Kabanata VI

6 0 0
                                    

KABANATA VI

Hindi ko alam kung ilang minute o oras kong ipinikit ang mata ko dahil ayaw kong tumingin sa daang tinatahak naming. Dahil baka kapag iminulat ko ang mata ko ay mabaliw ako at tumalon bigla palabas sa sasakyang 'to.

"Andito na tayo." Huminga ako ng malalim kasabay ng pagtingin ko sa labas ng kotse. Isang malaking bahay ang bumungad sa akin. Isang palapag lang ito ngunit sa paningin ko ay malawak na ito.

"Dito ka titira. Sa Maynila 'to. Malayo ang bahay naming dito. Pero dadalaw kami araw araw." Napatingin naman ako sa kaniya saka lumabas na sa sasakyan.

"Bukas natin uumpisahang ilakad ang mga papel mo. Tutal wala ka namang pagkakakilanlan. May dalawang kasambahay sa loob, sila ang makakasama mo na matagal na naming katiwala. Kapag gusto mo namang lumabas, may driver ka din. Napaghandaan na naming ang lahat noong makita ka naming sa kalye. Everything will be fine Dana. I'm Jesica Tan."

"Okay fine" walang galang kong sagot sa kanya at pumamewang.

Magiging okay ang lahat Dana, magiging okay din.
Cheer up!.

"Halikana sa loob." Aya nya sakin at nagsimula ng maglakad.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nagsalita. Dahilan para mapatigil sila sa paglalakad

"Kaya kong pumasok sa loob kahit wala kayo. May mga tao naman sa loob, 'di ba?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya.

Hindi ko siya nakitaan ng paniningkit ng mata dahil sa ugali ko. Hindi man lang ba niya ko pagagalitan o ano?.

"Kung gayon ay mauuna na kami. Kailangan pa naming magpunta sa base." Pamamaalam ni Vlad.

Masama silang tao Dana. Nandito ka sa harapan nila hindi para baguhin ang kahit ano sa'yo. Kundi ang baguhin ang buhay ng mga batang iniwan mo. Nag iwas ako ng tingin saka naglakad papasok sa gate nang hindi nagpapaalam sa kanila.

Mula sa labas ay kitang kita na ang laki ng bahay, bahay pa ba ang tawag dito? Hindi, Palasyo.

Napanganga ako sa ganda ng bahay, nag niningning ang bawat sulok at ang linis ng paligid.

Kaagad din naman akong nabalik sa katinuan nang maalala ko sina Simon. Nasa ospital sila, habang ako nasa malaking bahay na 'to. Hingang malalim Dana. Okay lang. Magiging maayos sila.

"Ah ma'am..." napatingin ako sa taong nagsalita sa likod ko. Isang matanda ang sumalubong sa'kin kaya napakunot ang noo ko.

"Dana. Wag mo kong kakausapin. Nasaan ang kwarto ko?" Walang galang ko pa ring tanong sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Hindi ka sasagot?" Ginamit ko ang boses kong hindi gustong marinig ng kahit sino.

"Sabi mo po 'wag ko kayong kausapin." Sagot niya kaya marahan akong napatawa.

"Joker ka, huh?" Sabi ko saka lumapit sa kaniya. Tumapat ako sa mukha niya saka gumuhit ang isang malademonyong ngiti sa labi ko. Nasa impyerno na rin naman ako, share share na rin kami ng mundo.

"Ahh... ehhhh... sa. Dun po banda" sagot niya naman sa'kin saka dumistansya. Matanda siya pero nagpo po siya sa'kin. Psh.

Naglakad na ko papunta sa direksyong tinuro niya. Binuksan ko naman ang isang puting pinto.
Puti lahat ang nakita ko. Walang ibang bakas nang madilim na parte, bigla akong napahinto.

"Hindi dapat ito ang lugar na kinalalagyan ko. Hanggang lansangan lang ako."

'Masyadong maganda ang lugar na to para sa isang katulad ko' sabi ko sa isip ko habang tinitignan ang mga magagarang bagay sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon