Kabanata IV

10 1 0
                                    

KABANATA IV

Tumingin ako sa mga kasama kong nakaupo pa din hanggang ngayon habang ako ay hindi matigil sa paglalakad ng pabalik balik. Mahigit isang oras na ang nakalipas ngunit wala pa ring lumalabas na nurse o doctor sa silid kung saan nila ipinasok si Alen. Nakapamaywang akong naglakad pabalik habang nakatingin sa mga putting ilaw. Tanghali na at tirik na ang araw sa labas ngunit nakabukas ang mga ilaw sa loob ng ospital.

"Hay!" Mahina kong sabi saka ako nagpakawala ng malalim na hininga. Hinipan ko ang hangin saka tumingin kay Simon.

"Bantayan mo sila. 'Wag kayong aalis rito." Paalam ko na kaagad namang sinagot ni Shan.

"Saan ka po pupunta?"

"Maghahanap ako ng pera dahil hindi namang pwedeng nakaupo lang tayo dito. Walang mangyayari." Sagot ko sa kaniya saka tuluyang naglakad paalis sa pwesto nila. Kinakabahan man ay pinilit kong lumayo sa lugar na 'yun dala ang mabigat kong dibdib dahil sa maaaring mangyari.

Gusto akong kainin ng loob ko ngunit patuloy ko pa din itong nilalabanan dahil ayokong isipin ang negatibong gusting dominaduhin ang utak at buo kong pagkatao. Pagkalabas ko ay tumingin ako sa langit at ikinuyom ang palad ko. Mabubuhay siya. Alam kong mabubuhay siya.

Naglakad ako palayo sa ospital at nagsuot sa mga hindi pamilyar na kalye ngunit kaagad ko rin naman itong nasaulo. Alam ko kung paano ako makakabalik sa ospital na 'yun. Nakakita ako ng tindahan kaya kaagad kong kinapa kappa ang bulsa ko para tingnan kong may naligaw ban barya dito. Ipinasok ko ang kamay ko sa kanang bulsa ko at kinuha ang baryang nahawakan ko dito. Limang piso. Pwede na para sa isang stick. Sigarilyo nalang ang pang alis ko sa bigat ng nararamdaman ko, 'yun nalang ang hangin ko sa mga panahon na 'to.

"May yosi ba kayong dalawa limang piso?" Tanong ko muna bago ako bumili.

"Meron." Walang ganang sagot ng matandang tindera.

"Dalawa nga." Walang galang kong sabi saka tumingin sa kalsada at naghanap nang maaaring biktimahin.

Inabuhan niya naman ako kaya kaagad ng dalawang stick. Kinuha ko ang posporong nakapatong lang sa isang lalagyan at sinindihan ang isa saka ko ibinulsa ang isa pa. naglakad na ko paalis sa tindahan na 'yun t naghanap ng lugar kung saan maraming tao. Ibinuga ko ang usok ng sigarilyo saka ako lumapit ng pasimple sa babaeng may katawag sa cellphone habang hawak niya ang kaniyang bag at papasok sa kotse.

Wala sa ibang tao ang atensyon niya kundi sa kausap niya kaya naman kinuha ko ang pagkakataong 'yun para manakaw ang bag niya. Kaagad koi tong hinablot at ginawa ang makakaya ko para makatakbo ng mabilis kahit sobrang pagod na mga paa ko. Ramam koang mga nakasunod sa'king lalaki at mga taong humahabol kaya naman sa kung saan saan na ako nag suot.

Itinapon ko ang yosi mula sa bibig ko dahil isa ito sa dahilan kung bakit ako nawawalan ng hininga. Umakyat ako sa isang pader saka ako tumakbo palabas ng eskinitang 'yun. Kaagad kong nakita ang malaking gusali ng ospital. Tuingin ako sa likod, wala nang nakasunod. Kaagad kong kinuha ang wallet sa loob ng bag, may nakita akong kwintas ngunit hindi ko na ito kinuha. Ikinalat ko ang tingin ko, walang CCTV. Lumapit ako sa basurahan at itinapon ang bag. Hindi rin naman maaaring ibenta 'yan dahil hindi ako tanga at gagawa ng paraan para mahuli ako ng mga parak. Pasimple kong ibinulsa ang wallet saka lumapit sa isang guard.

"May lighter ka? Pasindi." Sabi ko saka labas ng sigarilyo."

"Bakit puro dugo ka?" tanong sa'kin ng guard saka inabot ang lighter. Napahinto ako saglit saka ko naalala si Alen. Tumingin ako sa building ng ospital.

"Nabaril kasi 'yung pinakamahalagang tao sa'kin." Sagot ko bago ibalik ang pansindi sa kaniya at nilagpasan siya.
Habol habol ko pa rin ang hininga ko habnag inuubos ko ang stick ng bisyo ko habang unti unting nagsidatingan ang mga kabayo sa dibdib ko. Luliit ang mata ko habang hinihigop ko ang mentol na nagmula sa sigarilyo. Ilang minute rin akong nakatayo roon habang binibilang ang mga pamilyang dumadaan sa harapan ko. Pumasok naman kaagad ako dahil naririrndi na ang mata ko sa mga taong nakikita ko. Mula sa labas ng operating room ay nakita ko silang parang binagsakan ng langit at lupa.
Biglang bumagal ang paglalakad ko kasabay ng panlalamig ng buong katawan ko. Nakahawak na rin ako sa pader para suportahan ang sarili ko. Mali... mali itong nakikita ko. Bumilis ang paghinga ko bawat paghakbang ko papalapit sa kinalalagyan ko. Napagawi ang tingin ni Jon sa'kin kaya naman napatayo siya at lumapit sa'kin.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon