TOS 05

118 4 8
                                    

Nakaramdam ako ng lamig nang magising ako ng kay aga, hindi pa kataasan ang araw. Bumangon na ako at binuksan ang bintana ng aking kwarto. Namasdan ko ang mga punong may mamasa masang dahon dahil na din sa umulan kagabi. Hindi naman masyadong makapal ang hamog pero may ilang parte pa rin na hindi ko makita dahil na din sa mapuno ang lugar dito sa amin.

Lumipat na kasi kami ng tirahan ni Mama, nung una kasi ayaw kong umalis kasi alam kong babalik siya, ang Kuya ko. Hindi kami tunay na magkapatid, tinuring lang namin ang isa’t isa na parang magkapatid na. pareho kaming nag iisang anak ng magulang namin. Iniisip ko nga no’n ay sana tunay ko nalang siyang Kuya para alam kong laging may kasama ako.

Pinikit ko ang aking mga mata habang nakatayo sa may tapat ng bintana. Dinadama ang kapaligiran, ayaw ko ng isipin ‘yon, pero naiisip ko pumunta kaya ako dun? Pumunta kaya ako sa lugar kung saan kami unang nagkita. Tutal, bakasyon na yun nalang ang gagawin ko. Ang balikan ang nakagawian ko dati. Umaasa pa rin kasi ako…na makita siyang muli. Ang makita ang Kuya ko, gusto ko siyang tanungin kung bakit siya umalis nang wala man lang pasabi sa akin.

Umihip ang hangin at naramdaman ko itong dumampi sa balat ko, napakalamig at ang sarap sa pakiramdam. Huminga ako ng malalim. Mabuti pa at maglakad-takbo ako sa labas at ng makapag painit ako ng katawan. Kinuha ko ang ‘sweater’ ko at isinuot na sa aking katawan. Lumabas na ako ng kwarto at saktong nadatnan ko si Mama na naghahanda na ng pagkain.

Nakagawian na namin na kumain ng maaga dahil sa maraming aasikasuhin. Tinapay at mainit na inuming tsokolate lang ang agahan ko, at nagpaalam muna ako kay Mama para lumabas at magpainit ng kaunti.

**

Matapos ni Sam sa kanyang agahan ay lumabas na siya ng bahay nila para maglakad-takbo sa labas ng bahay nila. Nakasalpak sa kanyang tenga ang musikang pinapatugtog niya habang naglalakad-takbo. Habang abala lang siya ay may isang lalaki palang nakamasid sa kanya.

Hindi niya pansin ito dahil nakatuon lang atensyon niya sa harapan niya at sa musikang pinapakinggan niya.  Hindi pa siya gaanong nakapagpapainit kaya medyo napapalayo na siya sa bahay nila. Huminto siya at tinanggal ang bagay na nakasalpak sa tenga niya, narinig niya ang mga huni ng mga ibon at namangha siya dito.

Sinalpak niya ulit sa tenga niya ang pinapatugtog niya. May nakita siyang isang lalaki sa kabilang kanto at nginitian siya nito kaya naman ibinalik niya din ito sa lalaki. Nagpatuloy na ulit si Sam sa ginagawa niya, ang magpainit. Sa kabilang dako naman ang lalaking kaninang nagmamasid kay Sam kanina ay, napunta ang atensyon sa lalaking nakasalubong ni Sam kanina.

Nasa isang puno ang lalaking nagmamasid at dinidilaan ang kanyang labi na parang nasasabik. Naghihintay lamang ito ng tyempo para magawa na niya ang kanyang nais. Naglalakad lang ang lalaki sa gilid, pasimpleng sumisipol pa ito. Natigil ito dahil may narinig siyang isang sasakyan, paalis pala ito. Pero nang makita niyang isang truck pala ang padating ay napabuntong hininga ang lalaki.

Nagkaroon naman ng ngiti sa mukha ang lalaking nagmamasid sa puno. Naglakad muli ang lalaki pero natigil ito nang makita niyang natanggal ang sintas ng sapatos niya. Habang inaayos niya ang kanyang sintas ay nakakuha naman na ng tyempo ang lalaking nakamasid. Wala siyang sinayang na segundo, agad niya itong nilapitan nang napakabilis at hinila papasok sa mapunong lugar, iyong malayo sa kalsada.

Nasasaktan ang lalaki pilit itong kumakalas sa pagkakahila sa kanyang damit sa likuran. Nagkaroon na ito ng mga galos kaya naman lalong naamoy ng lalaking humihila sa kanya ang kanyang dugo. Nang alam na niyang malayo na siya sa lugar na may kalsada ay tumigil na ito at inihagis ang lalaking mabibiktima niya. Tumama ang ulo ng lalaki sa isang bato kaya naman nahilo ito. Palapit na ang misteryosong lalaki sa lalaking duguan na may galos sa ilang parte ng braso at mukha.

The Other Side  【Slow Update】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon