Hostile

5.1K 153 9
                                    

Krizzia's POV

Napataas ako ng tingin nang may isang pares ng sapatos ang tumigil sa tabi ko. Agad akong umiwas ng tingin nang makita kung sino iyon.

"Hi, puwedeng makiupo?" nakangiti niyang sabi habang may dala siyang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain niya.

Napatingin ako sa buong cafeteria. Nakita kong may mga bakanteng upuan pa naman sa ibang table kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakangiti pa din siya habang tumitingin sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo saka lumipat ng puwesto. Nasa bandang sulok naman ako lumipat kaya iniwan ko muna ang bag ko at kumuha ng pagkain. Habang pabalik sa table ko, agad akong napatigil nang makita na naman siya. Nakaupo siya sa katabi kong upuan. Agad akong lumapit sa kaniya.

"Alis." seryoso kong sabi.

Nakangiting napatingin siya sa akin at tumayo habang dala ang tray niya. Umupo na ako at nag-umpisang kumain. Napatigil ako sa pagsubo nang makitang kumakain siya sa harap ko.

Ano bang meron sa lalakeng 'to? Sinusundan ba ako nito? Hindi ko na lang pinansin ang mga katanungang nasa isip ko at kumain.

"Saan ka nakatira?" rinig kong tanong niya.

Napatigil ako sa tanong niya. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi siya pinansin.

"Ang snob mo naman. By the way, anong gusto mong itawag ko sayo?"

"Krizzia? Mahaba. Krizz? Zia? Masyadong simple,"

Napatingin ako sa kaniya. Nakita kong nakatitig siya sa akin kapagkuwan ay umiwas. Napabuntong-hininga na lang ako at itinuloy ang pagkain. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Puso, tumigil ka na.

"Aha! Alam ko na! Krizzia babe na lang."

Agad akong napaubo-ubo dahil sa sinabi niya. Mabilis kong kinuha ang bottled water ko sa bag at ininom 'yon. Nang makainom, galit na tumingin ako sa kaniya.

"Tigilan mo nga ako," sabi ko at itinuloy ang pagkain ko.

Napangisi siya. Nakita kong pumatong siya sa table at dahan-dahang gumapang palapit sa akin.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Kung hindi mo narinig, uulitin ko. Hindi ako basta-basta sumusuko. Hindi ako susukong kulitin ka hanggang sa pumayag kang kaibiganin kita."

Napakurap-kurap ako. Ang weird ng lalakeng 'to.

Bumaba siya sa table at kinuha ang mansanas na nasa tray niya saka inilagay sa tray ko. Ngumiti lang siya sa akin bago umalis sa harapan ko.

Parang napako ako sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa mansanas na galing sa kaniya.

Hindi ko mapigilang magtanong sa sarili. Ano bang gusto ng lalakeng 'yon?

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at dumiretso sa library tutal ay vacant time naman namin sa oras ni Professor Enrique.

Agad na bumungad sa akin ang katahimikan ng library. Nakahinga ako ng maluwag. Walang iistorbo sa akin dito dahil walang tao dito. Kumuha ako ng libro at nagbasa-basa.

Napatingin ako sa paligid nang may marinig na naglalakad. Agad akong nakaramdam ng takot at kaba. Unti-unting bumabalik sa isip ko ang nangyari. Nakarinig ako ng pag-iyak kaya tinakpan ko ang tenga ko at pumikit.

Mga ilang sandali, nawala ang ingay maging ang pag-iyak na naririnig ko. Gulat na napatingin ako sa isang libro na nahulog mula sa isang shelf.

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa libro saka kinuha iyon. Nanginginig na nabitawan ko ang libro nang makita ko ang isang pahina no'n na puno ng...

"D-dugo." bulong ko sa sarili ko bago ako nawalan ng malay.

Dylan's POV

Pareho kaming napatingin ni Theo sa direksyon ng library nang may marinig kaming pagbagsak mula do'n.

"Narinig mo 'yon?" tanong niya.

"Oo."

Mabilis kaming pumunta sa library. Agad akong napatigil nang makita si Krizzia na walang malay. Binundol ako ng kaba habang nakatingin sa kaniya na walang malay. Lumapit ako sa kaniya at binuhat siya ng bridal style.

Napatingin ako kay Theo na seryosong nakatingin sa libro na hawak niya.

"Hindi oras ngayon para magbasa ng libro, Theo," sabi ko sa kaniya.

"Hindi siya tumahimik, Dylan. Magbabalik siya," sabi niya na ikinatahimik ko.

Seryosong tumingin siya sa akin at pinakita ang nakasulat sa isang pahina gamit ang dugo.

Get ready.

"At sa tingin ko ay nakahanap siya ng bagong kahinaan natin." aniya at dumako ang tingin kay Krizzia na buhat-buhat ko.

Agad kong dinala si Krizzia sa tambayan naming mga Elites. Dinala ko siya sa sarili kong kwarto at inihiga.

Napatingin ako kay Cody na pokerface na nakatingin sa akin habang nakasandal sa pintuan at naka-cross arms.

"Meron namang clinic pero dito mo siya dinala, Dylan. Gagaya ka na ba kay Theo?"

Hindi ako nakapagsalita at napatitig kay Kate na nasa likod ni Cody na puno ng lungkot ang mga mata habang nakakuyom ang kamay na nakatingin kay Cody.

Nagulat ako sa ginawa ni Kate. Sinuntok niya si Cody bago lumabas ng tambayan.

"Fuck!" galit na sabi ni Cody.

"I think you hurt her feelings, Cody. Alam mo bang masayang kwinento sa akin ni Kate kahapon lang na close na daw kayo. Tinuring ka niyang kaibigan, Cody. Dahil sa sinabi mo, parang sinampal mo na din sa mukha niya na isa siyang malaking pagkakamali para kay Theo." seryoso kong sabi.

Nakita ko ang pagsisisi sa mukha niya bago lumabas ng tambayan.

Krizzia's POV

Kinakabahang napabangon ako at napatingin sa buong kwarto. Hindi ko ito kuwarto. Napatingin ako sa sarili ko. Maayos lang din ako.

Mabilis akong napabaling kay Dylan na pumasok ng kwarto at umupo sa bandang paa-han ng kama. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Pumayag ka man o hindi. Magiging kaibigan mo ako, Krizzia."

Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi niya.

"I don't need a friend, Mister. I never wanted a friend so stop acting like an idiot and leave me alone."

Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko.He looks stunned. Like he can't believe I said those harsh wordson him. Sino ba namang gustong masabihan ng gago samantalang nakikipag-kaibigan lang naman?

Narinig ko ang pagtawa niya bago tumayo at lumapit sa isang piano na halatang luma na. Kumuha siya ng upuan at umupo kaharap ang piano.

Nagsimula siyang tumugtog. Agad kong nalaman ang tinutugtog niya dahil sa madalas iyon tugtog ng Kuya ko noong buhay pa siya.

Naaalala ko dati. Tuwing naririnig kong tinutugtog iyon ng Kuya ko, sumasayaw ako na para bang ballerina sa harap niya.

"You may be cold, snob, harsh, woman of few words and totally my opposite but I know, you need a friend. No one doesn't want to be alone." rinig kong sabi niya habang tumutugtog.

Hindi ko mapigilang mapaisip dahil sa sinabi niya. Alam ko. Kailangan ko ng isang kaibigan na puwede kong maging sandalan pero natauhan na ako. Dahil sa katangahan ko, nawala ang mga mahal ko. At ayaw ko na mangyari pa 'yon ulit.

Ayaw ko na. Kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Kahit kulitin man ako ng lalakeng 'to, hindi ako papayag na pasukin niya ang buhay ko. Hinding-hindi.

New Born Vampire Series 2: The Butterfly Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon