“Bakit dito sa office? Sa iba na lang tayo magdate.” Sabi ko sa kanya nung pagdating namin sa office.
“Dito na lang. I have to show you something.” Sabi niya sabay hila papunta sa conference room. Umupo kami dun sa pinakasentro at may piniplay na siyang isang documentary.
“What’s this?” lumingon ako sa kanya.
“This are the things that I want to say to you for the last 5 years.” Sabi niya. Nalito ako sa sinabi niya pero pinanood ko na rin.
Nakita ko sa video si Red nageexplain ng mga nararamdaman niya sa akin kung kailan nagsimula. Ang rason kung bakit siya nagtrabaho sa kompaniya nila. Kung bakit siya nagbago. Kung bakit ngayon lang siya nangligaw sa akin.
(Flashback)
5years ago...
“Dad, i don’t want to be part of your company!”
“But son, we only have you and were getting old you know. I can’t handle this anymore and I know you can do more, you can maintain this company.”
“AYOKO, AYOKO, AYOKO!!” sigaw ko at umalis na ng office niya.
Galit ako sa kanya kasi pinipilit niya talaga, ang gusto ko lang naman ay ang magluto at magkaroon ng restuarant pero di nila ako sinuportahan gaya ng sa course sa college ko. Kahit na Culinary Arts ang kukunin ang pinakuha nila ay Business Management, kaya naging babaero ako nun para magrebelde sa magulang ko pero hindi naman umabot na dinadala ko na ang babae sa condo ko. Ayaw kong makabuntis no.
Habang naglalakad ako papuntang elevator ay napadaan ako sa isang silid na nagiinterview ng mga empleyado sa di ko malamang dahilan naging interesado ako sa tinig na babae na sumasagot ng mga tanong ng interviewee. Kaya nagtago ako sa door na nakabukas at nakita ko kung gaano kaganda ang nagmamay-ari ng boses na yun. Habang nakatitig sa kanya ay tumitibok din ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan ang puso ko, hinawakan ko lang ito at huminga ng malalim. Napaisip ako baka ito na siguro ang tinatawag na LOVE AT FIRST SIGHT. Ngayon ko lang ito naramdadaman sa tanang buhay ko.
Pagkatapos ng interview ay pumasok ako sa silid at tinanong ang interviewee tungkol sa babae.
“Ahmm. Excuse me, pumasa ba yung babae?”
“S-Sir Red? Yes sir! nakapasa po siya magaling po kasi siya magdesign, ayaw niyo po ba sa kanya?” sabi nung interviewee.
“N-No, that’s not what I-I meant. I-I.. like her too.” Napasmile kung sabi at nauutal pa.
Pagkatapos ko siyang tanungin ay tumalikod na ako, baka ano isipin nito. Nakadalawang hakbang nako ng may nakalimutan pala akong tanungin.
“Wait! W-What’s her name?”
“ahmmm.. Alexandra Bea Montenegro” Ang ganda pala ng pangalan niya, bagay na bagay sa kanya.
“Oh I see. Thank you! And by the way you did a very good job. Keep it up!” pinuri ko nalang para di na magtaka kung bakit ko tinatanong.
Lumabas na ako ng silid at nakapagdesisyon na ko kung ano ang gusto kung gawin. Bumalik ako ng office ni Dad para sabihin sa kanya.
“Dad! I want to work here!”
“I thought you dont want to.“ gulat na sabi niya
“I change my mind.” Mahinang sagot ko at napayuko.
Simula kasi nung nagtrabaho ako dito sa kompaniya ang una kong inasikaso ay si Alexandra, dahil sa babaeng ito kaya ako nagtratrabaho ngayon dito. Pinainvestigate ko lahat ng tungkol sa kanya ang mga hilig at ayaw, sa pamilya, mga prinsipyo niya sa buhay pati na rin lovelife niya. Alam ko rin na hindi pa siya nagkakaboyfriend kahit kailan kasi importante sa kanya ang pag-aaral at trabaho. Isa sa mga pangako niya ay hinding-hindi siya papasok sa isang relasyon kapag hindi pa siya successful. Kaya naghintay ako ng 5 years para matupad lang yun. Sa 5 years na yun ay naging determine siya sa lahat ng ginagawa niya nakikita ko yun dahil araw-araw akong dumadaan sa opisina niya at paminsan-minsan ay kinakausap ko ang Head Designer dati, kung saan siya ang assistant para siya’y tulungan. At ako naman naging busy din sa kompaniya para di ko mamalayan ang oras at taon. Kaya ang saya-saya ko ng napromote na siya bilang Head Designer dahil ngayon wala nang hahadlang para maipadama ko sa kanya kung gaano ko siya ka mahal.
(End Flashback)
BINABASA MO ANG
She's my NBSB
Teen FictionSi Alexandra Bea Montenegro ay 29years old, isang CERTIFIED NBSB. Never been kiss, never been touch. Gusto na niya talagang magkaboyfriend kasi malapit na siyang mawala sa kalendaryo. Kaya papasok siya sa blind dating, pero sa kasamaang palad di siy...