16 Welcome to the Dark Oasis

2.5K 125 1
                                    

At dahil walang pasok ngayon naglogin na naman kami ni Serene sa Archive Online. Mag i-istay daw siya dito ng about 1 week nag-paalam naman daw siya sa Mom niya.

"San natayo Ren? " tanong niya, ako naman na iniisip kung saan kami tutungo

"Narinig mo ba yung bagong event? " tanong ko sa kanya balak ko sana siyang ayain para naman may kasama ako event

"Ah.. Oo gaganapin yun sa ilalim ng Crystal Sky Valley "

"Tara Register tayo Serene " biglang nag iba ang timpla ng mukha niya nagtaka naman ako kung may mali sa sinabi ko

"Uhh... Ren sa tingin ko ikaw na lang muna " nakapagtataka na dahil sa unang yaya ko sa kanya sa unang event ayaw niya rin sumali

"Serene may problema kaba? Baka naman matulungan kita "

"Ah.. W-wala... Mas mabuti kung ikaw muna para naman mas maging malakas ka sa akin at sa susunod mag kasama na tayo sasama sa event " nginitian niya ako at nginitian ko rin siya, siguro rerespetuhin ko na lang ang desisyon niya

"Ren! " narinig ko ang boses na pamilyar... Dang! It's Kean

"Ren sino yun? " tanong niya, patay yari kailangan kong itago si Serene baka naman kung anong pagsasabihin ni kean sa kanya

"Serene tago! Dali kailangan mo nang magtago " hinawakan ko siya sa balikat niya at ino-urong papalayo sa akin

"B-bakit Ren? Sino ba yun? " pinigilan niya ako sa pagtulak sa kanya at hinarap

"Uh.. May utang ako sa kanya malaking malaki madadamay ka sa utang ko bahala ka " pinilit ko ang rason ko para maitago si Serene

"Ren anong ginagawa mo bro? " sh*t andiyan na siya humarap ako ng hinaharangan si Serene

"Ah wala wala tara may bagong event tara samahan moko mag register " sabay hawak din sa kanya at tintulak ng pilit

"T-teka Ren may itinatago kaba? " lagot na baka malaman niya

"ahh... Wala wala " sabi ko at pilit parin siyang tinutulak

"Oo nga Ren may itinatago kaba? " Sabay kaming napatingin ni Kean kay Serene nang magsalita siya

"R-Ren tama ba yang nakikita ko, b-babae! At ang ganda niya " sabay lumapit siya Kay Serene napasampal na lang ako sa mukha ko at lumapit sa kanilang dalawa

-------------------------

Serene's POV

"Uh.. H-hi kaano -ano mo si Ren " itinaas nito ang kamay ko at halik dito ..o----kay...

"Ah si Ren Mumunting kaibigan ko yan" sabi niya at sabay tingin kay Ren

"Ren bakit mo naman tinatago ang kaibigan mo sakin? " sabi ko at sumabat naman siya

"Oo nga Ren bakit moko tinatago sa babaeng ito ...oo nga pala ako si Kean, ikaw miss anong pangalan mo? "

"Serene "

"Ganda ng pangalan, kasing ganda mo " sabi niya at na creep out ako nung kinidatan niya ako ughh...

"Saan mong gustong pumunta.. Serene? " Tanong sa akin ni kean at tinignan ko si Ren na nasa likod niya

"Ahh.. Actually kasama ko si Ren " at pinuntahan ko si Ren

"Ah..ok Ren sama ako! " tinignan ko si Kean at sabay lingon kay Ren na natahimik

"Sure" tipid na sagot niya mukhang nawalan ng gana si Ren ano kayang nangyari

"Ren bro! Alam ko na kung saan tayo pupunta sa Dark Oasis! Sa lugar kung saan ang magiging next event " sabi ni Kean kay Ren at tinignan ko ulit si Ren, nag mumukang matamlay siya

Archive  Online : SwordLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon