Chapter II: One Week More

2.6K 56 1
                                    

At mabilis na lumipas ang panahon, akalain mo ba naman? Halos isang buwan na rin pala ang nakakaraan since nag simula akong mag-nilay nung first day tapos biglang eto na, ang bilis ng panahon.

Isa sa mga electives ng pagiging 2nd year ko ay ang Research, isa ito sa mga pinaka-ayokong oras ng araw dahil na-babadtrip ako sa teacher ko. Okay lang naman siya magturo, naiintindihan ko pero kung makapag-bigay ng mga deadline at lectures wagas eh daig pa niya ang taong hinahabol ng limang daang kabayo. Masyado siyang fast-paced tapos ang dami pang pinapagawang kalokohan, wala lang trip niya eh bawal daw KJ.

AT Speaking of Research, bwiset next subject na pala namin. -.-" Hay nako naman, ka Monday monday ay eto agad ang makikita ko. Siyempre, bago yan ay English muna namin. Ang akala ko pa naman ay matagal pang matatapos ang English dahil ayoko talagang mag Research pero wala eh, nag good-bye na samin si Ma'am English at lumayas na sa room.

"Nako naman..." Napa bugtong hininga nalang ako, sinita rin naman ako ng katabi ko at mahina akong tinawanan.

"Ayaw na ayaw mo talagang mag-research, ah?" Sabi niya at bigla akong napatawa rin ng mahina.

"Nakaka-bwiset kaya, panira pa ng araw. Mahal na mahal ko talaga ang Lunes." Sarcasm nalang naisumbat ko at napangiti nalang rin siya.

Akala ko, si Miss Research lang ang papasok samin pero ano to?

...

...

...

May kasama siyang ibang tao na hindi naka-uniform ng school namin pero katabi siya ni Miss Research, maganda siya. Hindi ganon kaputi pero bagay sa kanya yung kulay niya, hindi rin ganon kahaba pero hanggang balikat ang itim niyang buhok, nakaharap siya samin na tila ba kabado? Yung tipong parang ako lang ang nakakakita. Di ko sigurado, siguro ganon na nga.

"Good Morning, class." Bati ni Miss Research kaya nawala ako sa concentration ko dun sa kasama niya, bumati na rin ako kasabay ng mga kaklase ko.

"Okay, take your seats." Sabi ni Miss Research at umupo naman rin ako sa upuan ko, buti nalang nasa harapan ako nakaupo. Di ko matangal ang tingin ko dun sa kasama ni Miss, di ko rin alam kung bakit.

"Class, pinapakilala ko sa inyo ang isa sa mga intern mula sa Philippine Normal University." Biglang sabi ni Miss Research, ah intern pala kasama niya. Bigatin talaga itong Science eh, mula pa sa PNU ang intern na pinapapunta dito.

"Siya si Miss Venice Leraux, makakasama natin siya hanggang October. Kaya wala na kayong takas kung sakaling absent man ako ay nandito naman si Miss Leraux, tratuhin niyo siya ng maayos at matiwasay. Nagkakaintindihan ba tayo? " Sabi ni Miss Research dun sa kasama niya, siya na rin ang nagpakilala ng tungkol sa intern. Parang first time ko nga makinig kay Miss Research eh, interesting kasi yung topic niya ngayon.

Pero wait...

...October...

Ibig sabihin dahil July ngayon, 4 months siya dito bilang substitute ni Miss Research?

Bigla akong napatawa ng mahina, buti nalang ay ako lang ang nakarinig.

Masaya to, mukhang makikinig na ako ngayong Research ah? Maganda na teacher eh.

"Pero siyempre class, Miss Leraux will be observing from the back of your room habang nag tuturo ako. Mga around One week siguro yun then after that, siya na mag take-over." Sambit ni Miss Research tapos bigla akong naasar ng onti.

Ano ba yan, isang linggo pa?

"Okay na po Miss, upo ka na po dun sa likod tapos observe ka nalang. Magsisimula na ang klase." Utos pa ni Miss Research kay Miss Leraux pero umupo na rin sa likod si Miss Leraux, yun nag simula na ang klase.

First time ko atang naging sobrang active sa Research, palagi akong nag tataas ng kamay para mag recite pero hindi rin naman ako natatawag. Palagi kasing sa gitna ang tinatawag ni Miss Research, "Okay lang, fine." mahina akong nag sambit ng sarcasm. Napabugtong hininga nalang ako at biglang napatingin sa likod, nakita ko si Miss Leraux na deretso ang tingin kay Miss Research habang ako ay deretso rin ang tingin ko sa kanya.

Ang ganda talaga niya...

Tapos bigla siyang napatingin sakin, bigla akong kinabahan pero hindi ko ito pinahalata. Tumingin nalang ule ako sa harapan na parang walang nangyari, tinawag akong bigla nitong si Miss Research.

"Miss President," Tawag niya sakin samantalang halata ang pagtataka sa aking mukha, "Tayo ka nga."

'Ni Hindi mo nga alam pangalan ko...' Sabi ko sa loob-looban ko, tumayo nalang rin ako at tiningnan ko siya ng direkta sa mata. 'Ang panget naman, takte. Kung si Miss Leraux siguro nandiyan di ako magsasawang titigan mukha niya.' iniisip ko habang hinihintay kung anong sasabihin niya.

"Nakikinig ka ba sakin?" Tanong niya samantalang tumango naman ako, "Sigurado ka? Eh parang nakikipag usap ka lang dun sa mga tao sa likod ah?" sabi ko at bigla akong nag react, "Po, miss? Wala naman po akong ginagawa at wala rin po akong kinakausap." Sagot ko naman sa kanya, kahit yung mga kaklase ko nag tataka kung bakit sinisi pa tong mga kaklase ko sa likod.

"Sigurado ka?" Tanong ulet ng pataray sakin ni Miss Research habang tumango nanaman ako, "Sagutin mo to kung talagang nakikinig ka sakin..." Nag simula siyang magtanong ng mga tungkol sa lesson namin at nasagot ko naman ang unang limang tanong ng tama, kaso biglang may foul-play na ginawa tong bruha na to.

Sa mga sumunod na limang tanong ay hindi na related sa topic namin at tungkol na siya sa advanced Research, akala siguro niya ay hindi ako nagbabasa ng mga libro at wala akong alam tungkol dito. Hindi alam ng mga kaklase ko ang mga sagot sa tanong pero madali ko itong nasagot dahil don ay parang nainis ko ata si Miss Research, kala niya siguro mauutakan niya ko.

"Sit down." Sabi niya at nag-bow ako sa kanya, "Thank You, miss." nagpasalamat ako sa kanya at umupo, sabihin nalang natin na isa itong paraan para mas mainis ko pa siya. Tumingin ule ako sa likod ng hindi nahahalata at nakita kong nagpipigil ng ngiti si Miss Leraux, hindi man mahahalata ng iba pero nakikita ko ito.

Oo, nabastos ko nga naman talaga si Miss Research pero wala naman kasi akong ginagawang masama at bigla nalang akong pinagtatanong ng mga tanong na hindi related sa topic ngayong araw. Sino ba naman di maiinsulto nun?

Isang linggo nalang ang pag titiis ko sayo, isang linggo pa.

Tapos si Miss Leraux na papalit sayo, mas maganda take note.

Isang linggo pa...

 -------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello po sa kung may nagbabasa nga ba ng story na ito, LOLOLOLOL XD Up na po ang chapter Two~~ Si Ms. Leraux po yung nasa multimedia :) 

My Science Intern || GIRLXGIRL || STUDENTxTEACHER || DISCONTINUED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon