KABANATA II
"Anong problema Shan? Hindi ka ba masaya na makakakain na tayo?" tanong ko sa kan'ya na walang halong kahit anong boses.
Tumingin s'ya sa'kin na para bang 'tama na 'to ate. Masama 'tong ginagawa natin. Nakokonsenya na 'ko.' Nanginginig s'ya kaya naman hinawakan ko ang kamay n'ya at ibinalik ang tingin ko sa sapa.
"Nahihirapan na po ako. Namimiss ko na sila." Napatingin ako sa kan'ya nang biglang pumatak ang luhang marahil ay kanina pa gustong kumawala mula sa mga mata n'ya. Napaayos ako nang upo at humarap sa kan'ya. Inilagay ko ang isang kamay ko sa batok ko dahil nahihirapan ako sa sitwasyon kong ganito.
"Ito nalang 'yung paraan natin para mabuhay, masama ako hindi dahil nakatira ako sa Impyerno, kundi dahil gusto kong makaalis sa kinalalagyan ko. Kung namimiss mo sila, wala akong massabi at magagawa d'yan. Pare pareho lang tayong iniwan." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tumayo na ako at hinayaan s'yang umiyak. Lumapit naman sa'min ang iba at pinatahan si Shan.
"Bigyan mo 'kong pera, bibili ako nang pagkain." Inilahad ko ang kamay k okay Alen, kumuha naman s'ya ng pera sa wallet ng babaeng ninakawan naming kanina at inabot sa'kin.
Napatingin ako sa kan'ya nang maramdamn ko ang init nang kamay n'ya nang iabot n'ya sa'kin pera. Umiling ako saka umakyat papunta sa kalasada at paalis sa baba ng tulay.
Naglakad ako sa madalim na daan na tanging mga street lights nalang ang nagsisilbing liwanag. Pumunta ako sa isang kalinderya na bukas pa. Ikinalat ko ang buhok ko sa mukha ko para hindi ako mamukhaan ng mga tao.
"Ito nga tapos singkwenta pesos na kanin. Anim na bote ng tubig. Dalawang yosi at paracetamol." Sabi ko sa nagtitinda saka ko inabot ang limang daan na binigay ni Alen. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng tindera nang banggitin ko ang sigarilyo.
"Ano? Tititigan mo nalang ako at hindi mo ko bebentahan?" Tanong ko sa kan'ya sabay taas ng kanang kiilay dahil natatakpan ang kaliwang mukha ko.
Ilang minute ako naghintay hanggang sa ibigay n'ya sa'kin ang sukli. At ang huli n'yang ibinigay ay ang isang stick ng sigarilyo. Humingi ako ng lighter saka sinindihan ang sigarilyo at bumalik sa baba ng tulay.
Tinanggal ko ito gamit ang kaliwang kamay ko habang ibinubuga ang usok. Naka upo pa rin ang lima, hindi na rin umiiyak si Shan. Lumapit ako sa kanila saka ko iniabot ang plastic bag, pero kumuha ako ng isang tubig.
"Magpapahangin lang ako. Pagkatapos n'yong kumain, magpahinga na kayo dahl kailangan natin umalis ng maaga dito bukas, sigurado ako naipa blatter na si Simon at Alen dahil sa pagmumukha nila." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay binitbit ko ang isang bote ng tubig at muling ibinalik sa bibig ko ang nakasinding sigarilyo. Lumayo ako mga sampung metro sa kanila habang nakikita ko ang bilog na buwan mula sa langit.
Umupo ako sa isang bato saka ko tinanggal ang tsinelas ko at ibinabad ang paa ko sa tubig. Pinakawalan ko ang usok saka tumingin sa sapa. Hindi ko pa man kinakausap ang sarili ko ay kusa na namang pumatak ang luhang laging gustong kumawala sa mata ko.
Hindi ba nila ako mahal kaya bata palang ako kaya iniwan nila ako? Hindi binigyan ng karapatan? Bawat araw, bawat taon na lumilipas gusto ko silang makita.
Hindi dahil gusto ko silang makilala at makasa, kundi gusto kong ipakitang nabuhay ako ng labin siyam na taon na wala sila para pakainin ako.
Na kahit sa masamang paraan ko kinukuha ang ipinantutustos ko sa sarili ko ay nabuhay pa rin ako "Aish!" Ginulo ko ang buhok ko sa mga kabaliwang naiisip ko saka ko inilabas ang isa pang stick at sinindihan ito. Paulit ulit lang ang ginawa ko sa sigarilyo.
"May problema ka ba?" Bigla akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Alen.
"Tapos na kayong kumain?" Sinagot ko ng isa pang tanong ang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Begin Again
RandomCollaborative activity. Work of fiction. Theme: Pagbabago by: poisonousgin and Bangagnamanunulat