CHAPTER 8

7 2 0
                                    


After 24 hours ay nagising na si Brenda, nasa tabi niya si Luis ng mga oras na iyon.

"Nasaan ako? Sino ka? Bakit ako nandito?", ang sunod sunod na tanong ni Brenda.

"Huwag ka munang magsalita B, tatawagin ko muna ang doktor", ang natatarantang sabi ni Luis.

The doctor examined Brenda, at napagalaman nga nito na bumalik na sa dati ang memory ni Brenda. At hindi na niya nakilala si Luis.

"She is okay right now, kailangan niya lang ng pahinga at maging extra careful kasi maselan talaga ang kanyang pagbubuntis ", the doctor said.

"Pero Doc, bakit hindi na niya ako maalala?", naguguluhang tanong ni Luis.

"May ganyang cases talaga ng amnesia Mr. Samaniego, she remember only noong time na nasagasaan siya, pero yung nangyari after noon, it takes time to heal", ang sabi ng doktor.

"Ganun ho ba Doc, Sige doc, salamat", ang sabi ng binata.

Makalipas nga ang ilang araw ay bumalik na si Brenda sa condo ni Luis. Hindi pa rin nito kinakausap si Luis, dahil nga hindi nito maalala ang binata. Kasalukuyan silang nagla-lunch ng sumakit ang ulo ni Brenda.

"B? bakit? may masakit ba sayo?", nagaalalang tanong ni Luis sa dalaga.

"Im okay Mr. Samaniego...", ang mapaklang sagot ng dalaga.

Hindi na lang umimik si Luis, bagkus ay hinayaan niya lang ang dalaga na makapagpahinga sa kuwarto. Pagkatapos ay nagpaalam na si Luis na papasok na ng opisina.

Pagkagising ni Brenda, ay narealize niya na wala nga talaga siya sa kaniyang tinutuluyang bahay bago siya maaksidente. Nami-miss niya na ang nanay niya sa probinsya, pati na rin ang kaibigang si Tiffany.

Isang nakabukas na papel ang nakapukaw ng kanyang atensyon, nasa ibabaw iyon ng folder. Naengganyo siyang basahin ang laman niyon, at nagulat siya dahil impormasyon iyon lahat tungkol sa kanya. Isang hinala ang nabuo sa kanyang isipan, at dali-dali siyang nagbihis at gumawa siya ng sulat para kay Luis.

Hapon.

Masayang umuwi si Luis sa condo niya. Gusto niyang sorpresahin ang gf at magdi-dinner date sana sila. Kaso isang tahimik na bahay ang nadatnan niya. Isang liham ang kanyang natagpuan sa ibabaw ng kanilang bedside table. Agad niya itong binasa.

Dear Luis,
Sa mga oras na ito ay nasa malayong lugar na ako. Huwag mo na akong hanapin, gusto ko lang sanang magpasalamat sa lahat ng kabutihan mo para sa akin. Napag alaman mo na pala ang tungkol sa akin? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na may nanay akong naghihintay sa akin. Napakadamot mo Luis, pero huwag kang mag-aalala, pinatawad na kita sa lahat ng paglilihim mo sa akin. Maraming salamat sa lahat at paalam Luis.

Brenda

Napakamot sa ulo si Luis, at nakita na lamang niya ang papel sa ibabaw ng folder. Nakalimutan niya pala iyong ilihpit kanina matapos niyang kinuha ang mga dokumento sa kaniyang opisina. Huli na ang lahat, wala na si Brenda, kelangan niyang hanapin ang babae. Buntis si Brenda at maselan ang kanyang kondisyon. Kelangan maging maingat ito. Tinawagan niya agad ang private investigator nila, at pinahanap kung nasaan ang kanyang nobya.

"Please Mr. Salvador, kailangan kong malaman kung nasaan ang gf ko. Do it as soon as possible. I'll give you a bonus kapag nahanap mo siya kaagad.", ang pakiusap ni Luis sa P.I nila.

"Yes, don't worry Mr. Samaniego gagawin ko po lahat mahanap lang agad si Ms. Santilo.", ang sagot ng imbestigador.

Agad na pinuntahan ni Luis ang mansion nila, nagbabakasakaling nandoon ang kasintahan. Ngunit wala rin ito doon. Kinagabihan ay tinungo ni Luis ang bar na pinagtatrabuhan ni Brenda noon. Ngunit walang makapagsasabi kung nasaan ang dalaga. Nawalan ng pag-asa si Luis, hihintayin na lamang niya na tumawag si Mr. Salvador sa kanya.

MAHALIN MO LANG AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon