KABANATA III
Napamura nalang ako nang makitang nakatingin na sila sa direksyon naming bago pa man ako makatalikod. Sila na naman, miyembro sila ng isang gang na nakabangga naming noon. Mahigit isang lingo na rin ang nakararaan simula noong iwan naming ang isa sa mga kasamahan na duguan at halos hindi makatayo dahil sa pambubugbog naming ni Alen sa kaniya. Naglakad ang isa papalapit sa'min kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang itulak sina Simon.
"Umalis na kayo. Mag iwan nalang kayo ng mga marka para kaagad naming kayong makita." Sabi ko habang hindi sila tinitingnan.
"Pero Dana!" Walang galang na tutol ni Simon.
"Aalis kayo o sisirain ko pagmumukha mo?" Pambabanta ko sa kaniya. Wala naman na siyang ibang nagawa kundi ang ilayo ang tatlo at pumasok sa eskinita sa gawing kanan.
Hinarangan ko ang isa sa kanila at itinulak sa braso dahil sinubukan nitong takbuhin ang mga bata. Nakita ko kung pano manlisik ang mga mata niya. Lima sila ngayon. Paano sila nakaabo sa lugar na 'to?
"Alam mo bang ng dahil sa isa sa mga alaga mo at dahil sa kamay mong 'yan, nasa ospital pa din siya ngayon? Paano kaya kung ikaw naman ang iratay namin sa lugar na 'yon. Para naman maiba, hindi ba?" Mapaglarong tanong ng isa sa kanila.
"Baka naman gusto mong ikaw ang isunod ko sa kaniya?" Tanong ko pabalik. Tumingin naman sa'kin ng masama si Alen na para bang sinasabi na 'wag ko nang gatungan at 'wag na kong gumawa ng gulo.
"Ang yabang mo pa din ano? Hindi na 'ko magtataka kung bakit matagal nang patapon ang buhay mo." Sa sinabi niyang 'yun ay kaagad naman na lumipad ang kamao ko sa pangit niyang pagmumukha. Sumugod naman ang dalawa kay Alen habang tatlo naman sa'kin.
Inilagan ko ang isa ,dahil akma ako nitong papaluin ng tubo. Mula sa likod ng isa ay sinipa ko sa para sumubsob. Kaagad rin naman silang tumayo na parang hindi gaanong masakit ang ginawa ko sa kanila. Sabay sabay .silang sumugod sa'kin kaya wala akong ibang ginawa kundi ang umilag nalang hanggang sa ma corner na nila ako sa pader. Kaagad naman akong napatingin sa kamay ng isang lalaki habang ngingisi ngisi silang parang baliw na animo'y katapusan ko na. Ha! Manigas sila! Pinadulas ko ang paa ko para makalapit sa kaniya at inagaw ang tubong hawak niya. Gamit ang tubong 'yun at hinapas ko sila dahilan .para sila'y matumba.
"Shit!" Napalingon ako sa gawi ni Alen na ngayon ay may dugo na sa labi. Napakunot ako saka ko binato ang tubo sa ,direksyon niya. "saluhin mo!" Sigaw ko saka ako muling humarap sa mga lalaki. Kaagad naman akong napaupo nang masikmura ako ng isa nang humarap ako.
Kaagad niya ang sinipa sa mukha dahilan para mas lalong gumulo ang buhok ko at dumura ako dugo. Pumikit ako ng maramdamang biglang umikot ang mundo. Umiling ako at binuksan ang mata ko, itiningkod ko naman ang kamay ko para makatayo. Nanatili akong nakayuko dahil sa inis. Iisa nalang siya dahil mukhang napuruhan ang kasama niya sa pagpalo ko ng tubo sa kanila.
"Alam mo kung saan ako naiinis? 'Yon yung oras na sinikmura mo ko." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay kaagad ko siyang sinipa ng pagkalakas lakas na hindi niya aakalaing gagawin ko. Sisipain ko sana siya ulit ng bigla akong higitin ni Alen. Tumakbo siya hawak hawak ang kamay ko saka ako ipinasok sa eskinitang pinasukan nila. Mula sa eskinita ay kita ko ang mga plastic wrappers, to na marahil ang palatandaan. Napayuko ako nang marinig ko ang putok ng baril.
"Shit! Bilisan mo! Sundan mo lang 'yang mga'yan. Maraming mga parak!" Nagawa niya pa ring sabihin 'yun sa gitna ng mabilisan naming pagtakbo.
Muli akong nakarinig ng putok ng baril kasabay ng pagkalas ng hawak ni Alen sa kamay ko."Takbo lang! 'wag kang hihinto!" Sigaw niya sa'kin kaya naman hindi ko na nagawang tumingin sa kaniya. Ramdam ko pa din naman ang pagsunod niya sa'kin. Muli kaming lumiko hanggang sa tuluyang naming maiwala ang mga parak na humahabol sa'min. sinundan ko pa din ang mga plastic na nagkalat hanggang sa mapadpad kami sa ilog. Isang mapunong lugar. Nagsuot kami doon ni Alen. Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman ko ang mabigat niyang pag hinga. Tumingin naman siya sakin dahil napahinto ako.
BINABASA MO ANG
Begin Again
RandomCollaborative activity. Work of fiction. Theme: Pagbabago by: poisonousgin and Bangagnamanunulat