Chapter I: Contentment

4.4K 61 2
                                    

Second year na pala ako,ang bilis naman ata ng oras. Parang kahapon first year palang ako pero ngayon first day na ng bagong school year

Ako nga pala si Lotus Kim, 14 years old, half Chinese, at nag-aaral sa isang Science highschool.

Isa nga rin pala akong tomboy.

Hindi alam ng parents ko ang tungkol dito, mga malalapit ko lang na kaibigan dahil natatakot akong hindi ako tanggap ng famiy ko. Open kasi ang nanay ko tungkol sa hatred niya towards homosexuals samantalang ang tatay ko tahimik lang pero halata namang ayaw niya sa ideyang tomboy ako kung sasabihin ko man sa kanya. Minabuti ko nalang na manahimik at sa mga kaibigan ko nalang sinasabi. Pero kahit na ganito, nagpapasalamat naman ako na hinayaan nila akong paikliin ang buhok ko.

Akala pa naman nila masaya ako sa family ko, wala daw akong problema. Well, partly true naman kasi buo pamilya ko. Hindi man kami mayaman, hindi rin naman kami mahirap, kumbaga middle class pero nakakabili naman kami ng mga kung ano-ano basta pag-iipunan. Nakikipag-kulitan ako sa tatay ko, nakikipag daldalan rin ako sa nanay ko, sino ba namang pamilya ang hindi mag mumukhang perpekto di ba?

Ang dami kong first time experiences simula ng lumipat ako dito sa Science: First time kong mapunta sa public school, first time ko maging presidente ng klase, first time kong maging officer sa isang club, first time ko mapasali sa mga varsities at first time rin na ang dami kong kaklaseng broken family ang kinalakihan tapos sakin pa nagke-kwento tungkol dun. Siguro kaya sinasabi nila na swerte ako sa pamilya ko, di lang talaga nila alam na may problema rin ako. Yun ay yung acceptance.

Kung ipapa-describe mo sarili ko sakin, matangkad ako, payat, maitim pa. Sabi ng iba, hindi naman ako ganon ka itim at katamtaman lang ang kulay ko pero umiitim na talaga ako sa aking pananaw. Palagi rin akong nag ru-rubber shoes kahit na naka palda ako para sa uniform, recommended pa naman na naka black shoes kami pero hindi ko talaga sinusunod yun. Malalim rin daw yung boses ko, niloloko nga ako ng ibang choir members sa klase na hindi raw ako alto eh. Tenor na daw ako dahil mababa.

Katulad ng First year experience ko, president nanaman ako -.- President equals to stress at pressure. Kamusta naman yan, nag kataon pa namang kung kailan napaka-stress na dahil second year na ko. Ang saya.

Yun ang akala ko, akala ko mahirap mag adjust dahil iba na ang mga kaklase ko tapos ang mga katropa ko pa naman ay nasa ibang section. Pero infairness naman, unang araw palang ay komportable na ako kasama sila. Medyo mahirap pag sabihan dahil pantay pantay kaming napaka gugulo pero at least click ako sa kanila, parang di na nga kami taga Science sa ingay.

Pero kahit na na-eenjoy ko na ang company ng bago kong mga kaklase, siyempre may nananatili parin pag mamahal sa dati kong mga naging kaklase. Isa na rito si Fey Montenegro, asawa ko kunwari pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Nagiging malambing talaga ako pag dating sa kanya, palagi kaming nag yayakapan at nag lalambingan. Kinakantahan ko rin siya tuwing walang klase noong nakaraang taon, ngayon nga lang medyo mahirap na dahil iba na kami ng section. Trio talaga kaming mag kakatropa, yung isa naman ay si Jasmine Tamayo na ang pinaka-"chic" at masasabi mong may kaartehan rin tong babaeng to. Pero matalino siya, saming tatlo siya lang naka punta samin sa star section. Kasama rin naman talaga ako pero sinabi ko sa adviser ko na ayoko sa star section, buti nalang pumayag siya at hindi nalaman ng parents ko na kasama talaga ako, medyo pinag takpan ako kaya tinanaw ko na isang utang loob yun sa adviser ko last year.

Siyempre, kung may nag tuturingan na mag asawa meron din kaming anak. Siya naman si Cassandra Curtis, hindi kami gaano nag kakasundo dahil medyo bully kasi siya eh hindi pa naman ako mabait pag dating sa mga ganong klaseng tao. Pero kinakaya ko naman siyang kausapin at pakisamahan, that way kahit siya ay nagiging MEDYO mas mabait dahil napapasabihan ko na siya.

"Dear!" Nakita ko kasi si Fey tapos hinug ko na rin siya, namiss ko kasi siya eh.

Una niya talagang tingingnan ang sapatos ko at ningitian ako, "Nako, naka rubber shoes ka nanaman!" Sabi ni Fey samantalang ako, napatawa nalang habang tintingnan ko siyang nakangiti. "Ako pa, ano ba parang di mo pa ako kilala." Tugon ko naman sa kanya.

Niyakap niya ulet ako ng mahigpit, "Hay nako, hanggang ngayon di ka parin nag aayos ng buhok." Napansin niya nanaman samantalang ako ay mapag birong hinampas ng mahina ang kanyang balikat.

"Balita ko Vice President ka?" Sabi ko sa kanya tapos siya ay napatawa nalang, mukhang totoo nga. Napangiti ako sa kanya, proud lang talaga ako.

"Hay nako, bigla nalang kasi akong tinuro tapos biglang 'I nominate Fey as vice president' tapos ayun na. Medyo kinakarma na ba ako?" Tugon naman ni Fey habang napatawa nanaman ule ako.

Last year kasi, siya ang nag nominate sakin bilang Presidente ng klase. Mangilang beses siyang mag sorry sakin kasi feeling niya nagiging miserable at punong-puno ng stress ang buhay ko dahil sa pagiging president. Samantalang ako, paulit-ulit ko na rin sinasabing okay lang.

"Hindi rin, may tiwala lang talaga yung mga bago mong kaklase sayo." Sabi ko naman sa kanya sabay pisil sa pisngi niya.

"Oo na, eh ikaw? President ka nanaman oh!" Sabi niya at natawa nalang rin ako, sa bagay tama siya. "Ibig sabihin dalawang klase na ang nag titiwala sayo!" tinuro pa niya.

"Di rin, sus naman." Yun nalang ang nasabi ko sa kanya samantalang palaro siyang sumimangot sakin.

"Bahala ka nga diyan." Sambit niya at mahina akong tumawa, hinug ko siya ng mahigpit at nag bitiw ng isang ngiti.

"Basta ganon, galingan mo bilang Vice President ha." Sabi ko sa kanya at siya rin ay napangiti.

"Di ko na ata kailangan sabihin na galingan mo bilang president dahil magaling ka na." Tugon niya at napatawa ako ng mahina.

"Asa ka naman. O sige, una na ako." Sabi ko at nag paalam

Nag halo halo ang mga emosyon sa dibdiban ko, hindi ko alam kung ako ba'y matutuwa, ma excite, o matatakot. Dahil sa pag halo-halo ng mga emosyon, sa huli ay wala ng naging prominenteng emosyon sakin at wala na akong naramdaman pa. Paano ba lilipas ang school year na to? Magiging masaya ba? Stressful nanaman? Enjoyable? Di ko rin alam...

Basta ako?

Kuntento na ako sa kung anong nangyayari ngayon, kung anong mangyayari pa, at kung sino ako. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Haaai po, first chapter is up :)) Si Lotus po yung nasa gilid > u < Salamat po sa pagsasayang ng oras niyo pagbabasa nito ^ - ^ Kung nabasa niyo man po, comment po para maganahan ako magsulat pa o kaya mag vote po kayo ^ - ^ Salamat~~

My Science Intern || GIRLXGIRL || STUDENTxTEACHER || DISCONTINUED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon