Simula kahapon ay naging looking forward tuloy ako sa pagpasok ng school, siguro dahil na rin kay Miss Leraux. Sa tuwing pumapasok si Miss Research ay kahit isang segundo ang aking atensyon ay hindi napupunta sa kanya kundi sa intern na nasa likurang bahagi ng classroom, bigla akong naging pala-recite sa mga bagay bagay na tinatanong ni Miss Research kahit na madalas ay hindi ako pinapansin ni Miss Research.
Naiinis rin ako kaya binaba ko na ang kamay ko, grabe medyo nakakabwiset kasi porket nasa harapan ako ay hindi niya na ako tinatawag dahil hindi niya ako makita. Sa tuwing nakataas ng todo-todo ang aking kamay ay saka niya naman ako hindi tatawagin, wala na akong ibang nagawa kundi mag bitaw ng isang bugtong-hininga at isiping nasayang nanaman ang isa pang pagkakataon na ako'y magrecite.
"Kung pwede lang sanang may mata rin sa likod ng ulo ng mga teachers para ng sa ganon ay makita rin kung sino-sino ang nagtataas mula sa likod nila." Sinabi ko sa sarili ko at sinigurado rin na ito'y mahina lamang, ayoko namang maguidance pa ko dahil dito.
Sa tuwing may pagkakataon ako ay tinitingnan ko si Miss Leraux mula sa likod, nababawasan kasi ang inis ko tuwing nakikita ko siya at bigla ko nalang nilalabanan yung urge na ngumiti. Ano ba naman yan, Miss Leraux... Ano ba ang meron ka at bigla nalang nawawala ang inis ko sa mundo tuwing ikaw ang nasisilayan ko?
KInalaunan ay natapos rin ang Research nang ganon ganon nalang at lunch time na, kung kailan ko naman naeenjoy yung topic ay saka naman nagiging mabilis ang lahat kahit nga ang dating mabagal na Research Time na atat akong matapos na agad ito ay nagiging sobrang bilis na. Bakit kaya kapag nag eenjoy ka sa isang bagay biglang bumibilis ang oras?
Hashtag. Medyo Unfair.
Sumugod na kami sa cafeteria ng mga kasabay ko kumain ng bigla akong natigil sa aking mga hakbang, Andun si Miss Leraux, kumakain kasama ng ibang mga intern. Tahimik lang silang lahat habang nakain at parang unti unti na silang napapagod, walang ni isang kaluluwa ang nagtangka man lang basagin ang napaka-payapang katahimikan na ito.
Kinalabit ako ng isa sa mga kasamahan ko kumain, "Huy, anong nangyari sayo?" tanong niya sa akin.
"Hahaha, wala naman." mabilis ko namang tugon at nagbigay ng isang maliit na ngiti, tumango lang siya at mahinang tumawa.
Nag-simula na kaming mag order ng kung ano ang kakainin namin at naghanap na ng pwesto kung saan kami pwedeng kumain, sinswerte nga naman ako nandahil ang table na napuntahan ko ay ang pinakamalapit na table sa mga intern.
Nagtago ako ng isang ngiti sa likod ng aking mga labi at normal na kumain, sa tuwing may pagkakataon ay tumitingin ako sa direksyon ni Miss Leraux at bigla nalang akong mahinang tatawa. Ang ganda niya talaga kahit mula pa sa kahit anong angulo ay maganda talaga siya, kung meron rin sanang ibang mga lesbian na kasing ganda niya eh di matagal na akong nagka-girlfriend at hanggang ngayon ay magiging going strong ang relationship namin.
Kaso hindi naman prominent ang lesbi na babae parin manamit, madalas kasi ay mga butch na at nag convert na. Kaya eto ay single parin ako, medyo nagmamadali? Hindi naman, Second year palang ako okay. Medyo nag dadrama na ata ako dito.
Balik tayo sa topic, hindi ko maiwasan ang biglang kabahan. Anong meron? Bakit? Bakit ako nag-kakaganito? Dahil ba ito sa kanya? Dahil ba to kay Miss Leraux? Maryosep, di ko pa nga alam ang ugali ni Miss eh nagkakaganito na ako. Control, Lotus... control.
Meron biglaang nagtakip nang aking mga mata kaya napapikit ako, hinawakan ko agad yung wrist ng taong nagtakip ng mata ko.
"Hulaan mo." sabi pa niya ng pabulong.
"Lintik ka Fey, alam kong ikaw yan." binulong ko rin ang sagot ko at biglang nagliwanag ang aking paligid, tumingin ako sa likod ko at nakumpirmang si Fey nga. Ayun, nakapout siya habang binibigyan ako ng death glare. Napatawa nalang ako ng mahina.
"Paano mo naman nalaman?" tanong niya at umupo sa bakanteng upuan katabi ko.
