Chapter 2: (Second Section)

13 3 0
                                    


CHAPTER 2: (Second Section)


Dominique's POV


"Easy-go-lucky, masasayang tao, maiingay, nagrereview lang tuwing may quiz o exams, matalino pero may sayad, makukulit at kahit kelan hindi nagseryoso. Ganun kami kung i-describe ng aming mga teachers. Pero totoo yun lahat, ganito talaga ang kalikasan ng Star Section. Mapa-First year na Star Section makukulit talaga. Masaya talaga sa section namin at kung mapunta ka sa section namin siguradong gugustuhin mo dito at ayaw mo nang umalis." sunod-sunod kong sabi sa katabi ko na si Anna. Bago namin siyang kaklase na galing Section 3. Kanina ko pa siya kinakausap pero parang hindi siya interesado sakin, she always rolls her eyes on me at hindi man lang siya nagrespond sa kahit na anung sinabi ko sa kanya.


"Lalake ka ba talaga? Ang daldal mo eh!" yun nagsalita din siya. Pero nakakainsulto yun. Aba! Anong karapatan niyang kwestyunin ang pagkalalake ko. I'm definitely straight.


"Mataray ba talaga kayong mga taga-Section 3?" tanong ko sa kanya na hindi niya ulit pinansin. Kaya dinaldal ko ulit siya. "Alam mo mahilig ako sa matataray na babae. Naiintimidate kasi ako sa kanila. Sa totoo nga nun mataray din yung crush ko at may ipapalit na ako sa kaniya. Alam mo ba kung sino?" tanong ko at napatingin siya sakin.


"Ako?" whoah! Grabe naman ito, straight-forward masyado. Di kaya siya. Feeler lang ah! Pero sa totoo lang, siya nga. At sa totoo lang ulit, joke lang yun. Hahaha!


"Hindi kaya ikaw. Uy! Nag-assume siya." pang-aasar ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.


"FYI. Hindi ako nag-assume. Nanghula lang ako. Malay ko ba na mali pala ang hula ko." depensa niya.


"Eh bakit defensive ka? Feeler ka lang eh!" natatawa kong sabi at nakikita kong namumula na siya sa galit. Ang sarap mang-asar.


"Hindi ako feeler. Ikaw ang feeler. Hindi pa nga tayo close, nagfefeeling close ka na dyan. FC!!!!" medyo pasigaw na sabi niya.


"Sus. Edi close na tayo. Yun lang pala ang problema mo eh. Okay lang naman sakin." kaswal kong sabi.


"Ang lakas din ng self-confidence at loob mo noh. Hindi ako makikipag-close sa isang Section 2!!" napatakip siya ng bibig dun sa sinabi niya. Aaminin ko pati ako nabigla din sa sinabi niya.


"Section 2 ka na din ah." sabi ko at hindi na niya ako kinausap. At nabigla ako kasi....


"Pwede niyo bang ikwento ang pinag-uusapan niyo, Mr. Dominique?" Naku patay! Si Maam Rhea pala ito. Ang mataray naming teacher. Hindi ko naman alam na nandiyan na pala siya sa harap namin eh. "Go out of my class Ms. Anna and Mr. Dominique. Dun niyo ituloy ang pagdadaldalan niyo. First day na first day pinapainit niyo ang ulo ko."


Tumayo na kami at lumabas na ni Anna. Inirapan pa nga niya ako. Ang taray niya talaga. Ka-inlove!.....Joke! Hindi pa ako baliw para ma-inlove. At kung ma-iinlove man ako hindi sa kanya, dun nalang sa maganda.


"Kasalanan mo ito eh." inis na sabi niya at tinuro pa niya ako sa mukha. Grabe! Balak pa yatang tusukin yung mata ko.

Stop the Battle of the First Three SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon