Katatapos lang ng pasok ko sa school at nandito nako sa bahay maglalaro ako maya - maya half day lang kami at wala namang nagturo dahil may mga gagawing preparation sa school
Tungkol ito sa AO, ewan ko ba kung bakit naisali ang ganitong programa sa pag - aaral ang sabi para ma-emphasize ang technology at lumawak ang paggamit at ang efficiency nito.
" Haaaa.... " ang sarap mag-unat kapag pagod. Binuksan ko ang laptop at nag search ng kung ano ano. Ano to? Bulong ko sa sarili
Nakakita na naman ako ng bagong news tungkol sa AO laging sakto kapag nag-sesearch ako agad ko naman itong nabasa
Dark Shadows Event Countdown : 4 hours : 30 mins : 16 secs remaining
Naghighlight ang Countdown sa utak ko mamayang 6 pm ang start, nakapagregister na pala ako tumayo ako at naupo malapit sa sofa nakita ko naman na si Celestia ay bumaba sa kwarto nagkwentuhan siguro silang dalawa.
" Ren anong usually ginagawa mo sa mga oras na ito? " isasaksak ko na sana ang AU ko ng tanungin niya ako at napatigil , hmm.. Let's see ano ba ang ginagawa ko
" Uh... Wala naman naglalaro lang ng AO " simpleng tanong syempre simpleng sagot din napaisip siya bakit? May kakaiba ba sa hobby ko?
" Eh... Di ba kasama mo si Serene dito? Anong ginagawa niyo? " aba iba to ah may-smirk pang ngiti
" H-hoy! Ano ba yang pinagsasabi mo!?" dalidaling bumaba si Serene at tinakpan niya ang bunganga ni Celestia pfft... Nakakatawa sila parang magkapatid
" Wala rin " tipid kong sagot
" Weeee.... Baka naman mer-"
" Tahimik sabi eh! " halatang namumula siya sa sinabi ni Celestia hay bahala sila sa buhay nila. Ako? Maglalaro na lang ako
" Uy! Wait lang naman Ren sama ako " nagsalpak din siya ng APG niya at humiga ganun din ang ginawa ni Serene
" Ren? " inangat ko ang ulo ko ng kaunti pars masilayan si Serene
" Bakit Serene? "
" Ayieee! " bigla namang bumanat si Celestia naputol tuloy yung sasabihin ni Serene
" Ugh.. Shut na Celestia , Link Start! " tumingin din sa kin si Celestia nakikita ko sa mata niya na tinuturo niya si Serene gamit ang mata niya para bang sinasabi na anong meron samin... Umiling ako at muling nahiga, grabe naman to may pagkachismosa pfft...
" Link Start! " biglang nagdilim ang paningin ko at biglang naging puti ang paligid. Muli ko nang nakita ang townhall at ang mga players at sila Serene.
" May susunod na event kasali kaba Ren? "
" Ah. Oo ikaw? " umiling siya kasunod nito ang ngiti na matamlay... nakakapagtaka
" May problema ba? " umiling ulit siya, well diko siya pipilitin. Bago makalimutan magpapalit na ako ng equipment
" Uh.. Gals? Magkita na lang tayo sa GuildHouse may bibilhin lang ako " tumango naman sila at tumungo na binuksan ko ang map ko at lumabas ang semi-transparent window hahanapin ko kung nasaan ang shop
Mamaya pa ay na-locate ko na ang shop ng isang NPC. Tumambad sa harap ko ang sari - saring weapon at armour parang museum sa dami ng bagay nilibot ko ang tingin ko sa mga ito. Sa hali na isa isahin ko ang mga items dito gagawin ko na lang ang 'Scan Items ' isang feature na ikinagagalak ng maraming players na naghahanap ng malalakas na weapons at equipment.
Maul.
Mace..
Katana...
ShortSword....
BINABASA MO ANG
Archive Online : SwordLand
Science Fictionアーカイブ•オンライン The Game that will Change the life of a boy named Ren Once you've played enough and your out of time can you still save yourself to continue playing? Or Leave it all alone and never play this game anymore. It's a gamble between Virtu...