CHAPTER 4: (History)
Lucy's POV
"Ang galing mo palang mag-drawing." napatingin ako kay Mariel na tumabi sakin habang nagdu-drawing ako. Vacant time namin ngayon kasi may meeting daw yung teacher namin, kaya ito. Yung katabi ko kasi busy sa COC niya, wala akong maka-usap kaya nabore ako.
"Di naman." ani ko sa kanya. Hindi kasi ako sanay na may pumupuri sa gawa ko eh.
"Alam mo minsan pinapanalangin ko na sana mabigyan naman ako ng ganyang talent. Nakakainggit kayo eh. Magaling ako sa academics pero sa art, jusko wag niyo ko pagkakatiwalaan sa mga bagay na gayan." sabi niya habang nakapangalumbaba na nakatingin sa drawing ko.
Minsan ko lang maka-usap si Mariel sa klase, siguro about school stuff lang pero itong pag-uusap namin ngayon bihira lang yung ganito, bukod kasi sa ilag ako sa kanila walang bumalak na kumausap sakin dito. Masasabi kong isa si Mariel sa mapagkakatiwalaan sa klaseng ito, mabait siya pero minsan naiimpluwensyahan siya ng mga kaklase namin.
"Naalala mo pa ba yung English month Speech choir battle nung First year natin?" bigla niyang naitanong out of nowhere kaya nagulat ako at napatigil ako sa pagdu-drawing.
"Oo. Diba kayo ang nanalo nun." sagot ko sa kanya. Sobrang naaalala ko yun, masasabi kong isa yun sa pinakadownfall naming Section 3 nung First year. Bakit kaya niya naitanong?
"Ah, oo. Wala lang naitanong ko lang." sagot niya at natahimik siya ng ilang segundo at nagsalita muli. "Diba Section 3 ka nung first year?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanung niyang iyun. Paano niya nalaman?
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Parang madami siyang nalalaman. Kinabahan tuloy ako bigla.
"Kilala kita Lucy. Namumukahaan kita nung First year tayo. Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw yung lagi kong napapansin sa Section 3. Ikaw yung leader nila." ani ni Mariel.
Pinilit kong sumagot sa kanya ng kahit ano. "Baka nagkakamali ka lang Mariel. Baka kamukha ko lang iyun." kabado kong sabi.
"Hindi ikaw talaga yun. Tapos nung Second year nakita kita sa Section 2 noong recognition. Ikaw yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang galing mo pala. Biruin mo yun, Section 3 na naging Section 1 na ngayon." manghang-mangha niyang sabi. Nawala naman ang kaba ko sa sinabi niya, pero hindi parin ako pwedeng maging kampante lalo na at may nakakaalam na galing akong Section 3. Baka mabisto nila ako at hindi iyun pwede.
Maya-maya ay dumating na ang next teacher namin at bumalik na si Mariel sa pwesto niya. Mabuti naman, baka kasi mamaya kung anu-ano pa ang masabi nung isang yun. May kadaldalan pa naman si Mariel. Haisst!
I tried to focus nalang sa lecture namin ngayon pero hindi ko magawa. May bumabagabag sa isip ko. Bumalik kasi yung alaala namin nung Speech Choir Battle noong First year.
That Speech Choir Battle is one of the reason kung bakit may battle between first, second and third section. Maraming nangyari noon, pananabutahe, paninira, sakitan, parinigan, iyakan at marami pang iba. Para kasing sineryoso namin lahat at dahil doon nangyari ang mga hindi kanais-nais na nangyari.
BINABASA MO ANG
Stop the Battle of the First Three Sections
Teen FictionStop the Battle of the First Three Sections Win or learn. Never lose!