Chapter IX: Closest Encounter

2.2K 56 20
                                    

Natapos rin akong applyan ni Miss Leraux ng first aid treatment at tiningnan nanaman ako ng isang nakakamatay ng titig, shet Miss wag kang ganyan natutunaw na ako.

"Lyn, tulungan mo naman akong dalhin tong bata." narinig kong sabi ni Miss Leraux, mukhang may kausap siyang Lyn.

"Oh sige, halika na." narinig ko mula sa tabi ko at tumayo na yung nag-salita, ngayon ko lang napansin na si Miss Spencer pala yung tinutukoy ni Miss Leraux.

Naintriga ako bigla, bakit Lyn? Siguro kasi pangalan niya yun, saglit.. Ano nga pala pangalan nung Miss Spencer? Kathleen? Haileen? Pauleen? Lynda?

Naramdaman kong tinayo nalang nila akong dalawa, hindi ako nagpa-akbay kasi pawis na pawis kaya ako hello. Hinayaan ko silang hawakan nalang yung mga braso ko habang tinayo nila ako. 

Unang hakbang palang parang ayoko nang tumuloy, sobrang sakit kasi parang mas madudurog yung mga buto ko pag pinagpatuloy ko pang maglakad.

"Kaya pa ba?" nag-aalala namang tanong sakin ni Miss Leraux, tahimik lang akong tumango at hinakbang ang pangalawang hakbang ko.

Ganon lang kami hanggang nakarating kaming Clinic, buti nalang at ginawang malapit tong Clinic mula sa court.

Pumasok na kami ngunit nakita naming wala pang nurse na nandoon, tumingin naman agad ako sa relo ko at nakitang lunch break pala ng clinic staffs.

Lumakad na ako sa malapit na upuan mula samin, yung dalawang intern naman todo-todo alalay sakin grabe nahihiya na ako.

"Ako nalang po dito." sabi ko naman bigla upang mabasag na ang katahimikan ng Clinic na bumabalot sa amin.

"Hindi na, hintayin na natin yung nurse. Mamaya kung mapano ka pa diyan." sabi naman ni MIss Leraux, ohmygod kinikikilig na talaga ako pero hindi ako nagpapahalata.

"Ven, una na ko ha. May klase pa kasi akong ioobserve eh." narinig kong sabi ni Miss Spencer, tumango naman si Miss Leraux at nag-paalam na samin si Miss Spencer.

At siyempre, alam kong Ven yung tawag ni Miss Spencer kay Miss Leraux dahil Venice Leraux ang pangalan ni Miss. Oh ha?

Biglang tumahimik nanaman ang Clinic, nagiging awkward na siguro para sa aming dalawa. Umusog ako para mabigyan ko siya ng space umupo.

"Miss." tinawag ko siya at tinapik yung libreng espasyo sa tabi ko, nakuha niya naman ang ibig kong sabihin at umupo sa tabi ko.

Yung puso ko nanaman jusko....

Natahimik nanaman ako at bigla ko nalang siyang narinig magsalita, "Alam mo, nakakatuwa kang bata ka." sabi niya bigla sa akin, na siyempre kinagulat ko pero siyempre sa isang banda...

Ano ba yan, kinikilig nanaman ako.

"Po? Bakit naman po?" tanong ko naman, sinigurado ko namang hindi ako ganon ka magmukhang interesado para di ako magmukhang kahinahinala.

Tiningnan ko siya, ito lang ata yung tanging oras na nakalapit ko siya nang todo todo at ngayon kausap ko pa siya habang kaming dalawa lang sa kwarto. Grabe, kinakabahan rin naman ako at the same time kinikilig.

"Kasi kahit na kababae mong tao nakikipagsabayan ka sa mga lalaki kanina sa laro niyo, alam mo bang napagkamalan pa nga namin ikaw na lalaki kung hindi lang dahil sa mga fans mo na hinihiyaw ang pangalan mo." sabi niya at bigla akong namula, ano ba yan grabe.

"Pero siyempre, salamat rin sa kanila kasi alam ko na pangalan mo. Lotus panigurado ang first name mo tas Kim naman ang last name mo, yan nakalagay sa jersey mo eh." dagdag pa ni Miss.

Ngayon ko lang nalaman na napaka-observant niya pala, kahit pangalan ko alam niya na agad kahit na hindi pa niya ako tinatanong. Pero, merong isang bagay ako na pinaka kinilig.

My Science Intern || GIRLXGIRL || STUDENTxTEACHER || DISCONTINUED ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon