34 Surprise Trip

1.2K 41 4
                                    

It was saturday 10:00 am. All of us were a bit shocked. Akala namin loko-loko lang. Ang natanggap naming invite ay trip for four to Japan. Kung saan magaganap ang event ng larong AO. Hindi ko rin alam na mayroong ganitong klaseng event, hindi rin ito nailabas sa internet so the chosen ones ang mapipili. Hindi namin alam kung bakit kami.

" Anong gagawin ? Tuloy ba ? Nagpaalam kana kung sasama ka Ren ? " sabi ni Cel. Naghahain siya ng makakain namin.

" Eh... di ko nga rin alam kung sasama ako sa ganito. "

" Sige na Dude. Sama na tayo. Once in a lifetime lang to. " sabi naman ni Kean na bumabanat na ng pagkain.

" Baka nga pagkain lang habol mo doon eh. " bigla naman niyang binaba yung kinakain niya. " Ha-ha! Just kidd'n " sabay tinuloy niya yung pagkain niya.

Tinanong ko muna si Serene kung sasama siya. Pero hindi pa niya alam kung papayagan siya. Napakalayo out-of-town? Napakaswerte naman namin para makatanggap nito. Saka libre pa papunta doon.

" Alam mo Ren sabihin natin sa Mom mo kung papayagan ka, then kay Serene para okay ang lahat. Kung ayaw naman nila eh.. di wag na. Kesa naman tumakas tayo baka pagalitan pag-uwi. "

" May tama ka Cel. " Saad ni Kean. Napa-smirk naman tong si Cel. Syempre napahanga si Kean.

" Oo. Tama mag-paalam muna tayo. " sabi ko  nag-sialisan muna sila. Kasama ko muna si Kean. Wala naman kasing problema tong taong to. Lahat pinapayagan siya. Parang kalapating pinakawalan.

" Ano Ren. Nasaan na ba si Tita? " tanong niya.

" Eh. Hindi ko nga rin alam eh. "

Wala sa kwarto. At sa mga sulok-sulok ng bahay. Kaya't naglaro muna kami ng PC games yung pang multiplayer para naman may magawa kami habang nag-aantay kay Mom.

Pagkalipas ng 2 oras ay pumasok si Mom na may dalang mga gamit. Nagtaka naman ako para saan yung malaking travel bag,pack foods at iba pa.

" Hello Tita! " bati ni Kean.

" Hello Kean, Ren. " pinagbababa niya yung mga gamit niyang dala.

" Mom? "

" Hmmm? "

" Para saan yang mga yan. Aalis ka ulit ? " tanong ko habang inaayos niya yung bagong biling bag.

" Hindi no. Para sayo to. " nagulat ako. Huh!?

" A-ano para saan ? " tanong ko.

" Pagpunta niyo sa Japan. "

" Papano mo nalaman mom ? "

" Nakasalubong ko sila Serene, galing ako sa bestfriend ko. Nagkwentuhan kami. "

" Uh... Pinapayagan moko ? " Meaning ba neto pinapalayas mo nako mom ? Wag naman!

" Oo naman saka hindi mo naman kasi nakita yung kagandahan nun nung lumipat tayo. " Sa bagay nung namatay Dad ko kaya lumipat na kami ng bahay.

" Oh. Ayan pocket money, pagkain,damit mo kumuha kana sa itaas. Passport? Kailangan paba ? " Teka! Walang sinabi sa mga iyon!

" Uh.. Wala kasing—"

Napatigil kami nang may kumatok sa pinto. " Ako na po Tita! " Nagmamadaling binuksan ni Kean ang Pinto. Isang lalaking nakaitim na jacket at may cap,may bag sa likod.

" Is this Hikigaya's Residence? "

" Yes this is! What can I help you with ? " Nanahimik lang kami ni Kean sa isang tabi. Mom ko nakikipagusap sa lalaki.

Archive  Online : SwordLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon