Krizzia's POV
Agad akong napatakbo dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung nagdi-delusion lang ako or totoo ang nakita ko. Basta natatakot ako. Ayaw ko na maalala pa ang aksidente na nangyari dahil sa akin. Ayaw na ayaw ko na.
Habang tumatakbo, patuloy ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot at pangamba. Patuloy ang pagtulo ng luha ko kaya lumalabo na ang paningin ko. Hindi ko din alam kung saan na ako papunta basta ang gusto ko lang ay makalayo do'n.
Paulit-ulit na nagpapakita sa isip ko ang nakita ko. Hindi ako maaaring magkamali. Mapuputlang balat. Mapulang mata. Matulis na pangil. Mga bampira.
Agad akong napatigil nang may isang babae ang hinawakan ako sa magkabilang balikat at nag-aalalang tumingin sa akin.
"A-anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" nag-aalala niyng tanong sa akin.
Nang mapatingin ako sa kaniyang mata, bigla akong kumalma. Para akong nahipnotismo ng tingin at hawak niya. Gumaan ang pakiramdam ko at unti-unti, parang wala na akong maalala.
Nagdududang napatingin ako sa babaeng nakahawak sa magkabilang balikat ko.
"Si-sino ka? Bakit ako nandito? Dapat ay nasa klase na ako ngayon," casual kong tanong.
"Nahimatay ka habang papunta sa klase mo. Natagpuan kita dito."
Ngumiti lang siya sa akin at giniya ako paupo sa isang bench na malapit sa malaking puno.
"Ako nga pala si Kate Merilia Vrey. Isa ako sa student council. Nagmo-monitor ako nang matagpuan kita dito na walang malay."
Tumango na lang ako. May kakaiba sa ngiti niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya na nakangiti. Dapat ba akong matakot o huwag na lang pansinin?
"Transferee ka dito diba? Ano bang pangalan mo atsaka anong room mo?" tanong niya sa akin.
"Krizzia Ramirez. Building A. Room 0-1 or A."
Napatango-tango na lang siya at tumahimik. Tahimik ang buong paligid at tanging paghampas lang ng hangin sa mga puno ang maririnig namin.
"Gusto mo bang i-tour kita?" nakangiti niyang sabi sa akin.
"No." Nawala naman ang mga ngiti niya.
As much as possible, ayaw kong sumama sa kahit kanino habang nasa Manila. Wala akong puwedeng kaibiganin at pagkatiwalaan. Nang matapos ang insidente na nagpabago sa akin, nangako ako na kahit kailan ay wala na akong pagkakatiwalian. Dahil sa katangahan ko, nawala ang mga taong mahal ko.
Kate's POV
I don't know why she refused. Hindi ko mapigilang mapaisip nang makita ang kalungkutan sa mukha niya bago siya umiwas ng tingin. Napabuntong-hininga na lang ako at binasa ang isip niya.
"Kuya! Please, wake up. Huwag mo akong iwan."
Nagtataka napatitig ako sa kaniya. Sa tingin ko ay may naaalala siya na parte ng kaniyang nakaraan. Umiiyak siya habang hawak ang kamay ng Kuya niyang puno ng dugo ang katawan.
"If you just accepted my deal, hindi mangyayari ito. You should just accept it, Krizzia. Maliit lang naman ang gusto ko at ikaw lang ang makakagawa no'n, Krizzia."
Hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. Madali siyang magbigay ng tiwala sa mga taong kakakilala pa lang. Kung paano ko nalaman? Nabasa ko ang isip niya at sinisisi niya ang sarili niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nang mapatingin siya sa akin, agad ko siyang kinontrol at tinanggal ang lungkot na nararamdaman. Napangiti na lang ako nang makitang umitim ang mata ni Krizzia, senyales na nabura ko na ang kalungkutan na nararamdaman niya.

BINABASA MO ANG
New Born Vampire Series 2: The Butterfly Princess [Completed]
VampirKrizzia Ramirez is a woman of small talk. A woman who will spoke only if the topic was sensible and distant. But she's not just that woman with all those characteristics but also a woman who is also trapped and can't slip away from her dark past. S...