TOS 04

133 5 3
                                    

Cassandra POV

Sa kasalukuyang nasa kwarto ako ngayon, hinihintay si Dylan. Nasaan na ba ang lalaking ‘yon? Napakatagal naman niya. Pinatawag ko kasi siya kay Nathan. Si Nathan? Mmm…masasabi ko na siya  lamang ang pinagkakatiwalaan ko dito.

Si Nathan, kaibigan ko na mula nung mga bata pa kami, kaming tatlo nila Dylan. Masaya naman kami nung mga bata kami, naglalaro, nagtatawanan, at sa kahit saang kalokohan magkakasama kami. Pero, hanggang sa dumating ang oras na nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit? Dahil ba sa nalaman niya na may gusto ako sa kanya? Bakit ayaw niya ako? Ahh…naalala ko na nung mga bata pa kami sinabi niyang,

 Nakaraan:

Kasalukuyang nandito kami ngayon ni Dylan sa isang madilim na sulok dito sa kwarto, naglalaro kasi kami ng taguan at taya ngayon si Nathan. Hindi ko alam kung sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

“shhh..wag kang maingay Cass *tawag niya sa akin, siya lang ang tumatawag sa pangalan kong ‘yan* baka marinig tayo ni Nathan”

Magsasalita na sa ako nang takpan niya ang bibig ko, nilagay niya yung hintuturo niya sa labi niya na para bang sinasabi niya na wag akong maingay. Alam ko naman na ginawa niya yun dahil baka makita kami ni Nathan.

“Dylan, Cassandra…nasaan kayo?” hindi ko mapigilan ang matawa kay Nathan sa paghahanap niya sa amin kasi malapit lang siya sa amin. Pinagmasdan ko nalang ang mukha ni Dylan, siguro sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Alam ko naman na gusto niya rin ako eh, at saka wala naman akong nakikita na may gusto siya sa iba kaya alam kong ako ang gusto niya.

Saktong haharap na sa akin si Dylan nang inilapit ko ang mukha ko sa kanya at nagdampi ang mga labi naming dalawa. Nagulat siya sa ginawa ko, maging ako. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero, anong gagawin ko, nangyari na.

“Bakit mo ginawa yun?” napalakas yung boses niya kaya alam kong narinig na ni Nathan ang boses ni Dylan. Magsasalita na sa ako nang mapansin kong nakatayo na si Nathan sa gilid naming. “Huli kayong dalawa, hahaha”…hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa ginawa ko. At saka lang ako natauhan ng tumayo si Dylan at agad na naglakad palabas.

“Uy, ikaw na taya Dylan” sabi ni Nathan na wala pa ring kaalam alam sa nangyari. Walang sagot na iniwan si Dylan, kaya napakunot ng noo si Nathan. “Anong nangyari dun?” tanong niya sa akin, pero imbes na sagutin ko si Nathan agad ko ng sinundan si Dylan.

“Dylan, sandali” pagpigil ko sa kanya habang siya ay naglalakad at salamat naman at huminto siya. “sandali, dun sa ginawa ko kanina h—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa inunahan na niya ako. “Alam kong hindi mo sinasadya yun Cass, pero kung may pagtingin ka sa akin, wag mo ng ituloy dahil sa wala akong gusto sa’yo.

Oo mahal kita pero hanggang kapatid lang yun. Kapatid lang ang turing ko sayo Cass” naiwan akong nakatayo mag isa dahil umalis na siya. Kapatid lang pala ang turing niya sa akin. Umasa lang ako sa magaganda niyang pakikisama niya sa akin. Lahat lang pala yun ay bilang kapatid ang turing niya.

Narinig ko ang boses ni Nathan, papalapit sa akin. “Uy, ano bang nangyari? Bakit ‘yun umalis, ni hindi pa nga kayo nagiging taya, umayaw na agad kayo. T-teka, umiiyak ka ba Cassandra?” ito kasi ang unang beses na umiyak ako at sa taong mahal ko pa. pag nasusugatan ako pisikal, normal na sa akin yun dahil sa mabilis maghilom ang mga sugat ko dahil nga sa bampira kami. Si Nathan, siya ang unang nakakita sa akin na makita akong lumuluha, hnidi niya alam ang rason pero tumahimik na din siya sa kakatanong.

“Halika, ipapasyal nalang kita para naman mapawi yang mga luha mo na hindi ko naman alam kung bakit ka lumuluha.” Sumama ako kay Nathan, tahimik lang ako dahil sa lutang ang pag-iisip ko. Kanina pa nagsasalita si Nathan pero hindi ko alam kung anong sinasabi niya, wala ang aking atensyon sa pakikinig sa kaniya. Nagulat ako ng huminto siya at humarap sa akin “Cassandra, hindi ko alam kung bakit ka nagkaka ganyan pero sana tanggapin mo nalang kung ano yun”

“Tanggapin?! *pagtataas ko ng boses* hindo ko kayang tanggapin yun” tulala lang si Nathan, hindi ko sinasadya na masigawan siya. Siya na nga lang ang dumadamay sa akin, sisigawan ko pa siya kaya naman humingi ako ng tawad. “Ayo slang yun Casandra, pasensya na sa sinabi ko”

“Pasensya din sa inasal ko alam kong hindi ko dapat ginawa ‘yon.” Ngumiti sa akin si Nathan at may binanggit siya pero hindi ko naintindihan kung ano ‘yon. Namasyal kami at dinala niya ako sa isang lugar kung saan hindi ko pa nakikita. Maganda naman yung lugar, tahimik, at payapa. Yung simoy ng hangin napakasarap at ang presko.

Liblib lang ang lugar kaya hindi kami nasisinagan ng araw. Nakakarinig ako ng kaluskos, at nakaramdam ako ng gutom, tinuon ko kung saan nanggagaling ang kaluskos na iyon. Si Nathan naman, parang alam na niya ang gagawin ko kaya naman ginaya na niya ako sa pagbigay ng atensyon dun sa ingay na naririnig namin..

Parang alam ko na kung saan ko nakikita iyon kaya naman pumesto na ako at sinundan ‘yon, isa siyang usa. Hindi na ako makapaghintay pa, nauuhaw na ako. Saktong susunggaban ko na ito ng may biglang may isang tigre na lumabas, nag aabang din pala siya sa magiging hapunan niya. Pero imbes na yung usa ang makain ko ay ang tigre, alam kong mas masarap ang dugo ng usa dahil sa mas malinis ito sa tigre pero iba ang nahuli ko. Nakawala ang usa pero ang tigreng ito ay hindi.

Umuwi ako kasama si Nathan na may dugo ako sa mukha. Agad naman akong pumunta sa kwarto para maglinis. Pagkatapos nun ay lumabas na ako, nakita ko si Dylan kasama si Nathan nag-uusap sila. Napansin ata ako ni Dylan kaya naman umalis na ito, narinig kong nagpasalamat si Nathan at hindi na ito lumingin pa. nagdaan ang mga araw, hanggang sa kinausap na ako ni Dylan, humingi siya ng tawad maging ako. Maayos naman na kami, pero yung pakikitungo nya nakakailang minsan lalo na pag kaming dalawa na, hindi ko kaya pag wala si Nathan. Pag dumadating naman si Nathan saka naman siya aalis.

**

Hanggang ngayong may edad na kami at pwede na kami pero kapatid pa rin turing niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan, kung may sakit ako andiyan siya sa tabi ko pero pag wala, wala siya at kung kelangan ko naman siya tulad ngayon. Bumukas ang pinto at alam ko naman na mangyayari ulit ito, wala siya at tanging si Nathan lang na inutusan ko ang dumating. “Nasaan si Dylan? Di ba pinasusundo ko siya sa’yo dahil may importante akong sasabihin sa kanya!”

“Wala siya dito, nasa labas nanaman kasama ng mga kaibigan niya, hindi ko alam kung anong ginawa nila pero baka nasa mga tao”

Nasa mga tao? Anong ginagawa niya dun? Mambibiktima? Sabagay, masarap ang dugo ng mga tao. Nakakaadik ang lasa nito. Lumabas ako ng silid ‘teka san ka pupunta?” si Nathan. Hinayaan ko nalang siya na sumunod sa akin. “Kay Dylan sa kanya ako pupunta” at dire-diretso na ako.

***

Sa isang gabi, nasubaybayan o nabasa nyo ang bawat eksena ng apat na sina; Sam, Dylan, Kristoff at Cassandra.

Si Sam, sino ang nakita niya sa kanyang panaginip? Isang lalaking may mapupulang mata at sa sinabi nitong “kailangan ko ay ikaw” anong ibig sabihin ng lahat ng iyon lalo na sa isang misteryong lalaking nakita niya sa labas ng bahay nila nang mga oras na ay umulan. May koneksyon kaya ang lalaking iyon sa panaginip niya? dahil sa nung nanaginip din siya ay pareho ang sitwasyon, umuulan.

Si Dylan, na sa apat na nabanggit ay isa sa mga may pinaka misteryoso. Ano ang gagampanan niya sa kwento?

Si Cassandra, ang tinuturing ni Dylan na kapatid pero si Cassandra ay may gusto sa kanya. Pero kung kapatid ang turing ni Dylan sa kanya, bakit siya umiiwas at nilalapitan lang niya ito kung masama ang pakiramdam ng dalaga.

Si Kristoff, na aksidenteng nakilala si Samantha at kalaunan ay naging kapatid na ang turing nito sa babae. Nangako siya na siya ang magiging kuya ni Samantha at hindi niya iiwan itong nag-iisa, dahil na din siguro sa pareho silang nag iisang anak kaya naman ganun nalang ang kanilang nais ang magkaroon ng kapatid. Pero si Kristoff, ang pangako niya kay Samantha  hindi ito natupad at umalis ito ng walang sinabing dahilan kay Samantha. Ano ba ang kanyang dahilan? Bakit ito lumisan…

At ang huli si Nathan, may mga ilan nang nabanggit tungkol sa kaniya pero hindi pa lahat detilyado ang kanyang nakaraan. Sino nga ba siya? At bukod sa nakasama niya sina Dylan at Cassandra, bakit kaya siya iniiwasan ni Dylan?

Abangan…ang mga susunod na kabanata ay lahat tungkol kay Cassandra.

The Other Side  【Slow Update】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon