Chapter Ten

63 5 4
                                    

"Jessy's Pov"

Andito na kami ngayon ni Joyce sa training room wala pa din si prof may inaasikaso pa daw ata.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at wala akong ibang nakikita kung di ang napakalaking room parang isang basketball court yung laki.

Maya-maya pa dumating na si Prof at may mga kasama syang lalaki at oh my yung lalaking nambato sakin ng apoy kasama nya din

Hala bakit sila nandito nako takot pa naman ako dun sa lalaki na yun

'Ahhh yung mga super high class waahh'

'Ang gu-gwapo nila'

'Bat sila nandito waahh hottie'

Ang iingay naman nila

akala ko ba ngayon walang kaming ibang kasama kundi kami-kami lang Ang labo naman

'Kasi sila yung magiging trainer nyo'.

Hala ano yun bat may nagsalita isip ko

Agh! Bahala na nga yun na-malfunction na ata utak ko pati sa isip ko feeling ko may nagsasalita tss

"Good morning Prof Rucca " sabay naming sabi

"Okay class kaya may mga kasama akong lalaki galing super high class dahil sila yung mga magagaling sa pag gamit ng mga sandata ,sila din yung magiging trainer nyo hanggang sa matuto kayo gamitin yon , dapat nyong pagbutihin ito dahil hindi lang kapangyarihan ang ginagamit sa pakikipaglaban. Nalalapit na din ang inyong ranking dapat marunong na kayong makipaglaban at dapat nyo ring matutunan ang pagse-self defense dahil malaki ang maiitulong nun sa inyo "

"Okay so ako nalang ang mag papair sa inyo may nailista naman din ako dito

Elliseo and Ellise

Mackaryo and Myka

Jomar and Jomarie

Rodney and Rodelyn

Kenneth and Kathleen

Raven and Joyce

Kevin and Veronica

And last but not the least

Clifford and Jessica

Now go to your partner and choose your weapon "

Ay bakit sya pa yung naging ka partner ko naman oh

Tinignan ko naman si Joyce at nagthumbs-up lang sya sakin nako Joyce kung alam mo lang na takot ako dito sa ka partner kong ito kahit na wala syang mata feeling ko masusunog ako pag titignan nya palang ako

Nagtitingin-tingin naman ako ng mga weapons dito at ang damu nito may mga sword na iba iba yung haba magaganda din yung design pero feeling ko ang bigat nun . may mag dagger din at bow and arrow eto yung gusto kong itry at yung dagger and spear para marami akong matutunan pero feeling ko di ko yun magawa kasi naman napakamalas ko sa naging trainer ko parang stricto masyado

Swwiiissshh

Nagulat naman ako ng may dumaang dagger sa harap ng aking mata nako malapit na akong mabulag Agh!

Kahit di ko na lingunin alam ko na na yung si Apoy yung nagtapon nun sya lang naman ang may ganang mangtrip sakin dito bully talaga.

Swiissshhh

Ayan na naman

"Ano tatayo kalang ba dyan?!" Sabi nya na medyo pagalit yung boses hindi naman bagay yung cold voice sakanya dahil ang init nya hindi naman sya ice para maging cold

Fantastiqua GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon