang gwapo din pala nito lalo na kapag naka ngiti. Kaso hindi ko siya tipo.

"Wag ka mahiya, ano ka ba?" Natawa siya ng bahagya, "Kaibigan ako ng pinsan mo kaya 'wag kang mahihiya saakin." Dagdag pa niya.

"Susubukan ko." Nahihiyang sagot ko.

"Wag mo subukan. Gawin mo." Nginitian nanaman niya ako, "Wag ka mag alala, hindi kita aasarin gaya ni Clark." Kusa akong napangiti sa sinabi niya. Mabuti pa 'to mabait hindi gaya nung kaibigan niyang tutor ko.

"Salamat." Sagot ko. Tanging ngiti lang sinagot niya saakin.

"Ganito na lang para hindi ka mahiya. Magkwentuhan na lang tayo. Ano, game ka?" Tanong niya. Magandang ideya 'yung naisip niya.

My Nerdy LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon