25 Return

1.3K 38 3
                                        

5:14 Am

Nang magising ako tinignan ko ang orasan ko maaga dito ko na pinatulog si Kean na nasa kabilang kwarto bumaba ako para tignan ang katawan ni Celestia at Serene na hanggang ngayon ay walang malay na nakasuot larin ang kanilang APG sa ulo nila. Sana maayos lang sila kahit nasa kamay ng taong yon.

" G-goodmorning dude"

" ...Walang good sa morning " syempre badtrip ako ikaw ba naman kuhanin ang kaibigan mo sayo...

" Anong plano?  Ganun parin ba?  "

" Wala tayong choice eh! Sa tournament parin ang bagsak nito " napahawak ako sa ulo ko at kinamot kahit hindi naman makati

Nag-almusal kami at tumungo sa school kasabay si Kean. Mahigit 10 mins lang ang naubos kasi naglakad kami,pero kung sasakay kami mula sa bahay hanggang doon it would only take 5 minutes or less yata.

" Oy Ren... Uh.. Anong gagawin mo kapag hindi natin.. You know" i cut him off nainis lang ako kapag sinabi niya yun ibig sabihin na nawawalan na siya ng pag asa umiling iling ako... Nagpapahiwatig na masama ang mag isip ng ganoon

Nakita ko naman na bumulong siya 'Sorry' at tumango na lang ako

Time na para pumasok ,isang malawak at malaking gate ang tumambad sa harap namin parang langit lang masasabi mo rin na parang langit ang school namin dahil sa puti nitong pintura at makintab na mga bakal. Hindi nangangalawang ang mga bakal dito, lahat dito ay alagang - alaga.

Peaceful place ang school na ito parang normal at masiyahing paaralan pero ang pinagkaiba ng normal at ng school na ito ay teknolohiya. Masyadong advance ang technology dito kahit ang mga bagong dating na guro ay medyo nahihirapan mag turo, parang base na maraming controls at button.

Any ways plano kong bawiin ang mga kaibigan ko dahil sa isang lalaking hindi maka-move on sa nangyari sa kanyang kuya. Hindi naman namatay ang kuya niya, nawalan lang ng chansang mag-laro ng sikat na vrmmorpg which is pretty big deal ba rin para sa kanya.

" ...napaka shallow naman kasi niya , why not play another game ?" Kibit balikat na tanong sa sarili

Makapagtimpla na nga lang ng kape sabi ko sa sarili

Habang humihigop ng kape nakaisip ako ng medyo magandang plan para mabawi si Serene "Dude ... Alam ko na ang gagawin natin " sabay lapit siya sakin at tinanong ako ng " Ano?"

~*~

"Pakawalan mo na ako walang hiya ka! " pilit na kumakalas si Serene sa isang swivel chair na nakagapos ng mahigpit habang nakatitig kay Ezekiel

"Kung hindi ka tatahimik ang lalaking to ay paglalaruan ka! Gusto mo ba iyon? Hmmm ? Serene? " Pinakita ni Ezekiel ang isang matangkad na lalaki sa likod nito. Laking gulat ni Serene nang makilala niya ito.

" Kamusta Serene ..."

"Clarkson ?! " gulat kong pagkabigkas saka naman ito ngumiti ng nakakatakot. Sinimulan na akong kabahan baka kung anong gawin nilang masama sa akin.... malamang naghahanap na sila mama sa akin.

"Anong kailangan niyo sa akin ? '' nilakasan ko ang loob ko wala dapat akong ikatakot.

" Hmm.. ano nga ba ? " tanong ni Ezekiel kay Clarkson agad naman itong nagbitiw ng salita.

" Gusto lang naman namin gumanti kay Ren at pahirapan siya ng husto " uminit ang ulo ko nang marinig ko ang plano nila 'sasaktan nila si Ren'

" Humanda kayo kapag natapos to! " sigaw ko sa kanila

" At ano namang gagawin mo ? huh ? " nagtawanan ang dalawang kumag. tsk.

narinig kong bumukas ang pinto pero ang dalawang to hindi dahil sa lakas ng kanilang halakhak...

" At ano namang gagawin mo ? huh? babae ka lang kami lalake mas malakas at matalino kami di tulad mong maliit ang utak at mahinang nilalalang ! "

" Ha! tama yan brad! hahaha! "

biglang may kumapit na kamay kay Ezekiel kaya napatigil sa pagsasalita ito

" Alam mo pre, Hindi ginaganyan ang babae sila'y nirerespeto " pangatlong boses ang galing sa likod nila Ezekiel.

.
.
.

" Ren ? P-paano mo kami nahanap?  " laking gulat ng kumag ha! kami naman ang gaganti mabuti na lang at nandito si Ren

" Uhm.. di mo na kailangang malaman " sabay hampas ng tubo sa ulo ni Ezekiel at dali-dali itong tumumba

" H-hayop ka Ren! " sigaw ni Clarkson , sabay suntok kay Ren

" Ren! "

" I know " inilagan niya ito at bumawi ng hampas sa ulo at nawalan ng malay ang dalawa.

" Ren.. salamat sa diyos at narito ka ,  Teka pano mo nga pala kami nahanap? " tinanggal niya ang gapos sa mga kamay ko at nawalan ng sakit ang mga ito....

" Sakin na lang yun Serene. " sabay kindat .. wow ayos to ah .

" Tara na Serene baka magising payang mga yan , naku delikado na "

Sabay na kaming umalis sa abandoned warehouse . tumatakbo na kami palayo at biglang mayroong tumawag kay Ren.

" Hello? " sagot niya sa Cellphone

" Ano Dude ? successful ba ang rescue mission ? " parang kilala ko ito ah. naka loudspeaker kasi at pamilyar ang boses.

" Oo, Success pre ang galing - galing mo talaga "

" Ako pa no " sabay tawanan sila , teka ako lang ata ang Out Of Place dito ah.

" Teka, nasaan na pala kayo ? " tanong ng nasa kabilang linya

" Papunta na kaming Convinience Store  , sunod ka na lang " sabay putol ng tawag

" Uh.. sino yun Ren ?  " tumungin siya ng bahagya

" Si Kean kasama siya sa pagligtas sayo Serene . " Napangiti naman ako ng lubos dahil maaalahanin din naman pala itong mga to . Ng makarating kami ng Convenience Store nakita na namin si Kean na nag-aantay sa tingin ko kami ang hinihintay nito. Nang mabanggaan ang tingin namin sa kanya

" UY !  ano okay ba? " Tumayo siya at lumakad papunta samin

" Syempre naman ! , ano na nga pala mangyayari sa mga yon? " takang sabi ko baka maghasik na naman kasi sila ng lagim...

" Ayoko ko na mangyari yon sakin...." banggit ni Serene

Tumaas ang kilay niya na parang ayos na ang problema " Okay naman ang lahat Ren, Police na ang may bahala sa mga yon .. "

" Hah?! P-police ?! " gulat naming sabi ni Serene

" Para namang ngayon niyo lang narinig ang salitang police "

" bakit naman kasi Police pa? pwede namang wag na humingi ng tulong " Kaya ko naman kasi iligtas si Serene... hehe

" Pero malay mo kung anong masamang mangyari sa inyo .. Di ba ? "

" Tama siya Ren.. lalo lang natin ipapahamak ang ating mga sarili " Tanggal pogi points ko dun ah!...

" Oo! na tama na "

" Bilis mo naman magtampo Ren" Ha! ganun talaga

Pagkatapos mag-usap kumain kami at sabay-sabay umuwi.

                                          

                                                                                  ˜*˜

Sorry for the long wait at short update

-LuxuriaArchive                                                                                     
                                                                                    

Archive  Online : SwordLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon