TOS 07

75 7 7
                                    

Dylan POV

Nasa labasan na ako nang may mapansin akong nakasandal sa pader. Alam kong siya iyon, kaya naman nilihis ko na ang daanan ko. Ayaw ko pa muna siyang kausapin ngayon. Hindi ko alam, basta! Mas mabuti na siguro na ganito nalang kami ngayon, tutal naman alam kong liligaya siya sa piling niya. Oo, mahal ko siya pero ang putulin ang isang pangakong binitawan ko mahirap ng wasakin pa. Narinig ko ang pagtunog ng kanyang sapatos alam kong pipigilan niya ako.

“Dylan” ayan na nga narinig ko na ang kanyang boses, hindi ko alam pero parang naulila akosa mga boses niya. Gayunpaman nagpatuloy pa rin ako.

“Dylan, ano ba?! Pakiusap” huminto ako, hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko maging  ako ay gulong gulo. Mabuti pa, aalis na ako bago pa hindi ko kayanin ang lahat pero bago yun ay hinablot na niya ang braso ko at ramdam ko ang lakas nito ang pagtulis ng kanyang mga kuko. Alam kong nagagalit na siya sa akin pero hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman ko ngayon pisikal dahil sa paghawak niya sa akin.

“Pwede ba Dylan kahit ngayon lang mag-usap tayo! Iyong atin lamang”.

“Wala naman tayong dapat pag usapan at kung meron man, pwedeng saka nalang dahil may lakad pa ako” nakakainis bakit iyan ang nasabi ko? Tutal meron naman talaga kaming pupuntahan ni tito pero dun sa una kong nabanggit, nakakainis nasaktan ko nanaman siya.

“Marami Dylan, marami. Kung bakit iniiwasan mo ako. Kung b—”

Tumalikod  na ako, at nagpatuloy na ako sa paglakad, iniwanan ko na siya dun. Pero ang mas ikinagulat ko. Bigla niya uli akong hinila paharap sa kanya at… naramdaman ko ang matamis niyang labi. At lalo kong mas ikinabahala ang nakita kong pares ng mapupulang mata na galit na galit sa nasaksihan niyang pangyayari. Kaya naman bumitiw na ako sa kanya, kay Cass.

“Hindi pa ba malinaw sayo? Mahal kita Dylan, mahal na mahal pero ewan ko kung bakit hindi mo man lang maramdaman”

“Iyon lang ba?! Iyon lang ba ang gusto mong sabihin?! Pwes, Cass hindi ko kayang suklian ng pagmamahal iyang nais mo! At kung meron man, bilang kapatid lang iyon. dahil mahal kita bilang kapatid”. Sabi ko na eh dapat kanina pa ako umalis. Kasi, ayaw ko siyang masaktan sa sasabihin ko. Tumalikod na ako sa kanya, ayaw kong makita ang mga luhang nasasayang dahil lang sa akin.

“Patawad” at umalis na ako ng tuluyan.

***

Nakita ko na si tito, na kanina pang naghihintay siguro. Kaya naman agad na akong sumakay sa sasakyan niya.

“Patawad tito kung nahuli ako, san ba ang punta natin?”

“Malalaman mo din”

Isa pa ito sa kinaiisip ko, hindi ko alam kung saan nga ba kami pupunta. Marami ngayon gumugulo sa isip ko, yung dalawang pares ng matang nakita ko kanina, si Cass.

“at makikilala mo rin siya”

Makikilala? Sino nanaman ‘to?

“Sino?” katanungan na dumagdag pa sa kaguluhan na iniisip ko. Pero, hindi ko na narinig na sumagot si tito nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho niya. Mga ilang minuto pa ang nakalipas, huminto na rin si tito, nandito na kami. Tinignan ko ang paligid, maraming krus ang nakatayo, may mga ilang bulaklak at kandilang nakalagay sa paligid nito. Teka, ito ba ang lugar na sinasabi ni tito? Ang lugar kung saan kami pupunta…dito sa sementeryo?

“Narito na tayo”

“T-teka, kung nandito na tayo. Sino naman yung tinutukoy niyo?” imbes na sagutin ako ni tito nanatili pa rin siyang tahimik. Kahit na naiinis na ako napansin ko sa mga mata niya ang lungkot. Kaya naman, hindi na ako nagtanong pa. May mga ilang tao akong nakikita, nauuhaw ako sa amoy nila. Gusto kong lumabas pero pinipigil ako ng konsensya, hindi ako tulad ng mga bampira na takam sa dugo ng mga tao. Matamis ito kaya naman hindi nakakapagtaka na nakakaadik para sa amin.

Ilang oras na ang nakalipas pero narito pa rin kami sa loob ng sasakyan, akala ko ba may ipapakilala siya. Pero tila yata nag aaksaya lang kami ng oras dito. Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako sa sinabi niya.

“Narito na sila”

Sila? Ibig sabihin hindi lang isa ang ipapakilala sa akin. Tumingin ako sa paligid, wala akong ibang makita kundi ang mga nakatayong krus pa rin. Nagulat ako ng biglang nagbukas ang pinto sa tabi ni tito, lumabas na pala siya at tumayo sa silong ng puno. Nakaamoy ako ng dugo ng tao. Ibig sabihin ba siguro ni tito na tao ang ipapakilala niya sa akin? Lumabas na ako, at tinabihan siya sa kinatatayuan niya.

“Siya, siya ang ipapakilala ko sayo Dylan, at nais kong bantayan mo siya.” Teka talagang naguguluhan na ako, tao ang ipapabantay niya sa akin? At sa anong dahilan naman? Alam naman niyang bampira ako at maging ako naman hindi kayang pigilan ang kagustuhan ko sa mga dugo ng mga tao.

“Bakit? At sa anong dahilan naman bakit mo naman siya gusto kong bantayan?”

“Dahil sa…anak ko siya. At ayaw kong may mangyari sa kanyang masama”

Ikinagulat ko ang sinabi ni tito. Anak? Paano siya nagkaroon ng anak sa isang mortal? Teka, nakita ko nanaman ang mga lungkot sa mga mata niya at ngayon naman may mga luhang namumuo dito. Pinunasan na niya ito bago pa tuluyan itong tumulo. Kung anak pala niya iyon at asawa? Bakit hindi niya ito lapitan imbes na narito lang siya nakatayo at pinipigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Oo nga pala, mangyaring masama? Anong ibig sabihin niya sa ayaw niyang may mangyari masama sa anak niya?

“Ano ba talaga ang ibig niyong sabihin?” mabuti nang malinawan ako sa mga katanungan ko.

“Alam na nila.”

Nila? Teka, oo nga pala ang propesiya. Tumingin ako sa dalawa. Patuloy pa rin sa pag iyak iyong isang babae samantalang ang isa naman ay pilit na tinatahan ito. Mga ilan pang minuto tila napatahan na niya ito kaya naman tumayo na sila. Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ng anak ni tito, mukha itong pamilyar sa akin, parang nagkita na kami dati. Hindi ko lang matandaan kung kelan at saan. Teka, mukhang titingin ata siya sa direksyon namin. Hindi pwedeng makita niya kami lalo na si tito.

***

Lungkot iyan ang nadarama ni Sam at ng kanyang ina nang bumisita sila sa puntod ng kanyang ama. Masakit man na tanggapin ang biglaang pagkawala ng kanyang ama, pinatatag pa rin niya ang kanyang sarili. Noong mga oras na iyon, na malapit na silang umalis, parang napansin niyang may nanunuod sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Tumngin siya sa isang direksyon, sa may puno, dahil alam niyang may hugis taong nakatayo doon. Pero nang tignan na niya ito ay wala na. may kaunting kilabot siyang naramdaman, naalala nanaman niya ang mga halimaw.

Samantala, pag kaalis nila Dylan at ng kanyang tito, may isa palang kauri nila ang nakatago di kalayuan din sa kinaruruunan nila Sam. Nakasuot ito ng itim, at nakatayong may ngiti sa mukha. Nakakapangilabot ang tingin kasama ng mapupula niyang mata.

The Other Side  【Slow Update】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon