Chapter Six

70 4 0
                                    


"Jessy's Pov"

"WAAAAHHHH!!!!!"
Sigaw ko kasi naman nagulat ako nung nagtransform yung ibon into a human form . Sya pala yung Head Master dito? Bat naging Ibon yun?

"Sorry Head Master "

Sabay Peace sign ko (^_^)v

"Hahaha HM Nathan nalang iha. "

tumango naman ako at tinuloy nya yung kanyang sasabihin .

"Kaya kayo nandito ngayon dahil dito na
kayo mag-aaral may boarding house naman dito kaya dito na kayo titira malapit sa school nyo Pero di nyo na ito kailangang bayaran it's free , eto nga pala ang room no. Nyo and the keys of each rooms."

Sabi ni HM habang binibigay nya sa amin yung key's ng kwarto daw namin . Sobrang cool talaga dito free lahat hihihi.

"Salamat Hm Nathan "

sabi nina Jamie at Bess so ginaya ko naman yung ginawa nila .

"Ahh HM Nathan may tanong sana ako
*tango-tango* Ganito kasi yun Hm Bakit kanina
naging ibon kayo? Tao ba talaga kayo ? Oh
hallucination ko lang yun? "

Tanong ko habang yung isa kong kamay nasa baba ko . kasi may nabasa akong story sabi nila nagiging cute ka daw kapag ganun yung ginagawa mo .

"Hahaha sabi ko na nga ba at tatanungin mo yan iha. Im a Shapeshifter, Pwede akong magpalit ng anyo anything i want, but
just an animal form "

Ahh nalang naisagot ko dahil namangha ako sa kanyang ability at sa kaya nyang gawin WOW

"Okay you can go to your rooms now .
One more thing andun na din ang inyong schedule's and uniforms . You can leave now." Sabi ni Hm samin .

Lumabas nadin kami ng office nya at
nadatnan kong andun yung Robot sa may pinto . diko nalang sya pinansin dahil nahihiya pa din ako kapag naalala ko yung nangyari kanina ☺.

"Ahh Jessy bukas ka nalang namin itour ha kasi alam kong pagod kana kaya kailangan na nating magpahinga . " sabi ni Jamie

"Okay no Problem Jamie" Sagot ko at patungo na kami ngayon sa Right Hallway kung san kami kanina pero ang pinagka-iba lang is sa Middle yung kanina ..

Dito daw sa Right Hallway is yung dorm ng mga babae . So dito kami dumiretso , then yung sa Left Hallway is for Boys .

Di daw basta-bastang makakapunta yung
mga Babae o lalaki sa mga dorms ng mga Boys or Girls kasi bawal daw .. and may curfew daw dito .

So sa palagay ko di din ito naiiba sa mga normal na tao kasi diba . Yung mga dorms dun may curfew din .

Pero sabi ni Bess ang ga-ganda daw ng mga dorm dito at malalaki pa .

Nagstop na kaming maglakad sa
harap ng pinto ito na ata yung dorm na sinasabi
nila

hmm medyo malaki sya sa labas di ko lang
alam sa loob baka mas malaki din tulad ng sabi ni bess kanina .

"Andito na tayo bess . " Sabi ni Nella
sabang ina-unlock yun pinto .

Pagka bukas nung pinto . Napa gasp naman ako sa nakita ko . Keber mo yan ang laki kasi at sobrang ganda pa .

Yung kulay sa loob is Light blue tapos may mga paintings na din na nakasabit sa bawat sulok ng dorm tapos may hagdan pa para sa taas(Malamang?) hmm dun ata yung kwarto namin ehh . Nag ikot-ikot muna ako sa loob tinignan ko yung kitchen , Completo din sa gamit may stove , oven, mga kawali tas may ref
din dito .

Sabi nila every week daw tong nilalagyan
ng stock dito ng mga staffs ng school na to . Pero every breakfast kalang din pwedeng kumain sa dorm kasi pag lunch at dinner time dun daw sa Dinning hall kumakain lahat ng mga studyante dito at yun yung dapat sundin mo .

Umakyat naman ako sa hagdan para tignan yung kwarto ko (Ko kasi akin yun tig-isa kasi kami ng room dito ehh) May nakita naman akong tatlong pinto

Nakita ko naman si Janella na pumasok sa kwarto nya .yung nasa pinaka dulo .

Napansin nya yata ako kaya nginitian ko sya at she smiled back and said  "Puntahan kita bess maya sa kwarto mo bess aayusin ko lang muna
tong gamit ko . "

"Okay bess. Ayusin ko din yung gamit ko "

Pumasok na din ako sa Middle door dito daw kasi yung akin .

Napa Wow naman ako kasi may veranda yung kwarto ko Yey! Binuksan ko naman yung malaking glass window (parang door na din yung laki) para pumasok yung hangin sa loob .

Sumandal naman ako sa Railings ng veranda habang ninanamnam yung hangin(waahh diko kinakain ha What i mean is dinadama) habang nakapikit .

"HELLO"

Nagulat naman ako nung may biglang
sumigaw kaya napadilat ako tas pag tingin ko sa harap may Babae din na nakatayo sa veranda ng kwarto nya ata.

"HI"

Sigaw kong pabalik kasi medyo malayo ehh

"BAGO KA DITO?"  Sigaw nung babae

"Oo ehh . ikaw ba? "

"Yes bago lang din ako .. Ako nga pala si Joyce "

"Jessica, nice to meet you /Shouting you hahaha" Tumawa din naman sya .

"Sige pasok na ako ha . mag-aayos pa kasi ako ng gamit bye" Sabi ko at tinungo yung kama ko

Malaki yung kama ko kasya to pang tatlong tao i think .

Binuhat ko naman yung maleta ko at binuksan
nilabas ko na din yung mga damit ko at nilagay sa aparador. May nakita nga akong mga uniforms ata yun tatlong pares ng skirts above the knee na kulay green at long sleeve na white at sa dulo ng sleeve may green din at yung necktie kulay green din may mga medyas din na White  ahh siguro hanggang tuhod lang din  to .

Then may Jogging Pants din akong nakita
na kulay green din then yung T-shirts nasa side
kulay green then may logo sya ng school na
Fantastiqua Academy .

Nahiga naman ako sa kama nung tapos ko ng ayusin yung gamit ko maya-maya pa ehh dumating nadin si bess.

"Hi bess" Sabi ko habang humihikab huh napagod ata ako sa kakaayos ng damit ko

"Oh bess antok kana ahh" Sabi nya

"Ou bess napagod ako ehh."

"Sige tulog nalang muna tayo kasi tomorrow is a big day  bukas na kasi magsisimula yung class dito Pero bess sad to say hindi tayo magkaklase ehh nasa Medium Class na kasi ako tas ikaw nasa Low Class pa kasi di mo pa daw alam pano gamitin yung power mo . "

Nalungkot naman ako sa nalaman ko  kasi akala ko magkasama kami sa room yun pala hindi pano nalang kung may mangtrip sakin dun or i bully ako tas gagamitan ako ng power nila ... Oh My

"Ganun ba bess?"

"Don't worry bess andito lang naman kami
ni Jamie babantayan ka namin at saka kaya mo yan no ikaw pa. "

Nabawasan naman yung kaba ko
sa sinabi ni bess. Basta kailangan ko lang matutunan yung mga ituturo samin para maging malakas ako para makasama ko sila .

"Salamat bess ☺"

Sabay yakap ko sa kanya niyakap nya naman din ako pabalik  Ang swerte ko talaga dahil sila yung naging pamilya ko . Thank you LORD




=================

Vote and Comment *^O^*

Fantastiqua GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon