2days to go..
Pangatlong package for this week.
"Sis, February na ba ngayon? Last time I check September pa ngayon."
"Ang sweet niya talaga.." di ko na napansin ang mga sinasabi nito. Lutang na lutang ako gaya ng package na to.
Isang red heart shape balloon na may ribbon at may nakasabit na note.
"Pop the balloon?" nagulahan na sabi ko.
"Putukin mo raw! Kaloka ka! Nainlove ka lang hindi mo na naiintindihan ang english? Shonga lang?"
"Naiintindihan ko! Nalilito lang ako. Bakit ko naman kasi puputukin to? Ang cute kaya. Sayang naman.."
"Sayang nga pero pano kung may note diyan na 'I Love you' hindi ka ba nasasayangang mabasa ang mga salitang yun?"
"Talaga? Dali-dali akin na ballpen mo!" abot ko kamay ko sa kanya.
"Nagmamadali? Kanina lang 'Bakit ko puputukin to? Ang cute kaya. Sayang naman...'" ginaya pa nito ang boses ko.
Ang pinakasupportive na bestfriend!
"Oo na. Mali na ako. Akin na ballpen mo!"
"Ito na madam" inabot niya na sa akin ang ballpen at bilis kung pinutok ang balloon.
Pagputok ko ng balloon may mga confetti na lumabas at may isang maliit na letter ang bumagsak sa sahig...
"WAAAAAAHHHHHH!! MAY LETTER!" sabay naming sigaw ni Toni.
Kinuha ko na agad at binasa..
Sa sobrang miss ko sayo parang sasabog na puso ko. I MISS YOU! :D
Red<3
"WAAAAAHHHHH!! I MISS YOU!!" sigaw namin ulit ni Toni.
"I MISS YOU TOO, RED!" hindi ko na napigilan ang sarili ko nasabi ko na lang ang mga salitang yun. At hinalikan ang maliit na letter na yun.
I miss you too. Sana bumalik ka na.
BINABASA MO ANG
She's my NBSB
Teen FictionSi Alexandra Bea Montenegro ay 29years old, isang CERTIFIED NBSB. Never been kiss, never been touch. Gusto na niya talagang magkaboyfriend kasi malapit na siyang mawala sa kalendaryo. Kaya papasok siya sa blind dating, pero sa kasamaang palad di siy...