Chapter V: Unintentional Fan Girls

1.8K 33 0
                                    

Dumaan na ang isang linggo at eto na ang pinaka-hinihintay kong oras, si Miss Leraux na kasi ang mag-tetake over sa amin at hindi na si lintik na Miss Research. Imagine niyo kung gaano ako kasaya ngayon ^ _____ ^

Pero siyempre, English muna bago ang Research. Kung gaano kabilis ang English nung si Miss Research ang nagtuturo samin, ganito naman kabagal ngayon na si Miss Leraux na -_- hashtag medyo atat na po ako. Paano kaya siya magturo? Confirmed ko na mabait siya dahil sa nangyari sa canteen at to be honest hanggang ngayon di pa rin ako maka move on, nakakakilig kaya *^*

Pansin mo ang daming emoticon ni Author no? Kinikilig rin kasi siya, hahahaha parang baliw lang.

ANO BA YAN MISS ENGLISH, ANGTAGAL PO. Tumingin ako sa relo ko tapos tila ba gumuho ang puso ko, 30 minutes pa bago mag time. Binalik ko ang atensyon ko kay Miss English at nakinig na ako sa lecture niya.

"Okay, goodbye class." eto ang pinaka-hinihintay kong sabihin ni Miss English, tapos na ang pagdurusa ko ng 30 minutes.

Biglang pumasok si Miss Research at bigla akong lumingon para tingnan si Miss Leraux.

Asan siya?

Wala akong nakitang Miss Leraux sa paligid, ni hibla nga ata ng buhok niya wala eh. Gusto kong tanungin si Miss Research kung nasan na si Miss Leraux at bakit siya ang nasa harapan namin.

Pina-upo muna kami at tintigan ko siya na para bang ang laki ng kasalanan niya, buti nalang at hindi niya ako tintingnan at hindi niya alam ang pinag-gagawa ko.

"Class, as you can see, Ma'am Leraux is not around yet so I'll be the one to teach you for the mean time. She and the other interns have to do some more observations in order for them to understand how things go here in a science highschool." Buti naman at pinaliwanag niya kaysa naman bigla akong magsisigaw dito at magwala.

Kung kanina, puso ko lang ang gumuho ngayon naman parang mundo ko na. Naghintay ako ng isang linggo tapos eto, ang saya ko naman ata nito. Eh di ibig sabihin hindi pa magtuturo samin si Miss Leraux at yung ibang interns.

Eh bakit nga ba atat ka, ha Lotus?

Wala na akong nagawa kundi nakinig nalang sa pagbubunganga ni Miss Research at magmukmok dahil hindi si Miss Leraux ang magtuturo samin, parang bigla akong na-bv. Umasa siguro talaga ako na siya ang magtuturo samin, note to self wag na umasa next time.

Natapos na rin ang Research namin at biglang down talaga ang mood ko, lunch pa naman ang sunod pero wala talaga akong gana. Yumuko nalang ako at nilapat yung mga braso ko sa table ko, tapos sumunod na ang ulo ko para maging nasa sleeping position ako.

"Huy, Lotus." may tumawag sakin at kinalabit ang balikat ko, ba't parang kilala ko yung boses na yun?

Nilingon ko ang ulo ko pakanan upang makita kung sino yung kumalabit sakin at tama nga ako, si Jasmine lang naman yung nandun.

"Bruha, bawal ka dito di ba? Star section ka eh." niloko ko siya at hinampas tuloy ako ng malakas sa balikat, napaupo tuloy ako ng tuwid sa ginawa niya. 

"Bakit parang down na down ka diyan?" tanong niya habang hinimas ko yung parte ng balikat ko na hinampas niya, namumula tuloy.

"Lintik naman Jas, ang sakit nun ah." sinabi ko sa kanya habang bigla akong nag pout, ngumiti lang sa akin si Jasmine at pinat ang ulo ko.

"Eh ganon talaga, ba't ka naiwas sa tanong ko?" nagtanong nanaman siya habang inalis ko yung kamay niya sa ulo ko, haler nasisira kaya ang ayos ko ng buhok.

"Bakit ko naman kasi kailangan sagutin yan?" binalikan ko siya ng tanong habang inaayos ko ang buhok ko, mamaya maya eh ginulo pa lalo nitong bruhang Jasmine na to ang buhok ko.

My Science Intern || GIRLXGIRL || STUDENTxTEACHER || DISCONTINUED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon