Mabuti nalang, bago niya kami mahuling tinitignan namin sila ng ina niya ay nakapagtago na kami ni tito. Mabilis kaming nakapag tago sa likod ng dalawang puno. Naaawa ako, hindi ko alam. Parang gusto kong malaman niya ang totoo, pero mahirap pag nagkataon kaya siguro nasabi nalang ni tito na bantayan ko sila, lalong lalo na sa anak niyang babae. Teka nga pala, naalala ko na din kung saan ko nakita ang sinasabi ni tito na anak niya. Bale, dalawang beses na yata kami nagkita. Pero sa pagkakatanda ko ay ‘yung araw na kung saan ay naroon ako malapit sa ilog kung saan ay pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw na kung saan ay inaabangan ko din ang pagsapit ng dilim.
Natatandaan ko pa nu’n nang tanungin niya ang pangalan ko at ang tagal ko pa siya bago sinagot. Napagtanto ko lang kasi na sa mukha niya noong araw na ‘yun ay nakita ko ang mukha ni Cass. Bigla nalang akong nanghina ng sabihin ko ang pangalan niya. Malaki ang pagkakamali na ginawa ko sa kanya, pero ayos nalang muna siguro ang ganito kahit papaano. Masakit, oo. Si Nathan, kanina nang makita niya ang nangyaring 'yun. Galit... 'yan agad ang naramdaman ko sa kanya. Nakita ko din sa kanya ang pagpipigil ng mga kamao niya nang hinalikan ako ni Cass. Nanlilisik ang mga mata niya na parang gusto niya akong tunawin. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hinayan kong ginawa 'yun ni Cass. Pero, bakit ganun? bigla ko nalang itong naramdaman, nagsisisi nga ba talaga ako? Sa halik?
“Dylan” naalala ko palang sagutin ang tanong niya kung anong pangalan ko nung araw na ‘yun, sayang hindi ko nalaman ang pangalan niya. Sumilip ako sa pamilya ni tito, paalis na sila, “Ma, tara na” pagtatahan niya pa sa ina, na patuloy sa pagpupunas ng mga luha.
“Sandali nalang, Sam.” Sam? ‘yun pala ang pangalan niya. Teka nga pala papaano ko gagawin ang pinapagawa ni tito? Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula. Kailan? Hindi ko alam kung makakatagal ako sa sitwasyon pag nangyari ‘yun, ang pagbabantay ko sa kanya. Syempre ay sa tao din siya at ang dugo niya na kung saan ang pangangailangan namin ay meron siya. Hindi bale, di naman ako katulad ng mga ibang bampira, parati ay ang habol lang naman sa mga tao ay ang dugo nila. May mga pagkakataon lang na ginagawa ko ‘yun pag problemado ako, pag naiinis ako at pag gugustuhin ko man ‘yun lang pero ang mambiktima parati ay hindi.
Tungkol nga pala sa propesiya na binabanggit, hindi ko alam kung sapat ‘yung nalalaman ko. Nu’n kasi ay may naririnig na din ako tungkol dun. Masyado kasing sagrado pag nalaman kung sino mang bampira ang nagnanais malaman ang tunay tungkol dun. May kapalit itong kamatayan pag sino man ang nangahas na pumasok sa sagradong silid na ‘yun. Nung mga bata pa kami ay nakita ko na ‘yun pero hindi ko pa napapasok. Masyado din kasing mahigpit ang pagbabantay nila du’n. Minsan pumapasok din sa isipan ko ang bagay na ‘yun. Paano nga pala pag ginawa ko ‘yun? Teka nga. Bigla akong napahawak sa ulo ko para akong may nakita noong bata pa ako na…ugh. Hinilot ko ang noo ko, tama nga natatandaan ko na, may nakita nga ako nu’n na nakapasok dun sa silid na ‘yun pero hindi ko matandaan ang itsura nito. Nakasuot kasi ito ng itim na kasuotan tapos may ‘hood’ pa ito sa ulo kaya naman di ko talaga nakita ang itsura niya. Sa pagkakatanda ko pa nu’n ay muntik na niya akong mahuli nung aksidente kasi akong napadaan dun.
“Dylan” narinig kong tawag ni tito, napatingin ako sa kanya. ‘yung ekspresyon ng mukha niya. Parang may mali? Teka, ano ‘yun? Parang may nararamdaman akong kakaiba. Baka ito ang nais na tanungin sa akin ni tito, kung may nararamdaman din akong kakaiba. Parang may nagbabadya. Napatingin ako sa langit, nag-iiba ang kilos ng mga ulap, bumibilis ito. Bigla nalang umihip ang hangin, iba sa pakiramdam hindi tulad sa dati. May kaluskos akong naririnig, napaayos ang atensyon namin ni tito. Parang may iba pang naririto bukod sa amin ni tito at ng pamilya niya.
“Tara na” ang sabi ng ina ni Sam, sabay punas ng luha nito “mukhang uulan na yata.”
Aalis na sila. May panganib akong nararamdaman para sa kanila. Naglalakad na sila, at palayo na sa puntod ni tito na akala nila ay patay na.
BINABASA MO ANG
The Other Side 【Slow Update】
Vampire【ON-GOING--Tagalog Story】 【Genre: Vampire Romance//Mystery//Action】 Sino nga ba ako? E, ako lang naman si Sam, isang normal na tao. At ano ang dahilan nila, bakit nila ako nais na kunin? 【cover by @Ysannecross】