Written by MyBrokenPart and PoisonousGin
KABANATA I
Ibinuga ko ang usok ng sigarilyong galing sa bibig ko. Pansin ko ang matalim na tingin ng mga kasama ko. Mula sa malayo, tanaw ko ang mga batang kasama naming na lumaki sa lansangan dahil naninigarilyo na naman ako. Umiling ako saka ko itinapon ang sigarilyo sa may gilid saka ako naglakad papalapit kina Alen at Simon. Anim kaming magkakasama, pero kami lang ni Alen ang hindi menor de edad dahil labin siyam na kaming dalawa. Bata palang kami ay magkasama na kami sa madilim na mundo namin na kung tawagin ay imyerno. Hindi pa naman kami nakakapatay kaya hindi pa kami ganoon kasama.
"Ako na. Sige na Simon, pumunta ka na sa pwesto ng mga bata. Kapag nakita mong nakuha ko na ay tumakbo na kayo kaagad." Sabi ko sabay lingon sa direksyon ng isang aleng walang kamalay malay na pagnanakawan naming siya. Sa buong maghapon na 'to ay wala pa kaming nakakain kaya ganoon nalang ang kagustuhan naming makapag hanap ng bibiktimahin.
Si Simon ang labin limang taong gulang sa mga batang kasama namin. Katulad naming ay iniwanan lang din s'ya sa masalimuot na mundo. Walang nagbigay ng kahit isang karapatan sa amin, walang tumutulong kaya wala kaming naupuntahan.
Hindi naman kami magiging ganito kung alam lang sana ng mga bumuhay sa amin ang maging magulang.
Sumenyas ako kay Alen na lapitan na naming ang matanda kasabay ng pagsalubong sa'kin ng hangin at inilipad nito ang mahaba kong buhok na hindi ko kailanman naipagupit.
Pumunta ako sa kanan ng matanda saka ko inaral ang galaw nito. Pasimple akong tumango kay Alen. Kaagad naman n'yang hinablot ang bag saka ipinasa sa'kin. Kaagad kaming tumakbo.
"MAGNANAKAW! TULONG! TULONG!" Sigaw ng matanda na unti unting humina dahil sa paglayo namin sa direksyon n'ya.
Nahagip ng mata ko si Alen na nakasuporta sa likod ko habang tumatakbo pa rin samantalang ang mga bata naman ay nasa harapan naming at tumatakbo rin.
"Peste!" Hindi ko maiwasan ang mapamura dahil sa mga kalalakihang ramdam kong nakasunod sa'min para sumaklolo sa bag na nanakaw. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko.
Mula sa daang tinatahak ko, kita ko ang kalsadang daan daan ang humaharurot na sasakyan.
"Alen! Mauna ka na. itawid mo ang mga bata." Utos ko sa kan'ya habang yakap yakap pa rin ang bag na galing sa nakaw. Pag0od na ako dahil sa pagtakbo pero hindi naman ako maaaring huminto. Ipinagpatuloy ko ang mabilisang pagtakbo habang patuloy ang pagtingin sa'min ng bawat taong madadaanan namin.Tumawid ako sa kalsadang puno ng panganib. Bawat kotse o sasakyag madadaanan ko ay s'ya namang paghinto nila at pagmura dahil sa kalokohang ginanagaw naming. Nakakarinig rin ako ng pagbundol ng isang sasakyan sa isa pa dahil sa ginagawa namin. Galit marahil ang nakikita sa mga mata nila dahil sa pangangambang makapatay sila at mapagastos ng wala sa oras.
"BILISAN N'YO NAMAN! Ang bagal n'yong tumakbo!" Sigaw ko sa kanila nang makita kong ao na ang nangunguna sa pagtakbo. Ilang Segundo pa nang pagtakbo ay narrating ko rin saw akas ang kabila ng kalsada. Tumingin ako sa kanila. Malapit na rin sila sa'kin at wala na rin ang mga lalaking humahabol sa'min. tumingin ako sa bag. Mukhang mamahalin ang isang 'to pero ang pangit ng kulay. Sinong matino naman kaya ang gagamit nito?.
"Sa eskinita tayo." Wika ko sa kanila saka muling tumakbo. Mahirap na at baka maabutan pa kami. Kasabay ko silang pumasok sa eskinitang hindi ko alam kung saan papunta at kung hanggang saan ang hangganan. Nang tuluyan kaming makapasok sa eskinita. Pilit kong hinabol ang hininga ko habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa tuhod ko.
"Shit!" Mura ko nang makuha ko nang muli ang hininga ko. Pinulot ko ang bag habang patuloy pa rin ang paghabol ng mga bata sa kan'ya kan'ya nilang hininga. Binuksan ko ang zipper at hindi pa makikita ang laman ng bag nang magtanong si Alen at Simon.
BINABASA MO ANG
Begin Again
RandomCollaborative activity. Work of fiction. Theme: Pagbabago by: poisonousgin and Bangagnamanunulat