17 First Quest

2.5K 102 6
                                    

Nakita ko na mag-isa na naman si Ren at nung nalaman na mag isa ako at walang kasama si Kean ang nag accommodate sa akin tanong siya ng tanong tungkol sa akin , kwento ng kwento,  pickup lines, at kung ano ano pa... Hindi ko na tuloy nakakausap si Ren

"Last question " alam kong hindi yan ang last question niya

"Ano? "

"Bakit gusto mong mag stay ng 1 week kay Ren? "

"Kasi gusto ko ng masarap kasama,  yung kakaiba,  yung masaya at doon ko nakita kay Ren lahat yan " nagbago ang mukha niya parang nadismaya

"Ahh Okay sige " Ngumiti na lang siya sa akin

"Sige Register lang ako " pahabol pa niya

----------------------

Pagkatapos ko silang samahan mag-register sa Event pumunta naman kami sa isang bench malapit sa townhall

"Nakakapagtaka " sabi ko sa kanilang dalawa

"Bakit naman Serene?  " tanong sa akin ni Ren kala ko forever siyang tahimik

"Bakit parang walang tao dito sa plaza " nakita namin na may tumatakbo papaunta sa kabilang direksyon sa unang tingin isa habang tumatagal dumadami ang tumatakbo sa palabas ng gate

"Ano kaya ang nangyayari? " Bulong ko sa sarili yayayain ko itong dalawang to para makita kung anong ganap

---------------------

"Okay okay tahimik muna mga player! " sabi ng nakatayong player at nakapatong sa isang wooden crate

Tumahimik ang buong grupo ng tao kaming tatlo ay nasa likod lang nito nakikinig kung anong meron

"Kuya... Anong meron dito? " nagtanong ako sa player para naman may kunting kaalaman dito sa kaganap mahirap na kasi walang alam dahil bago na ang game

"Dahil sa bagong Game system,  at may mga bagong events magsasama ako ng mga taong nandito para sa isang quest " sabi niya, mukang ngayon ko lang narinig yon

"Uhmm... Ren gusto mong sumama? "

"Sige " pagkabanggit niya ay ibinalik ko na ang atensyon ko sa crowd

"Ang ayaw sumama sa quest pwedeng umalis na sa grupo " nagtitinginan ang mga player at mukang gusto nilang lahat sumama dahil walabg nagbalak na umalis

"Okay... Mukhang gusto lahat sisimulan ko na " sinimulan niya nang magmasid sa amin at nag turo sana mapili kami para bagong adventure

"Ikaw " pinili niya ang malaking player na naka battle axe sunod ang assasin na nakahood, then yung archer class napapasin kong magandang mga class ang pinipili ang mga iba't ibang class dahil kung puro assasin at walang tank or archer kulang iyon sa advantage ng laban sunod niyang pinili ang knight na may malaking shield sigurado akong siya ang gagawing tank

"at ang huli .....kayong tatlo sa likod " natuwa ako ng isali niya kami sa quest mukang magiging masay---- inurong ako ni Ren ng nakita kong dumaan ang tatlong swordsman sa aking harapan "H-Hindi tayo? " sabi ko kay Ren at nag nod siya argh!  anu bayan

"Okay magsisimula tayo bukas ng madaling araw ... Mag add na kayo ng ka member, ang hindi natawag ay pwede nang makaalis pasensiya na... " nagsi alisan na yung ibang mga player at sumabay na kami sa kanila

"Sayang No hindi tayo nasama sa quest " sabi ko sa kanilang dalawa

"Oo nga eh " sabi ni Kean at umupo sa tabi ng fountain mukang malalim ang iniisip niya

"Ah... Alam ko na!  Kung hindi tayo ang napili para sa quest... Bakit tayo na lang ang mag quest " sabay din silang napatingin sa akin,  mukhang sumangayon aila sa gusto ko ngayon pinuntahan namin ang quests board

Archive  Online : SwordLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon