Chapter 3: (Third Section)

10 3 0
                                    

CHAPTER 3: (Third Section)


Rina's POV


Hindi ako makapag-focus na makinig sa pagtuturo or I mean pagkukuwento ng aming Filipino teacher. What do I expect, first day! Pero sobrang daldal niya na tipong halos lahat kami hindi na nakikinig at nabo-bore sa kanya. Kung pwede ko lang talagang salaksakan si Maam ng chalk sa bibig niya para matigil lang siya. Hay! I'm bad talaga.


Bigla kong naalala si Anna. How is she na kaya? Pati narin sila Lucy at Samuel. Hay, kawawa naman sila dun.


After class, napagdesisyunan kong umuwi agad ng mag-isa. Hay, edi ako na ang loner. Iniwan na kasi ako ng bestfriend ko eh. Kaiyak!


Habang naglalakad ako sa corridor may nakabangga akong isang lalaki.


"Sorry!!" sabi niya at napatingin siya sa pin ko sa may strap ng bag ko na pinagawa namin ng Section 3 last year. Napakunot ang noo ko doon. Aalis na sana ako nang nagsalita siya. "So your Section 3 huh?"


"So?" mataray kong sagot.


"Wala lang. Nice meeting you pala. I'm Dominique from Section 2." pakilala niya at ngumiti ng nakakaloko. I don't like that smile. It seems to be fake. Umirap nalang ako sa kanya sign na ayaw ko sa kanya at humakbang paalis. Then, naghabol pa siya ng salita. "Ganyan pala talaga kayong Section 3." nagpanting ang tenga ko sa narinig kong yun. Hindi ko nalang siya pinatulan kahit na nainis ako dun. Dumiretso nalang ako sa gate at sumakay na agad ng tricycle pauwi. Ayokong masira ang araw ko dahil may nakilala akong from Section 2. Para kasing hindi magandang nakikipagkilala ako sa isang kaaway diba.


The next day ng school, nag-elect kami ng mga class officers and unfortunately I'm elected as their class president. Why me guys? Papasakitin niyo lang ang ulo ko sa kakulitan niyo. Errrr!! Pero I stood up nalang to say a little speech. Bahala kayo diyan kung anong mangyari sa klase natin sa pamamalakad ko, baka hindi ko mapantayan ang nagawa nila Lucy dito. Hay!


"So guys, first of all hindi ko maipapangakong magiging good president of the class ako but I'll try."pangunang salita ko. "Second, hiling ko lang sana sa inyo na wag niyo akong i-compare sa mga dating naging class president dito. Alam ko namang hindi ako magaling in terms of leadership but I will do my best na maging maayos ang klase natin." Joke lang yun. "And lastly guys, wag niyo pasakitin ang ulo ko ah. We should work as a team. Para saan pa't isang section tayo diba. Tapos yung ibang class officers din diyan galaw-galaw din ah. Wag lang puro ako. So yun lang. May trust naman ako sa inyo na masusunod niyo ako eh. Kaya ayun. Thank you for this privelege na maging class president niyo. Love you guys." nakangiti akong bumalik sa pwesto ko at pumalakpak sila. Ang lalakas kasi talaga ng trip ng mga kaklase ko eh. Sarap pektusan!


"Congrats Rina. Kaya mo yan." bati ng katabi kong si Chris. Eto yung may kasalanan kung bakit ako naging class president eh. Tinanong ko lang naman siya kung ano kayang pakiramdam ng maging class president tapos yun ninominate niya ako at sa kasamaang palad ako ang highest votes. Inis!


"Nakakainis ka alam mo yun. Pag talaga naging masalimuot itong klase natin wag na wag niyo akong sisisihin ah." singhal ko kay Chris at napatawa lang siya.

Stop the Battle of the First Three SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon