CHAPTER 5: (Battle has just started)
Dominique's POV
Maaga akong pumasok ngayong araw kahit nakakaantok pa. Pero kahit napakaaga ko pang pumasok ay may mas maaga pa sa akin sa mga kaklase ko. Siguro may gagawin pa sila katulad ko. Napakabait talaga naming mga bata. Hay naku, ang mga wala talagang mga assignment sa pagkopya kumakapit. And ofcourse isa ako sa kanila. Isa din ako sa mga walang assignment na pumasok ng maaga para kumopya. Eh sa ang hirap ng assignment namin sa Math tapos nakakatamad pang mag-solve ng pagkahabahabang equation tapos in the end zero lang pala ang sagot. Pero alam ko naman yun kahit papaano, tinatamad lang talaga ako.
"Dominique, may assignment ka na sa Math? Pakopya naman." bungad sakin ni Edrei. Ako pa talaga tinanong nito.
"Wala pa. Anong aasahan mo sakin." kaswal kong tugon at pinatong ang paa ko sa upuan kaharap ko na wala pang nakaupo.
"Oo nga pala. As usual!" sarkastikong sabi niya at tatawa-tawa pa. Bastos 'to ah.
"Hoy, parehas lang tayo pre." banat ko sa kanya. Nakakainsulto eh.
"Mas malala ka." sabi niya kaya nasipa ko tuloy yung mga upuan na nakapaligid sa kanya. Pagkatapos nun ay umalis na din siya. Tss! Walang galang sa class president nila.
Pasalamat yun wala pa akong assignment.
Maya-maya dumating na rin yung katabi kong mataray. Balak ko sana siyang tanungin kung may assignment na siya kaso pagkalagay na pagkalagay niya ng gamit niya ay dumukdok siya agad sa arm desk niya. Hindi ko nalang dapat siya kukulitin pero dahil malakas ang instinct ko na may assignment na siya ay naglakas-loob akong kalabitin siya kahit tarayan man ako nito.
Sa pangatlong kalabit ko sa kanya ay nag-angat na siya ng ulo at tumingin sakin. Ewan ko kung anong ibig sabihin ng tingin niya kung galit ba siya basta ngumiti ako ng malapad sa kanya. Tinignan niya ako ng ilang segundo at yumuko. May kinukuha siyang kung ano sa bag niya kaya tinitigan ko lang siya. Pagka-angat niya ng bagay na kinuha niya sa bag niya ay nagningning ang mga mata ko. Yung assignment namin yun sa math. Galing niyang manghula ng kailangan ko.
"Pwede pakopya?" agad kong sabi sa kanya at binigay naman niya ito nang hindi nagtataray. Ambait niya ngayong araw ah.
"Thank you. Pwedeng pahinge narin ng papel." tumango naman siya kaya pumilas na ako sa crosswise niya. "At pwedeng manghiram nadin ng ballpen?" tanong ko pa. Siyempre lulubusin ko na ang pagiging mabait nito ngayong araw. Hahaha! Ano kayang nakain nito?
Binigay na niya sakin yung ballpen at dumukdok na ulit siya sa arm desk niya. Nagthank-you ako pero mukhang hindi na niya narinig pagsalampak niya ng earphones pero hinayaan ko nalang at nagsulat na.
Pagkatapos kong kumopya este gumawa ng assignment ay kinalabit ko na si Anna para ibalik yung papel niya. Pag-angat niya ng ulo ay nakita kong pinunasan niya yung luha niya. Umiiyak siya? Hala, hindi ko naman siya inaway ah. Kinuha na niya yung papel niya at nagpasalamat naman ako siyempre. Balak ko sanang tanungin kung bakit siya umiiyak pero saktong dumating na yung first subject teacher namin kaya nag-ayos nalang ako.
BINABASA MO ANG
Stop the Battle of the First Three Sections
Teen FictionStop the Battle of the First Three Sections Win or learn. Never lose!