TOS 01

216 10 8
                                    

Samantha Point of View

Madilim at walang kuryente. Napakalakas ng ulan na tila ba ay merong isang bagyo. Ang mga kaluskos ng mga dahon sa labas, ang lakas ng hangin na nagbibigay ng ingay sa kisame. Ang kidlat na para bang galit na galit at ayaw ito mag paawat para bang nais niyang meron siyang tamaan sa bagsik niya.

Ang kulog na siyang sumusunod sa kidlat na nakakatakot ang kanyang boses. Punong puno ako ngayon ng kaba sa aking dibdib. Sa tuwing maririnig ko ito hindi ko mapigilan ang biglaang pagtakip sa aking tenga, dahilan na ayaw ko itong mapakinggan. Bumuhos pa lalo ang napakalakas na ulan. Natatakot akong mag-isa, gusto ko ng makakasama, ngunit sino?

May narinig akong mga yabag ng paa di kalayuan sa akin. Naririnig ko ito palakas ng palakas na para bang papunta ito sa akin. Isinandal ko ang aking likuran sa aking kama at kinuha ko ang unan ko para takpan ang ulo ko, sa aking posisyon ako ay nakaupo.

Ayaw kong makita kung sino man ang taong papalapit sa akin. Tumigil ang yabag, at muli’t muli ay kumidlat nanaman at nagbigay ito ng malakas na tunog na para bang may natamaan itong isang puno. May narinig akong nagsalita mula sa aking harapan. Ang sabi ay,

“Gusto mo ba ng makakasama?”

Teka, papaano niya nalaman ang mga yun? Oo, gusto ko ng makakasama sa ganitong oras dahil sa ako’y natatakot pero, sa tono ng boses niya… sa kanya ako natatakot. Napansin kong para bang may isang ilaw, ngunit hindi ko alam kung saan nanggaling yun, kaya naman unti-unti kong inilalabas ang ulo kong nakatago para tignan kung saan ang ilaw na nanggagaling.

Nang tuluyan ko ng maiangat ang aking ulong nakatago sa unan na aking yakap yakap ay nasilayan ko ang isang lalaki. Oo, isang lalaki sapagkat sa tono ng boses niya alam kong isa siyang lalaki. Kamay lang ang tangi aking kong nakikita dahil sa ito lang ang naiilawan ng kandila. Dahil na nga sa madilim at tanging ilaw lang ng kandila ang naririto sa aking kwarto. Mali, may kasama pala ako.

Isang lalaking nakasuot ng isang itim na kapa. Kumidlat uli at nagbigay ito ng munting ilaw para mamasdan ko ang taong nasa harapan ko. Natakot ako sa aking naging reaksyon ko, ngunit ang mas ikinatakot ko ay ang lalaking nasa harapan ko, nakayuko siya pero napansin ko ang mga ngiti niya. Ngiti niyang nagbibigay ng pagbilis ng pagpintig ng puso ko. Natatakot ako sa maari niyang gawin. Dun ko lamang napansin na sa mga ngiti niyang iyon ay meron siyang…PANGIL?

Humangin ng malakas na siyang nagdulot ng biglaang pagbukas ng bintana sa aking kwarto. Namatay na din ang ilaw na nanggagaling sa kandilang hawak niya. Dahil dun, mas dumoble pa lalo ang kaba ko sa dibdib, mas bumilis ang pagpintig ng puso ko. Alam kong anumang segundo ay lalapitan niya ako.

Kumidlat muli at nasilayan ko uli siya. Ngunit teka, hindi na siya nakayuko kundi ang ulo niya ay tuluyan ng naka angat. Nakikipagtitigan siya sa akin. Gusto kong takpan ang mukha ko pero hindi ako makakilos sa pwesto ko, para bang ako’y naging istatwa at iisa lamang ang direksyon ko at sa kanya lamang iyon. Ang mata niya sobrang nakakatakot.

Teka, ang mata niya. Hindi ko alam kung ito ba ay isa lamang artipisyal na lense ng mata pero kung titignan mo talaga ng mabuti tulad ngayon para bang totoo talaga. Kulay pula ang kanyang mga mata, nakakatakot. Gusto kong takpan ng unan na hawak ko ang aking ulo ang aking mukha para hindi ko ito makita pero hindi ko ito magawa.

Narinig ko muli ang mga yabag niya na para bang papunta na nga sa akin. Naramdaman kong ito ay tumigil at naramdaman ko na ding may pumatong na sa kama ko. Unti-unti siyang lumalapit sa akin.

Kumidlat muli at muli ay sa pagkakataong ito ay ang mga mukha naming dalawa ay malapit na sa isa’t isa at dun ko na din nakita ang kulay pula niyang mata, napakaganda ito sa malapitan. Narinig ko muli ang kanyang boses, ang sabi ay,

“Kailangan ko ay ikaw”

Sa mga salitang iyon tila ba siya ay nagmamakaawa. Pero hindi ko maintindihan, bakit?

Bakit kailangan niya ako? Sa mga salita niyang iyn ay para ba ako ay na hipnotismo sa mga salitang yun. Hindi ko maikilos ang buo kong katawan, ang kamay ko maging ang mga paa ko, lahat ay nasa ilalim ng kanyang hipnotismo. Ang ulo niya, unti unting lumalapit sa aking leeg.

Ramdam ko ang init ng kanyang paghinga kahit ang bintana ko ay nakabukas at pumapasok ang lamig ng hangin.. Hanggang sa…naramdaman ko ang kanyang matutulis na ngipin na siyang unti unting bumabaon gusto kong sumigaw at sabihing…

Panaginip? Panaginip lang ang lahat, mabuti kung ganun.

Ang mga pawis ko, napakalamig. Dulot na rin siguro ng aking panaginip. Habol na habol pa rin ako sa aking paghinga na para bang ako ay nakipag karera. Ngunit, kabadong kabado pa rin ako. Napahawak ako sa aking dibdib, unti unti ay kumakalma na. Binuksan ko ang lampara sa aking mesa malapit sa aking kama para tignan kung anong oras na, at nakita ko ang oras gabi pa pala.

Alam kong sa mga ganitong nanunuod pa rin si mama ng paborito niyang teleserye. Lumabas ako ng aking kwarto. Narinig siguro ni mama ang pagsara ko ng pinto kaya naman ang atensyon niya ay napunta sa akin, nginitian ko nalang n\bilang ganti at muli ay ibinalik na niya ang atensyon niya sa panunuod. Nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng aking gatas mahihiraan kasi akong matulog muli pag hindi makakainom ako nito.

Habang ako ay abala sa pagtitimpla ng aking gatas, hindi ko nanaman mapigilan ang mapaisip tungkol sa aking panaginip.

“Gusto mo ba ng makakasama?”

Sino ang lalaking iyon?

“Kailangan ko ay ikaw”

At bakit niya ako kailangan? Ano ang kanyang dahilan? At yan ang tanong na bumabagabag ngayon sa aking isipan.

Nang matapos ko ng matimpla ang aking gatas, ininom ko na ito at tuluyan ng bumalik sa kwarto. Binuksan ko muna ang ilaw sa aking mesa dahil sa hindi pa ako dinadalaw ng antok. Kinuha muna ang aking libro na siyang nakapatong sa mesa ko. Mahilig akong magbasa ng mga nobela lalo na sa mga kathang isip marami na nga akong mga koleksyon nito.

Habang nagbabasa ako bumuhos naman ang ulan sa labas. Napapikit ako dahil sa imbes na kalimutan ko na ang bagay na iyon ay naalala ko nanaman siya. Hinawakan ko ang aking leeg kung saan naramdaan ko ang unting pagbaon ng kanyang pangil. Hay, ano ba itong naiisip ko? Tinatakot ko lamang ang aking sarili. Nagiging malawak na kasi ang aking imahinasyon dahil sa mga nababasa ko kaya kung anu ano na ang aking naiisip.

Tumayo ako at iniayos ang kurtina sa may bintana. Sumilip ako sa labas at sa hindi sinasadya ay may nahagip ang aking mga mata. Taong nakatayo sa tapat ng ilaw sa labas at siya ay nakatingin sa akin? Hindi ko maaninag kung sino man siya dahil na din sa ulan.

Nagulat ako ng may marinig akong tunog kaya naman tinignan ko kung saan, yung libro ko lang pala nahulog. Binalik ko ang atensyon ko sa taong nasa labas pero ng makita ko na ay wala na siya.

Sino kaya ang taong yun? Hay naku makatulog na nga lang. Sa wakas dinadalaw na ako ng antok.Sinara ko na ang bintana at pinulot ko ang libro kong nahulog at ipinatong na sa aking mesa pinatay ko na din ang ilaw at humiga na ako.

Sana maging masaya ang araw ko bukas…at tuluyan ko nang pinikit ang aking mga mata.

The Other Side  【Slow Update】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon