Heartbeat

7.2K 216 6
                                    

5 months later after Theo and Kate's Wedding...

Dylan's POV

"Georgina?" tawag ko sa kaniya.

"Yes? May kailangan ka?" sabi niya at ngumisi na medyo kinainis ko pero hindi na lang ako nag-reklamo. Besides, may gusto akong malaman.

Nilabas ko ang isang bagay na tuwing gabi, kapag tinititigan ko ay lagi ko naaalala ang nagmamay-ari.

"O, Anong meron sa clip na yan?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

"I want to know kung sino ang may-ari niyan."

"Tch! Akin na nga!" sabi niya at inagaw sa akin ang clip ng babae do'n sa park na paro-paro.

Isa sa abilidad ni Georgina ay kapag nakahawak siya ng mga bagay ay makikita niya kung sino ang nagma-may-ari o kung sino man ang nakahawak.

Napangisi siya at idinilat ang kaniyang mata bago tumingin sa akin.

"Soon, Dylan. Makikilala mo ulit siya at maglalandas kayo ng daan. Papasok siya sa Blackwell. Hintayin mo lang," sabi niya at ipinahawak ulit sa akin ang clip bago tumalon mula dito sa terrace.

"Dylan?"

Napatingin ako kay Kate na nakakunot ang noo sa akin.

"Huh?" Anong mayro'n?

"Kanina pa ako nagsasalita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig. Ano bang meron sa clip na 'yan, ha?" tanong niya sa akin at inagaw sa akin ang clip.

"Ang cute naman nito kahit simple lang. Saan mo 'to nakuha?" tanong niya.

"Sa babae sa park." walang-gana kong sagot na ikinangisi niya.

"Ayiiiieeee! May babae na bang natitipuhan ang bestfriend ko? Siya ang nasa isip mo, ano? Anong pangalan niya?" kinikilig niyang sabi at inalog ang balikat ko.

Napahalakhak naman ako. "Kate. Hindi ko nakita at alam ang mukha no'ng babae. Bigla na lang kasi siyang umalis. Naiwan niya 'yan."

"Kailan mo ba siya nakita?" nagtataka niyang tanong at ibinalik sa akin ang clip.

Napatitig ako sa clip na hawak ko. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko tuwing napapatitig ako sa clip na 'to. Hindi ko ma-explain 'yong nararamdaman ko. There was something to the owner of this clip that I couldn't explain.

"Matagal na din 'yon. Hindi ko na siya nakita pa tuwing pumupunta ako sa park."

"Sayang naman," nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa akin na para bang may alam siya na hindi ko alam.

Napakunot ako ng noo. Ano kayang tumatakbo sa isip nito ni Kate?

"Anong tingin 'yan, Kate?" iritado kong sabi.

"Wala. Sabi pala ni Georgina may bago daw na transferee. Dito daw papasok. Babae daw. May rason daw kung bakit dito pinapasok 'yong transferee." sabi niya habang nakangisi.

Kate is really different from Julia that I have known. She looks simply beautiful but nobody got a hunch even Theo that she's the long lost Princess of Very clan. Georgina played us well.

"Nasaan ang triplets? Dapat nando'n ka sa kanila ngayon," sabi ko sa kaniya at nangalumbaba.

"Nasa office sila ngayon ni Georgina. Nando'n din naman si Theo, e. Magmo-monitor na lang muna ako dito sa room," sabi niya at sumandal sa upuan niya.

"Magmo-monitor ka dito? Puro naman mga na-orient na ang nandito? Palusot mo, Kate," natatawa kong sabi.

Napabusangot naman siya at umupo ng maayos.

New Born Vampire Series 2: The Butterfly Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon