JB's POV
Pagkatapos naming kumain nagsi-uwian na kami. Sa sariling bahay ahhh.
Pagka-pasok ko bigla akong binulaga ni kuya.
"Grouuugghhhh!" Pang-gulat ni kuya.
"Kuya bagay sayo mukha kang ipot ng aso wahahhaahaahha!" Sabi ko sabay takbo pa-akyat.
"JB!!!" Sigaw ni Kuya Vea sabay habol sa akin.
"Bleeehhh! Matanda ka na kuya Vea kaya hindi mo na ako mahahabol!" Bumelat naman ako kay kuya.
"Ahhh ganun?! Humanda ka pagnahabol kita!" Sabi ni kuya habang tumatawa.
"Vince tumigil na kayo! Kakain na!" Sigaw ni mama. Ehh kakakain ko lang ahhhh. Okay lang yan gutom naman na ulit ako ehh
"Hoy JB tumigil ka na sa pagtatakbo bumaba na tayo para makakain na. Lagot tayo kay mama paghindi pa tayo nakababa." so ayun lumapit na ako kay kuya kaso...
Bigla niya akong binuhat at ipinasan sa balikat niya.
"KUYA IBABA MO AKO KUNG AYAW MONG MASABUNUTAN!!!" sigaw ko habang bumababa si kuya na buhat pa rin ako.
"Parusa mo yan pinagod mo ba naman ako."
Sasabihin ko sana na ang lame ng parusa niya.
Pagkababa ni kuya binaba na rin ako ni kuya.
Pagkapasok namin ni kuya sa dining room nagulat ako kasi bumisita si Jeonghan.
"O dre napa-bisita ka ahhh..." sabi ko kay Jeonghan sabay nakipaghandshake sa kanya. Meronkaming sariling handshake kasi...
Ewan ko naisipan lang namin."Bumisita ako ngayong gabi kasi wala akong sched." Sabi ni Jeonghan. Tumingin naman ako kay kuya. Alam ko kasing galit pa siya kay Jeonghan.
"Ahhh ganun ba? Sabay ka na sa amin kumain kasi alam ko namang hindi ka pa kumakain ng mga ganitong oras." Sabi ko kay Jeonghan.
Naku alam na alam ko lahat sa kanya no! Bestfriend kami ehhh.
Nung umupo na kami ganito yung sitting arrangment namin:
Ako kuya
_______________________
Daddy Mommy
_______________________
Jeonghan EJSi kuya yung tingin niya talaga ehhhh kaya kinalabit ko sa ilalim ng lamesa. Tumingin naman sa akin si kuya kaya pinandilatan ko siya.
"Hoy kayong dalawa tumigil na kayo at magdasal na tayo."
Nagdasal kami at kumain na. Ang raming kwento ni mama at meron talaga siyang tinanong na hindi ko talaga ineexpect na manggaling kay mama.
"Jeonghan ikaw ba nanliligaw ka ba sa anak ko?" Naku naman mama anong klaseng tanong yan?! Buti na lang ehhh hawak ko palang yung baso ko kung nainom ko to at nagtanong si mama ng ganun baka mabuga ko kay Jeonghan yung tubig galin sa bibig ko.
"Ahhhhh... oho nanliligaw ho ako sa kanya." • .● whaaaa?!
"Hoy dre ahhh tumigil ka baka gusto mo ng kotong?!" Sigaw ko. Kahit crush ko to eh kokotongan ko talaga to! Aba liars go to hell nga ehhhh!
"Hehehe joke lang naman ehhhhh. Joke lang po yun hehehe." Sabi ni Jeonghan.
"Sus joke joke raw." Bulong naman ni EJ. Hanggang ngayon yata galit parin tong si EJ kay kuya.
YOU ARE READING
When The Past Is Greater Than The Present
RomancePano nga ba kung mas mahalaga sa atin yung past natin kesa ngayon?