3days to go..
May isang package na naman na dumating. Isang medium size na teddy bear na may hawak na heart locket at my note pa “Open my heart!” Sa loob ng heart may note na naman.
ALEXANDRA BEA MONTENEGRO
My heart only beats for you!
Red<3
"Wow! Ang sweet!" sabi ni Toni.
"Toni, tingnan mo, basahin mo! Ano ibig sabihin niyan?" binigay ko sa kanya ang maliit na letter habang hug na hug ang teddy bear.
"May gusto si sir sayo! Inlove na siya sayo! Ang dali lang, hindi mo alam?"
"Talaga?"
"Bakit ayaw mo?"
"WAAAAAAA!! MAY GUSTO SIYA SA AKIN! MAY GUSTO SIYA SA AKIN!" sigaw ko.
"Hoy! Ano kaba! Tumahimik ka nga!"tinakpan niya baba ko.
"Sis..."
"I'm so happy for you! Dapat magpakasal ka na!"
"Pakasal agad? diba pwedeng maging boyfriend ko muna siya?" pilosopo kung sabi.
"Oo nga noh. Pero sis, mahal mo na ba siya?"
"Mahal na mahal!" nabigla ako sa nasabi ko.
Mahal ko naba talaga siya? Kailan pa?
BINABASA MO ANG
She's my NBSB
Teen FictionSi Alexandra Bea Montenegro ay 29years old, isang CERTIFIED NBSB. Never been kiss, never been touch. Gusto na niya talagang magkaboyfriend kasi malapit na siyang mawala sa kalendaryo. Kaya papasok siya sa blind dating, pero sa kasamaang palad di siy...