"Sus, ikaw pa no." sagot ko at napatawa siya, kaya bestfriend ko tong mokong na to eh. "Kumain ka na ba?" tinanong ko siya.
"Hindi pa nga eh." sabi niya naman, siniko ko siya ng mahina at tiningnan. "Kumain ka na kaya." pinagsabihan ko pa siya no.
"Eh, nakakatamad." sabi niya at tinginan ko siya na tila ba alam kong may tinatago siya sakin.
Bigla siyang nagbugtong hininga, "Okay fine, naiwan ko kasi yung wallet ko sa bahay. Saktong pamasahe lang ang nadala ko." sabi niya naman sakin at bigla akong napangiti, mamaya maya eh nabatukan pa ako.
"Walang hiya ka, alam mo na ngang magugutom ako dito tapos ikaw nangiti-ngiti ka pa." sabay nag pout, kawawa naman tong si Fey.
"Ano bang gusto mong kainin?" bigla akong nagtanong at naging seryoso ang mukha ko.
"At bakit ko naman sasabihin? Para gutumin mo ko?" sabi niya naman sakin at tumayo na ako, "Bantayan mo pagkain ko." sabi ko sa kanya, nag mukha tuloy weirdo itong si Fey.
Pagkakita ko sa menu, sineserve pala ng canteen yung favorite Filipino dish ni Fey na Tinolang Manok. Bumili ako ng isang serving nito at kumuha ng kutsara't tinidor, nilagay ko ito sa plato at hirap na hirap akong nagiisip kung paano ko ito bubuhatin. Naubusan na kasi ng tray tapos parang minamadali na ako nitong Aleng Mataray.
Ang nasa right hand ko, yung sukli. Ang left hand naman, yung kanin. Eh may bowl pa para dun sa ulam, HALA.
BIglang may lumapit sakin, isang babaeng mas maliit sakin ng bahagya at morena. "Iha, gusto mo tulungan kita?" bigla siyang nag-salita, ang ganda ng boses niya at parang napakalma ako bigla. Saglit, si...
"Ay, miss. Umm, pwede po ba?" sabi ko naman, sh^t si Miss Leraux pala. OHMYGODKINIKILIGAKO. Ehem.
Siya ang naghawak sa bowl na may sabaw tapos ako naman dun sa kanin at sa pera, bigla akong natahimik at gusto ko na ring bumagal ang oras. Eto ako, kasamang naglalakad si Miss Leraux na hinahayaan kong mauna kaysa sakin. Pagkakita ako, nakatingin samin si Fey at nilagay na ni Miss Leraux yung bowl dun sa table namin. Sumunod naman ako dala yung plato ng kanin at nilagay ko na sa wallet ko yung sukli ko.
"Salamat po." nagpasalamat agad ako sa kanya at nag bow ng eksaktong 90 degrees. Pagkatayo ko ng deretso tumango naman siya at nagbigay ng isang mala-anghel na ngiti, okay puso... pwedeng kalma muna?
Umupo na ko sa tabi ni Fey at kinuha nanaman ang kutsara't tinidor para magsimula nang kumain.
"Uy." tinawag ako ni Fey at lumingon naman ako.
"Salamat ha." sabi niya sakin at bigla akong tumawa ng mahina, mamaya maya sa pagkain na ulit ako nakatingin.
"Utang yan." tugon ko naman at nakaramdam naman ako ng isang mahinang hampas sa balikat ko.
"Ang bait naman ng intern no?" bigla niyang sinabi, bumibilis nanaman puso ko ng maalala kong malapit lang pala yung table nila samin. Specifically, malapit lang si Miss Leraux sakin.
"O nga eh." tipid ko namang sagot habang nagsubo ako ng pagkain ko sa bibig ko, ayoko namang mahalata na kinikilig ako no.
"Para siyang anghel." sabi nanaman ni Fey at bigla akong napangiti sa kaloob-looban ko.
"Oo....."
"...para nga siyang anghel."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si Fey Montenegro po ang nasa media ^ - ^ Nag-insert ako ng LotusxLeraux na moment :"> Hahaha, la lang trip ko eh. Nakakaawa naman si Lotus kung wala man lang siyang moment kasama si crush niya x) Salamat po sa mga nagtiyagang magbasa at nagvote! Grabe, ang saya ko lang :"> Salamat po ule~~
BINABASA MO ANG
My Science Intern || GIRLXGIRL || STUDENTxTEACHER || DISCONTINUED ||
Teen FictionIsang masaya at kontentong buhay na ang kinapapalooban ni Lotus, isang simpleng Half-Chinese Half Filipino na babae na may pusong lalake. Ngunit sa tuwing may mga araw na inakala niyang nagiging maganda ang takbo ng kanyang buhay, biglang may mga du...