Jiro's POV
"Good morning master jiro. May bisita po kayo baba." Sabi ng maid. huh? Sino naman kaya 'yon? Ang aga naman.. Impossible namang si athena 'yon? Eh mamaya pa ang date namin.
"Ah. Sige baba nalang ako." Sabi ko at umalis na ang maid. nag-ayos agad ako at tsaka bumaba. Pagka-baba ko natanaw ko agad kung sino 'yung bisita at tuwang tuwa ako. At tumakbo agad ako na parang bata na sabik sa taong nakita ko.
"Kuyaaaaaa!" Sigaw ko habang tumatakbo at sasaluhin niya na ako at sumampa ako sa kanya pagka-lapit, alam niyo 'yung sa mga movies yung tipong pag nagkita magyayakapan. Hahahaha ganun ang sitwasyon namin.
"Baliw ka, Hindi ka na bata. Tigilan mo nga." Sabi niya sabay layo sakin.
"Namiss kita bro." Sabi ko. At siya naman binatukan ako.
"Namiss daw, Sus." Sabi niya..
"Ayaw maniwala."
"Namiss, Eh di mo nga sinabe sakin na may girlfriend ka na pala! Naks naman, Lalaki ka na!" Sabi niya, at napa-ngiti nalang ako. Gay? Lol.
I laugh, "So nagtatampo ka? Ano? Gayshit!" Sabi ko tsaka niya ako binatukan ulit.
"Hindi. Teka, kailan mo ipapakilala sakin 'yang girlfriend mo huh?" Biro niya sakin.
"Tsaka na, pero mamaya may date kami. Gusto mo sama ka." Gusto ko rin makilala ng kuya ko kung sino si athena para naman maging okay siya sa family ko.
"Saglit lang ako dito. Sayang hindi ko makikilala.. Amp, may lakad pa'ko. Pinuntahan lang kita dito dahil may party next week at invited kayo ng daddy mo at isama mo na rin 'yung girlfriend mo, mask ang theme ng party okay. So asahan kita bro." Sabi ni kuya ivan.
"Ganun ba? Wag kang magalala pupunta kami. Teka, anong oras ka aalis?" Tanong ko.
"Am.. Meron pa akong 1hour para mag-stay, so sulit na?" Sabi niya at sabay takbo sa kusina.
Tss, mas isip bata pa sakin tong si ivan. At kaya siya tumakbo agad dahil may contest kami.
"Whoa, Wag mong sabihin!" Sigaw ko, dahil alam ko na balak ng kuya ko. Gusto niya nanamang magpa-unahan kami sa pagkaen ng rice cake.
"Ang mahuhuli kakaen ng black beans ng diretsyo." Sabi niya at naka-dalawa agad ng kaen sa maliit na pinggan.
Kaya nag-madali akong kumuha ng rice cake dahil ayokong kumaen ng black beans ng isang lata, yuck!
Kumaen kami ng kumaen habang naka-smirked sa isa't isa. Hindi ako magpapatalo sa kapatid ko, nong maliliit pa kami bonding namin 'to, ang kumaen ng rice cakes. Wala naman.. Trip lang namin ng kuya ko. Kahit magka-iba kami ng tatay walang issue samin dahil kami ang magkapatid at dapat kami ang magtutulungan.
Naka-rami na ang kuya ko at ako? Parang masusuka na ako..
"Finish!" Sigaw niya sabay pakita ng bibig niya na walang tirang rice cake. At bigla akong tumakbo sa lababo at tsaka ko sinuka.
"Talo ka, kakaen ka ng black beans." Sabi niya.
"Yuck!" Sigaw ko at tsaka ako tumakbo papunta sa kwarto ko at hinabol ako ni ivan.
BINABASA MO ANG
Kiss or Rape
Teen FictionWhat if i gave you choice? KISS OR RAPE What would you choose?